"Huwag mo akong matawag tawag na higad Tracey."
"Wow! At sinong tinakot mo?"pagtataray na sagot niya.
"Tracey hindi kami naghahanap ng away,"singit naman ni Angie.
Marami ng nakakapansin sa kanilang umpukan kaya
nagparaya na sina Ayi at Angie. Palagpas na siya sa mga grupo ni Tracey ng bungguin siya ng isa sa mga kasamahan nila sa balikat dahilan para maOut of balance si Ayi ng kaunti.
"Okay ka lang?" sabi ni Angie kasabay ng pagsalo niya rito.
"Grabe! Ang laki ng problema nila sa buhay,"mahinang sabi ni Ayi.
"Ang tatalinong bata pero ang kikitid ng utak!" huling himutok niya bago sila nagpatuloy sa paglalakad.
"Okay ka lang Ayi?" tanong Santi sa kanya.
Si Santi na kasalukuyang nasa Grade 8 na ngayon.Hindi nito lubusang kilala ang binata,pero minsan na siya nitong pinagtanggol.
Tumango si Ayi sa kanya habang pigil niyang hindi binubuka ang bibig na kanina pa gusting magtanong.
"Kuya? Di ba nasa Grade 8 ka na? anong ginagawa mo dito sa Grade 6?" tanong ni Angie sa binata.
" Ah..k-kasi may narinig akong masamang balita tungkol kay Ayi. Mukang pinagkakaisahan siya ng mga babae dito,"namumulang sabi niya.
Lingid man sa kaalaman ni Ayi magkaibigang matalik ang mga Kuya nila at hiningian ni Arthur ng pabor si Santi na bantayan si Ayi ng palihim, at maingat nitong bilin na siguraduhing huwag makahalata ang dalaga na pinababantayan niya ito.
Si Santi din ang dahilan kung bakit nalaman ni Arthur na nagCutting ito ng klase.
"Wow! Ang bilis naman talaga kumalat ng huwad na balita. Samantalang noong nanalo ako bilang treasurer sa buong Grade 6 ni isa wala man lang nagCongratulate,"sabi niya ng may pagkadismaya.
"Okay lang Ayi, ayaw mo yun nakikilala ka na dito sa school yun nga lang sa panget na image pero atleast alam mo sa sarili mo na hindi yun totoo,"saad ni Santi sa kanya.
Pagkatapos niyon ay tinapik siya nito sa balikat at nagpaalam na ito sa kanila na babalik na Grade 8 Bldg.
Papasok na sila sa classroom ng makasalubong nila si Mackenzie. Nagkatinginan sila at saka siya nito inirapan ng pagkatalim-talim.
Ano problema niya? Tanong ni Ayi sa sarili.
Pagpasok niya sa silid aralan nila... laking gulat niya ng makita ang upuan at ang mga salitang nakasulat sa blackboard.
Ayi The Secret Mother Eeeww!!!
At ng upuan niya may papel na nakadikit.
UPUAN PARA SA SINGLE MOM!
Lumapit ng mabilis si Angie at tinangal ang bondpaper na nakadikit sa upuan ni Ayi.
"Sinong may gawa nito!?" galit na sigaw ni Angie sa mga kaklase niya.
"Pagsisisihan niyo ito ng malaki!" pahabol pa niya.
********************
Tulala si Ayi habang pauwi sila ni Angie galing sa school at halos hindi nagsasalita. Narinig lang siya ni Angie magsalita ng bumaba na ito sa jeep para magpaalam.
"Ingat sa paguwi Angie"
sabi niya sa kaibigan ng may mahina at malungkot na boses.
Inside's Ayi's Mind:
Ganito pala yung feeling ng pingkakaisahan.
Masakit pala s pakiramdam.
Halos naging mabait naman ako sa kanila pero bakit ganon mas pinili nilang gawan ako ng masama. Ang tatanga naman ng mga yun! Mas naniniwala sa maling balita.
Di bale atleast alam ko na kung sino ang mga taong mas karapat dapat kong samahan.
Naabutan niyang natutulog sa kwarto si Baby Liya at Tita Claire niya kaya dahan dahan siyang nagbaba ng gamit at nagbihis ng damit.
Bakit ganon, kapag mabuti ka inaapi ka kapag masama ka minamahal ka?
Tama ba yun? Hay ewan ayoko ng magisip ng negatibo
lalo lang akong nagiging miserable. Parang...parang... ayaw ko muna tuloy pumasok sa school bukas tinatamad ako dahil sa mga pangyayari,
ang sabi niya sa sarili.
*************
"Ganon na nga ang nangyari Mackenzie Williams yung name,"sabi ni Santi sa lalaking naka-dekwatro sa harapan niya.
Kasalukuyan silang nasa isang Coffee Shop at naguusap tungkol sa nangyari kanina sa eskwelahan ni Ayi.
"Ganun ba, hindi nga ako nagkamali sa mga mangyayari. Salamat sa impormasyon," ang nangingiting sagot ni Athur kay Santi.
"Kamusta na si Felix? Kelan kasal ng Kuya mo?"
"Okay naman po siya pero si Ate Sab lumalala an sakit niya"
Biglang nakaramdam ng lungkot si Arthur sa binunyag ni Santi.
Matagal ng nilalabanan ni Sab ang sakit niyang Leukemia,
matagal niyang nilihim iyon kay Felix dahil ayaw nitong masaktan ang binata.
Iyon ang naging rason ni Sab para umiwas sa pagmamahal na
pilit na ibinibigay sa kanya ni Felix;
para saan pa daw ang magmahal siya kung iiwan din niya iyon sa bandang huli.
Dahil sa kakulitang pinairal ni Felix sa dalagang nakikipaglaban sa kamatayan pinagtapat ni Sab ang lihim na matagal na niyang tinatago sa lahat. Masakit man para kay Felix na imposible na niyang makasama ang babaeng minahal na sa unang pagkakataong nasilayan niya ito ay tinanggap niya at agad na niyayang magpakasal. Sa halos ilang minuto ng katahimikan may isang bagay na isiniwalat si Santi sa kanya.
"Kuya Arthur," at napatingin ito sa kanya.
"Nagdadalang tao si Sab. "
Nanlaking bigla ang mga mata ni Arthur.
"Waaalang hiya naman oh! Bakit di ko alam?" bulalas niya sa kausap.
"Kuya mo malihim din eh no, asan siya?"
"Asa bahay lang po," sagot ng binatilyo.
"Tara! NaMiss k narin yung mokong nayun."
Hindi na nila nagawang tapusin ang iniinum nilang kape dahil nagmamadali na silang tumungo sa sasakyan.
"Bubugbugin ko siya pag di niya ako ginawang ninong!"
***Evan's Note***
Hey! its 2:06 am na and I'm still awake because I'm at work while editing this. I hope you'll vote for each Chapter. Please let us support Ayi!
SAY NO TO BULLYING <3
BINABASA MO ANG
Irreplaceable Love
RandomIsa itong istorya ng TATLONG magkapatid sina Arthur, Ayie at Liya. Actually pinaghalo-halong Inspirationl/Love/action/thriller/suspense ang story na ito. And inaayos ko pa siya kasi nainis talaga ako noong binasa ko siya ngayon-ngayon lang. So sorry...
