Isang mahinang tapik ang gumising sa kanya.
Nakatulog pala ako sa sama ng loob ang natatawang sabi niya sa sarili.
"Bakit di mo ako ginising edi sana tinabihan mona si Liya sa kama ," ang bungad sa kanya ng tiyahin niya.
Wala pa siya sa wisyo para sumagot sa sinabi sa kanya ng tiya niya.
"Magluluto na ako ng hapunan niyo ha Ayi."
"Opo Tita, akyat lang po ako. Masama pakiramdam ko,"
ang walang ganang sabi niya.
Dahan-dahan siyang humahakbang sa hagdan na parang may mga bakal sa mga paa.
Parang ang bigat-bigat ng kanyang hinihilang kadena. Pagpasok niya sa kwarto nakita niya si Liya na nakataob at tumatawa ng tulog. Napangiti siya sa naabutang eksena at biglang napawi ang lungkot at agad niya itong tinabihan at hinalikan sa noo.
"Baby Liya tabi tayo ha."
Mag-aalas nuweba na ng gabi ng makauwi si Arthur mula kina Felix. Agad na tinungo ni Arthur ang pintuan ng kwarto ng dalawang bata. Pagkabukas niya nakita niyang natutulog ang dalawa ng mapansin niyang nanginginig si Ayi.
Hinawakan niya ang noo nito at nag-alala siya ng malamang mataas ang lagnat nito. Samantalang siyang biglang pagmulat ng mata ni Baby Liya. Ngumiti nito sa kanya, halatang naging masaya ang kanyang naging gising.
"Liya! Baah!!! Bulaga! Ganda naman ng gising ng baby ko.
Lika kay Kuya. Mataas lagnat ni Ate,"at kinuha niya ang kapatid bago pa ito mahawa sa kapatid niya. Inihanda na ni Arthur ang mga mahahalagang gamit na Kaylangan ni Ayi.
Tubig na pamunas niya at gamut na iinumin. Hinayaan niya muna si Liya na gumapang sa kwarto ni Ayi.
"Ayi...Ayi...gising Ayi," dahan-dahan niyang sambit sa kapatid.
"Hmmm...Kuya andito ka na pala,"ang namamaos niyang sabi.
"Kumain ka na ba? Nilalagnat ka."
"Kuya ang sama ng pakiramdam ko."
"Heto ang gamot uminom ka tapos magpunas ka. Ako na muna bahala kay Liya."
Pagkatapos niyon ay binuhat na niya si Liya at pumunta na sa kabilang kwarto.
Inside Arthurs Mind:
Malamang dinibdib niya ang mga nangyari kaya yung katawan niya ang nagreact. Hindi pupwede to. Kaylangan ko ng umaksyon sumosobra na siya.
Walang ka-ide-ideya si Mrs. Williams kung bakit siya pinatawag sa school ng anak niyang si Mackenzie. Halos hindi nag-uusap ang mag-ina sa loob ng Principals Office kung saan kasalukuyang hinihintay ang pagpasok ng Principal na walang iba kundi ang Lola ni Mackenzie na si Mrs .Veronica Santos.
"May ginawa ka bang hindi maganda ha Mack?"tanong ng ina sa naiinip na anak.
"Malay ko. Wala akong natatandaan."
Biglang umingay ang pinto kaya napatitig ang dalawa dito. Unang pumasok si Mrs. Veronica at ang kasunod nitong lalake na labis na ipinanlaki ng mga mata ni Mackenzie.
"I-ikaw yung..." ang nauutal sa sabi ni Mack.
"Oo Mackenzie,siya si Arthur kuya ni Ayi," pagtutuloy ng kanyang lola.
Halos hindi makapaniwala si Mackenzie sa narinig mula sa kanyang lola.
Kuya?? Ang bulong niya sa kanyang naguguluhang utak. Nakakatig ng matalim si Ayi kay Arthur at hindi naman nagpapatinag si Arthur sa mga tingin niya.
"Kaya kita pinatawag dito Mrs. Williams because your daughter will be suspended for two weeks," ang walang emosyong sabi niya sa anak.
"Why Ma.. Im sorry I don't understand,"ang naguguluhang sabi ng Miranda.
**Evan's Note**
Hala! Go! Kuya Arthur! I-suspend na yang Mack na yan!
Oh! Dont forget to Comment =) I want to know how you feel while reading my story
VOTE NA DIN KEYO UKEY <3
BINABASA MO ANG
Irreplaceable Love
SonstigesIsa itong istorya ng TATLONG magkapatid sina Arthur, Ayie at Liya. Actually pinaghalo-halong Inspirationl/Love/action/thriller/suspense ang story na ito. And inaayos ko pa siya kasi nainis talaga ako noong binasa ko siya ngayon-ngayon lang. So sorry...
