The First Day

18 4 1
                                    

Hinatid na ni Miranda ang anak na si Mack sa bahay ng mga Balleazar.

Naiwang tulala si Mack sa harap ng gate nila Arthur.

"Ano pang tinutungatunganga mo dito?"

Napasigaw si Mack ng bahagya dahil sa di inaasahang pagsulpot ni Arthur sa likuran niya.

"Matatakutin ka pala. Ang alam ko bully ka lang," ang seryosong sabi ni Arthur sa kanya.

"Hindi mo man lang ba bibitbitin ang maleta ko Kuya Arthur?" ang sarkastik na tanong ni Mack sa lalaking dire-diretsong naglalakad.

"Bakit gamit ko ba yan?" ang sabi nito habang naglalakad.

"Tsss..." napasimangot si Mack sa sinabing iyon ni Arthur. Padabog niyang hinila ang maleta at maingay niya itong pinapagulong papasok sa pintuan ng mga Balleazar.

Nang malapit na si Mackenzie sa pintuan ay napasilip pa si Arthur sa kanya.

"Ano ba laman niyan? Semento? Pakibilisan lang kasi yung mga lamok papasok. Baka magka-dengue pa kapatid ko."

"What the!!! Sana tinulungan mo man lang ako di ba Ku..ya..." ang hingal na hingal na sabi ni Mack.

Nilibot ni Mack ang kanyang paningin saktong pagtapak niya sa loob ng bahay mismo nina Ayi. Malinis at simple ang itsura ng loob. Maaliwalas at halatang yung ibang gamit ay antique. May mga portrait din ng mga karagatan at ang isang naka-agaw pansin sa kanya ay ang "House rules na naka-frame?"

"Oo, kaya basahin mo yan ng maiigi ha," ang sabat sa kanya ni Arthur.
"Hindi ako palaging nandito pero lagi akong updated sa mga nangyayari dito at- huwag mo ng tanungin kung bakit," ang paliwanag ni Arthur kay Mack.

"Bakit?" ang sagot naman ni Mack.

"Di ba kasasabi ko lang...wag kang magtanong. Spoiled Brat."

"Okay Fine," ang mataray nitong sagot sa lalake. "Where's my room?"

"Doon ka matutulog sa kwarto ni Ayi," mabilis na sagot ni Arthur.

"WHAT!? WHY? NO!!!" ang mabilis na pagtanggi niya. "I need my own room! my own space!"

"Well this is not your house. Walang own room at walang own space. Ganyan pala talaga ugali mo no? Nakaka-INIS."

Seryoso na ang naging mukha ni Arthur. Namula-mula na ito sa inis.

"Pwede umupo ka muna doon sa sala baka hindi kita matantya," ang sabiniya sa turo sa sala.

Halos maiyak si Mackenzie sa narinig niyang iyon kay Arthur. Iyon kasi ang unang beses na may nagsabi sa kanya ng ganoon"Baka hindi kita matantya" kaya iyon ang unang beses na nakaramdam siya ng takot.

"Dont talk to me like that!" ang sabi ni Mack sa kanya. "Ni minsan hindi ako pinagsasalitaan nina Mommy at Daddy ng ganyan!"

"Shut up Mack please...and FYI I'm not your Dad and mas lalong di mo ako magiging ina. So please doon ka na muna sa Sala."

Impyerno pala itong bahay na'to eh! di bale two weeks lang ako dito. Oras na matapos ang exam aalis na ako dito! ang sabi ni Mackenzie ng maka-upo na siya sa Sofa. Nawala ang inis niya ng makita niya ang litrato ng sanggol na si Iya at ng Kuya nitong si Arthur.

Naka-ngiti? Seryoso? Eto siya kapag naka-ngiti? ang hindi makapaniwalang sabi ni Mackenzie ng mapag-masdan niya ng maigi ang litrato.

Hindi napigilan ni Mackenzie ang hidi hawakan ang litrato dahil hindi siya makapaniwala na ang lalakeng nagsunget sa kanya ay marunong palang NGUMITI!

"Ingat baka malaglag at baka mapagalitan ka ulit ni Arthur."

Napalingon si Mackenzie sa bandang pintuan. Nakita niya ang isang ale na may bitbit na nakangiting sanggol.

"Ako nga pala si Tita Claire nila," ang pagpapakilala nito sa kanya.

"Nice to meet you po. Mackenzie Adams po."

"Eto si Liya ang bunso nilang kapatid," ang sabi ni Claire sabay lambing nito sa halos limang buwan na sanggol.

Tumango lang si Mackenzie at ngumiti sa bata.

"May mga kapatid ka ba iha?"

"Wala siyang kahit na isang kapatid Tita kaya siya ganyan," ang sabat ni Arthur sa pag-uusap ng dalawa.

Napangiti nalang si Claire sa sinabi ni Arthur.

"O siya maiwan ko na muna kayo at papaliguan ko lang ang bata."

Naka-itim na polo shirt si Arrhur at halatang bagong ligo. Naka-jeans na pantalon at itim na sapatos. May bitbit itong brown envelope na naka-ipit sa kanyang kili-kili.

"Applying for a job?" ang sabi ni Mackenzie na may himig pang-aasar.

"Nagpapatawa ka? Kasi hindi ko alam eh," ang pilosopong sagot naman ni Arthur.

Tsss...may itsura pero ang sama ng ugali! ang himutok ni Mackenzie sa sarili.

"Hintayin mo si Ayi. Pauwi na'yon may binili lang. Ayoko ng madrama dito sa bahay. Walang away at walang bulihan."

Halatang hindi nakikinig sa kanya ang kausap dahil panay lang ang halungkat nito sa loob ng Janspoprt Bag niya.

Napailing nalang si Arthur sa dalagita kaya pinuntahan nalang niya ang magtiyahin at doon nag-iwan ng bilin.

***Evan'ns Note***

Edit ko nalang kapag office na ako.

Bawal magsalpak ng USB dun eh ahahahaha

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 21, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Irreplaceable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon