Chapter 3

3K 63 1
                                    


BAGO tuluyang lumabas ng bahay si Jden ay muli niyang sinulyapan si Meliz na kausap ng kanyang mga magulang.


Honestly, naguguluhan talaga siya. Hindi niya matandaan kung saan ito nakita o nakilala. With her unique beauty, hindi niya ito makakalimutan agad-agad at baka nga ligawan niya pa ito... "What? do i hear myself right? Ligawan?" Like hell....

Napapailing siya na para bang gusto niyang batukan ang sarili dahil sa naisip. He has to do something at kailangan niyang tuklasin ang inyensyon ng babaeng nagpakilala na asawa niya.

For God's sake....

ASAWA???? Fucking shit!

"Dm, bro! I need you." bulalas agad niya ng sagutin ni Dm ang tawag niya.

"Tado, di tayo talo! kailan ka pa nagladlad?" natatawang sagot ni Dm sa kabilang linya.

"Fuck, I mean is ang tulong mo." natawa ding sabi niya nang maisip ang unang sinabi niya dito.

"Bro, do you remember Mr. Mario Belonio?"

"Hmmm, if I'm not wrong, siya yung instructor natin sa isang training na sinalihan natin way back in Iloilo six years ago." sagot nito makalipas ang ilang segundo na natahimik. "Why? sa pagkakatanda ko namatay siya sa atake sa puso bago pa man tayo matapos. The mas has a great philosophy and we all admire him." dugtong pa nito.

"Yeah, right! have you any by chance remember her daughter." tanong niya na nagbabakasaling kilala ito ng kaibigan.

"Daughter? Does he have one? wala ako matandaang pinakilala sa 'tin. Ang akala ko nga ay mag-isa lang siya sa buhay. Wait, will you spill it out! May problema ba?"

Napabuntong hininga siya bago mulinh nagsalita.

"The chit was here, saying that she's my wife-"

"Wife?" biglang bulalas ni Dm na hindi makapaniwala. "You sly fox, bakit di mo kami inimbita? Siguro natatakot kang agawin namin ano?" pang-aasar ni DM kahit pa ramdam niya na may mali sa sinabi ng kaibigan.

"Damn, DM! You know it's not true. Anyways, according to her ikinasal daw kami six years ago sa Iloilo, which is why I call you. For any perchance do you remember na nagpakasal ako?" nabilaukang sabi niya na para bang isang biro ang lahat ng pangyayari.

"Seriously. Jden, are you kidding me? is this some kind of a prank question?"

"No, joke. Kaya nga ako tumawag sa'yo para hingin ang tulong mo. I know may link ka pa sa mga agent mo sa NBI. Gusto ka sana paimbestigahan ang mga nakakakilala kay Meliz at kung ano ang motibo niya... kung totoong asawa ko siya bakit wala akong maalala at bakit ngayon lang siya nagpakita.

She got all the evidence na hindi ko alam kung paano niya nakalap. Marriage Contract take note an original copy from NSO at ilang picture nang araw mismo ng kasal namin. I'll tell you DM parang gusto kong batukan ang sarili ko. The date of our marriage is just the day after ng birthday ko kaya imposibleng mangyari iyun." sunod-sunod na sabi niya habang panay ang buntong hininga ni DM sa kabilang linya.

"Ok tol, siguraduhin mo na magkaroon ka ng copy ng sinasabi mong marriage contract at yung photo. I'll call Reichelt para puntahan ka dyan. just tell them what you know and what you want sila na bahalang mag-asikaso. For now, bantayan mo ng maigi ang ASAWA MO (natawa) try to act naturally and let her think na nagka-amnesia ka. ask her about the details kung paano kayo nagkakilala at paano kayo kinasal."

"Thanks, Tol! Kamusta pala si Brice?" pagkuwa'y tanong niya ng matapos ang usapan nila patungkol sa problema niya.

"Oh, I think he got the dose of his own medicine." Sagot nito kasabay ng nakakalokong tawa.

"Remember Cymon? well it's really a small world. kasama niya ang babaeng hinahanap ni Brice and he's Sylen's brother." natatawang kwento niya.

"Well,send him my condolences." biro naman ni Jden bago tuluyang nagpaalam dahil may kailangan pa siyang asikasuhin.

"MOMMY," nakangiting tawag sa kanya ni Jae habang nakaupo ito sa kama.

"May masakit ba sa baby ko? nagugutom ka ba?" nag-aalalang nilapitan niya ito at pansamantalang itinigil ang pag-aayos ng gamit nito.

