Ikalima na Pahina
Sa loob ng sasakyan walang ibang boses na nananaig kundi ang kay Liya lamang. Hanggang si Ayi na mismo ang nagbasag sa katahimikan.
"Kuya, kanino tong sasakyan?"
"Sa Boss ko," tipid na sagot ni Arthur.
"Sinong Boss?" tanong naman ulit ni Ayi.
"Hindi mo kilala," sagot ulit sa kanya ng Kuya niya.
Napaka-tipid lang talaga kung sumagot si Arthur dahil alam niyang Less talk Less mistake.
Nagkatinginan ang dalawang magkaibigan sa backseat ng sasakyan.
Tinginang sila lang ang nagkakaintindihan . Hanggang sa biglang tinapakan ni Arthur ang break ng kotse at napasubsob ang dalawa sa likod ng mga upuang nasa harapan nila kasabay ng mga nakakabinging tilian, habang ang batang si Liya ay tuwang-tuwa.
"Kuya!!! Ano ba yan dahan-dahan naman!" inis na sabi ni Ayi habang inaayos ang buhok nito.
"Okay ka lang Angie?" tanong ni Arthur kay Angie na mukhang nagkabukol sa noo. Tumango lang ang dalaga."Pasensya na may dumaan na pusa," pagpapaumanhin ni Arthur na may himig na nahihiya sa nangyari. Nagpatuloy na sa pagpapatakbo ng sasakyan Si Arthur habang parang damong kinayod na mga manok ang mga buhok ng dalawang babae sa likod.
"Buti nalang Kuya nahawakan mo si Liya habang kami dito halos tumambling na sa lakas ng impact diba," ang sabi ni Ayi sa Kuya niya.
Kung anong seryoso ni Ayi sa mga sinabi niya ay siya namang biglang pagtawa ni Arthur.
"Bakit? Anong nakakatawa?"
"Yung muka mo nakakatawa, Ayi. Ang panget ng itsura," sabi ni Arthur sa kapatid habang natatawa-tawa pa.
"Magsuklay kayo diyan parang mga damong kinayod ng manok ang mga ulo niyo kulang nalang sa inyo broom stick," pangaasar pa nito.
"Sige lang Kuya dahil minsan ka lang tumawa palalagpasin ko itong pangaasar mo."
"So Kuya Arthur hindi ka na galit sa amin?" biglang tanong ni Angie kay Arthur.
"Ako? Magagalit saan?" pagtatakang tanong niya kay Angie.
"Ano ka ba Angie ganyan lang talaga si Kuya. Minsan lang tumawa pero madalas na masungit at seryoso. Kaya masanay ka na pero hindi naman temporary ang ugali niyan kaya wala yun."
"Anong wala yun? Di ko gets," wika ni Arthur sa kapatid."Eh kasi Kuya ang Bestfriend kong itetchiwa eh iniisip na baka galit ka pa sa kanya dahil dun sa MOA churva na nahuli mo kong nagCutting class," Ayi explained.
"Yun ba Angie?" paglilinaw ni Arthur.
"Hindi naman po sa ganon," nahihiyang sabi ni Angie.
Aminado si Angie na feeling niya nasa Hotseat siya ngayon,prangkahan kung prangkahan lalo na't si Arthur pa ang kausap niya.
"Huwag mo ng isipin yun. Tama ang sinabi ni Ayi madalas talaga akong masungit," paglilinaw niya sa dalaga.
Saktong 6:30 na ng gabi ng maihatid na nila si Angie sa tahanan nito sa Rainbow Village . Bumaba si Arthur para pagbuksan si Angie.
"Baba na at kakausapin ko tatay mo."Biglang nanlaki ang mga mata ni Angie sa narinig.
"Bakit Wala naman akong sinabing masama," Napataas ang kanang kilay ni Arthur sa pagtataka.\Anong pinagsasa-sabi mong bata ka.
"Kakausapin ko ang tatay mo dahil sa trabaho,hindi dahil sayo," paglilinaw niya. "Ayi baba a kargahin mo na si Liya at papasok tayo sa loob. Kanina pa ko niyonn hinihintay."
***Evan's Note***
Hi! Maayos na ba ang pagbabasa niyo? Sana hindi kayo nahihirapan magbasa ha.
inayos ko na =)
Please dont forget to leave a comment and vote if like this Chapter please =)
BINABASA MO ANG
Irreplaceable Love
RandomIsa itong istorya ng TATLONG magkapatid sina Arthur, Ayie at Liya. Actually pinaghalo-halong Inspirationl/Love/action/thriller/suspense ang story na ito. And inaayos ko pa siya kasi nainis talaga ako noong binasa ko siya ngayon-ngayon lang. So sorry...