Lagot ka Mackenzie

12 3 2
                                    


"Mackenzie spread a rumor hindi lang sa buong kaklase nila ni Ayi kundi maging sa buong Grade 6 and 5 level students and this is something that I will not tolerate kahit na kamag-anak ko pa siya. Arthur went here so early to tell the situation of her sister Ayi. She's one of my great student since Grade 1. Dinibdib ni Ayi ang lahat ng pangaalipusta na nangyari sa kanya the whole day yesterday. And this will affect her through her entire life. And I will be responsible for that because Im not just the principal but also the grandmother of this child who did something wrong to her."

Hindi makapaniwala si Mrs. Williams sa mga narinig niya sa mismong ina niya.
Anong nangyari sa anak ko bakit nakagawa siya ng ganitong klaseng bagay sa kapwa niya.

"Mackenzie please wait me outside dear...please" ang naluluhang sabi niya sa anak.

Sumunod naman ang bata. Hindi umiimik si Arthur sa isang tabi, pinagmamasdan niya lang ang nangyayari sa sitwasyon.

"Mr. Balleazar ako na humihingi ng paumanhin sa nagawa ng anak ko Kay Ayi, natatandaan ko na kung san tayo nagkita... sa may Tokyo Tokyoki tama ba?"

Tumango muna si Arthur bago sumagot ,
"Opo Mam anak niyo po ang lumapit sa amin."
  
Napahawak sa batok si Miranda dahil sa halo halong iniisip niya ng mga oras na iyon.
"Hindi ko na yata nagagabayan ang anak ko, masyado akong nagiging-focus sa negosyo ko at sa paghihiwalay namin ng papa niya."
Pumipikit ang matang ilang saglit nalang ay lalabasan na ng luha.
"Ma, puwede ba tayong magusap after nito?"baling niya sa ina.

Tumayo na si Arthur sa kinauupuan at nagpaalam na sa dalawa.
"Hindi ko gustong masuspinde si Mackenzie sa klase niya handa kami sa ano mang negotiation,"yun lang at tinungo na nito ang pinto.

"Interesado ako Mr. Balleazar"hirit ni Miranda bago nito tuluyang buksan ang pinto. Lumingo si Arthur sa boses na tumawag sa kanya.

"Hindi matutuloy ang suspension ni Mackenzie kung titira siya kasama ni Ayi sa amin ng dalawang lingo." Nabigla ang dalawang babae sa pagkakarinig ng kondisyon ni Arthur.

"Hindi suspension ang Kaylangan ng isang tulad ni Mackenzie. Sa palagay ko kaylangan niya ng kausap o kaibigan. Pag-isipan niyo Mrs. Williams hindi ito sapilitan."

"Oo, pumapayag ako,"mabilis na sagot ni Miranda kay Arthur. 

Walang atubili na sumagot si Miranda sa kondisyon ni Arthur. Pagkatapos marinig ni Arthur ang sagot ni Mrs. Williams nagbigay ito ng calling card at saka tuluyang binuksan ang pinto.

" Diyan niyo ako mako-contact Mrs. Williams."

Blangko ang utak ni Mackenzie sa mga nangyayari dahil ang totoo wala na siyang naiintindihan. Gulong gulo na din siya sa mga pinaggagawa niya.

"You are the reason why this family will be ruined!"tinig ng babae sa likod ng isang pintong nakasara.

"Ako? Why me? This marriage is not a happily ever after Miranda. This marriage is not about you and me. This is just all about you,"wika ni Enrico tatay ni Mackenzie.

"All about me? Alam mo bang pinag sasasabi mo Enrico? Wag kang magmalinis sa harapan ko. Akala mo hindi ko alam... ha! Akala mo hindi ko alam ang mga pinag-gagagawa mo."

"Okay tell me!!!
" sigaw ni Enrico sa asawa.



***Evan's Note***


Ayun naman pala. Minsan sa tahanan nag-uumpisa kung anong dahilan ng inaasta ng isang bata.

Well sana makatulong ang parusa kay Mackenzie.

Please vote and leave a comment ...

Salamat ng marami.

Irreplaceable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon