August 15, 2007
3:00am
Isang malakas na iyak ng babaeng sanggol ang nagbibigay ng buhay sa madilim na bahay ng mga Balleazar sa dis oras ng gabi. Hindi ito mapakali.Pumapadyak-padyak ang mga paa nito na halatang inis na inis na. Habang ang babaeng katabi niya'y walang kasing himbing ang pagtulog. Meron pa itong takip na libro sa mukha.
Isang binata ang papalapit sa mumunting bahay ng mga Balleazar
at mula sa labas ng bahay ay dinig na dinig niya ang naggagalaiting iyak ng sanggol na tila paos na sa kakaiyak, kung kaya't agad siyang pumasok at nagmamadaling binuksan ang pinto. Nagmamadali na itong makita ang dahilan ng bata sa pagiyak.
Pagkabukas niya ang pinto ay tumambad sa kanya ang batang nagwawala. Agad niya itong kinuha, kinarga at pinatahan.
"Kawawa naman ang baby namin,di ka pinapansin no? gutom ka ba?", malambing na sabi ng binata sa sanggol na hanggang ngayon ay namumugto parin ang mga mata.
Dinala niya ang sanggol sa kanyang kwarto at saka tinimplahan ng gatas.
Pinipilit niyang hindi mapapikit dahil Kaylangan niya pang ipadighay ang baby pagkatapos nitong uminom ng gatas.
Siya si Arthur John Balleazar,25 yrs old, bihira siyang maging maaruga sa kanyang kapwa pero ibahin mo siya pagdating sa sanggol na ngayon ay katabi nya.
Hindi man niya naranasan kung papaano mahalin ng isang ama ay hindi naman niya pinaparanas kay Baby Liya ang naranasan niya sa kanyang ama noong siyaý bata pa.
"O? tapos na ba ang baby kong magdede lika na Burp ka na," malambing na sabi niya.
Pinapagpag niya ng dahan-dahan ang likod ni Liya at hinihintay ang kakaibang tunog na magiging senyales na nakadighay na ang munting batang . Halata sa mga mata ni Arthur na talagang napagod siya sa kanyang pinanggalingang trabaho pero lahat ng iyon nawala ng makita niya si Liya.Ang mga ngiti at mga titig nito sa kanya ang siyang naging dahilan para
makalimot sa lahat ng hirap ng ginawa niya sa buong maghapon.
Hindi niya mapigilang hindi manggigil sa sanggol dahil napaka-amo ng itsura nito at parang laging nakangiti ang mga mata.
"Ang Cute cute mo naman baby ko! Tignan natin kung puno na diaper mo ah."
Hinawakan niya ang diaper. Binuksan niya ang diaper. Nagulat siya na namumula ang buong puwetan ng bata dahil sa diaper. Kumunot ang noo ng binata na kanina ay masaya.
"Hala Baby! Ang dami mong rushes! Naku! Panigurado masakit to. Sorry baby ah. Humanda sakin si Ayi Bukas," galaiti niya sa sanggol na awang-awa sa sinapit nito.
Dahil sa mga rushes na tinamo ng sanngol hindi na niya ito nilagyan pa ng diaper at dinoble nalang niya ang panloob at short nito para hindi lalong mairita.
"Bahala na maging mapanghi yung higaan ni Kuya nho baby? basta makatulog ka lang ng mahimbing,don't hesitate to wiwi,promise di ako magagalit" ang nakangiting sabi ni Arthur sa sanggol.
Pinatulog na ni Arthur si Liya sa pamamagitan ng konting paghele-hele at pagtapik-tapik nito sa kanyang hita. Makalipas ang ilang saglit ay parehas ng nakatulog ang dalawa.
Mahimbing ng natutulog ang magkapatid.
**Evan's Note**
Ine-edit ko na po ito paunti-unti. Ang panget talaga kapag hindi maayos ang pagkakasulat no? Nakaka-inis! Miski ako naiinis sa sarili kong kwento. Sana po Maglaan kayo ng oras para mag-iwan ng komento kasi makakatulong talaga iyon.
Dont forget to VOTE <3 <3
3:25 AM
3/25/2016
BINABASA MO ANG
Irreplaceable Love
RandomIsa itong istorya ng TATLONG magkapatid sina Arthur, Ayie at Liya. Actually pinaghalo-halong Inspirationl/Love/action/thriller/suspense ang story na ito. And inaayos ko pa siya kasi nainis talaga ako noong binasa ko siya ngayon-ngayon lang. So sorry...