Lilipat na kasi sila sa Maynila gaya ng sabi ng mga magulang ni Jden. Sila na rin ang nakipag-usap sa director ng hospital kasama ni Jden, gusto niya rin sanang sumama sa pakikipag-usap pero pinigilan siya ng asawa at sinabing asikasuhin nalang ang gamit ng kanilang anak.

Nagulat pa siya sa sinabi nito dahil parang tanggap na nito ang anak niya at hindi man lang siya tinanong kung sino ang ama ni Jae.

"Mommy, sabi po ng nurse kanina dumating na daw po si daddy at ililipat na ako sa manila. Is it true mommy? mahal niya din po ba ako gaya niyo ni tita Sonia?" tanong ni Jae na hindi niya alam kung paano sasagutin.

Samantala kadarating lang ni Jden sa kwarto ni Jae at narinig niya ang tanong nito. Sinadya niyang huminto.saglit at hinihintay ang magiging sagot ni Meliz pero tahimik lang ito kaya naman siya na ang sumagot sa tanong ng anak.

Anak? Yeah, di niya alam pero parang ang gaan ng loob niya sa bata.

"Of course, princess! Daddy loves you." nakangiting sabi niya na hindi sa bata nakatingin kundi kay Meliz na tila natuklaw ng ahas na nakatingin sa kanya at ng makabawi ay agad tumayo at nagkunwaring inabala ang sarili sa pag-ayos ng gamit ng anak.

"K-kayo po ang D-daddy ko?" tila hindi makapaniwalang tanong ng bata na nanlaki ang mga mata. The strange feelings touch his soul, bigla niya itong niyakap. "Yes, princess, and I'm sorry for taking so long sa paghanap sa inyo ng mommy mo. Promised di na tayo ulit maghihiwalay." pagkasabi noon ay muli niyang tiningnan ang asawa na nabitiwan ang hawak na bag sa pagkarinig ng sinabi niya.

"Talaga po daddy? di na ako tutuksuhin ng ibang bata na ampon. kasi sabi nila ampon lang daw ako ni mommy kasi nga wala naman akong daddy." bibong sabi sa kanya na tila nagdulot sa kanya ng paghigpit ng hininga at tila pagpiga sa puso niya sa isiping ang munti niyang anghel ay nakaranas ng ganoong hirap.

"I'm really sorry baby, we're gonna be a happy family. Di ba mommy!" baling niya sa asawa na hindi alam kung ano ang gagawin.

"Damn, ano ba nakain ng lalaking ito at parang ang lakas ng loob na bolahin at paasahin ang anak ko?

"Mommy,come here hug ninyo ako ni Daddy." napalunok siya ng marinig ang request ng anak pero wala siyang nagawa kundi ang lumapit at magpakulong sa matipunong katawan ng asawa na naghatid sa kanya ng kakaibang emosyon at sensasyon.

Lihim din namang napapamura si Jden dahil sa paglapat ng katawan ng asawa ay tila may kung anong nabuhay na parte ng kanyang pagkatao.

Damn, it'll be like heaven in hell.

Sa ganoong ayos sila nadatnan ng mag-asawang Philips na parehong napangiti at nagkatinginan.

"Well, son, I'm proud of you! kung ano man ang dahilan mo at tinago mo ang mag-ina mo, I'll wait hanggang sa kaya mo ng magtapat." turan ng kanyang ama na siyang nagpahiwalay sa kanilang pagkayakap na tatlo.

Pasimpling lumayo si Meliz para pagtakpan ang pamumula ng mukha.

"Let me see, where's our little princess?" tanong naman ng kanyang ina, kaya bahagya siyang umurong para makita ng mga ito ang apo.

"My God, Meliz! I'll show you, Jden's picture when he's same age at your daughter para siyang babaeng version ni Jden." hindi napigilang bulalas ni Mrs. Philips na siyang nagpakunot ng noo kay Jden at saka bahagyang tinitigan ang anak na nakangiting yumakap sa nagpakilalang mga lolo at lola.

Sumikdo naman ang pintig ng puso ng dalaga ng marinig ang tinuran ng byenan at wala sa sarili na napatingin sa asawang lumingon din sa kanya kaya nama ilang segundong nagtama ang kanilang tingin na unang nagbawi ang dalaga sa biglang kakaibang kaba na naramdaman

"Who is she?" hindi mapigilang tanong ni Jden sa isipan habang matamang na nakatitig pa rin sa asawa.

tbc


HUSBAND FOR REAL by BreilJaelvicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon