"Irreplaceable Love"

41 8 6
                                    



Tumagal ng trenta minutos ang magtiyahin sa kanilang bakuran. Lumagpas na ang maligamgam na sinag ng araw na Kaylangan ni Baby Liya at oras na para siya ay paliguan.

Sakto ang pagdating ng kanilang Tiya Claire dahil pabukas na si Ayi ng pinto papasok sa kanilang bahay. 
Tinawag niya si Ayi at agad itong napalingon sa gawi niya na kinakandado ang garahe ng kanilang bahay.

"Tita Claire! Ang aga niyo ah. Anong meron?" ang masaya niyang bati.


"Kasi maagang umalis ang Tito Hernan mo kaya dumiretso na ako dito." 


Napatango nalang si Ayi sa sinabi ng Tiyahin niya at pareho na silang pumasok sa loob.

Napansin ni Claire na nangingitim ang ilalim ng mga mata ni Ayi. Malamang napuyat nanaman ito sa pagbabantay ng bata. 
Naaawa siya na nabibilib sa dalagitang si Ayi dahil nakakaya niyang magalaga ng isang sanggol sa murang edad at kasabay pa niyon ang pagpanaw ng kanilang ina.

Pero sa kabila ng nararanasan nitong hirap hindi niya kinakitaan ng kawalan ng pagasa ang dalaga, salamat nalang din at hindi pabayang kapatid ang nakakatanda nitong kuyang na Arthur.

"Bakit Tita?" ang nagtatakang tanong sa kanya ni Ayi.

"aah... wala nagagandahan lang ako sa itsura mo. Kamukhang kamukha mo kasi si Liya", pagpapalusot niya.
"Asan na nga pala yung Kuya mo,umuwi ba siya kagabi?"

"Nasa itaas po siya natutulog. Madaling araw na po siya nakauwi kagabi."

"Ay! Anong nangyari sa puwet ng batang yan!? Bakit ang daming rushes kawawa naman!" gulat na sabi ni Claire pagkakita sa mga rushes ni Liya.

"Oo nga po Tita eh... kagabi lang po namin nalaman. Ano po bang gamot dito?"

"Pahiran natin ng Petroluem Jelly tsaka pag mainit wag mo na lagyan ng diaper.Ganyan din nangyari sa apo ko yung anak ng kuya Richard mo."

Sinunod nga ni Ayi ang sinabi ng tiyahin niya. Hindi nagtagal pumasok nadin sa eskwelahan si Ayi at iniwan na niya si Liya sa kanilang Tiyahin.

Halos hapon na ng magising si Arthur .Nagpupungas pungas pa siya sa higaan ng sa ganon ay magising ang kanyang diwa. Pagkalabas niya sa kwarto ay naririnig niya ang boses ng kanyang tiyahin na tinuturuang magbilang ang isang batang mahigit tatlong buwan pa lamang.

"what are doing tita?" ang natatawang tinig na sabi ni Arthur. Napalingon sa kanya si Claire at nahihiyang humarap sa kanya. "Ah eto tinuturan si Liya kahit walang ginawa kundi magsalita ng kung ano ano lang", sabi niya sa pamangkin na dumiretso sa kusina."Kumain na ba kayo Tita Claire?"

"Oo, ano ka ba naman iho mag-aala-singko na kaya ng hapon."

Saglit na natulala si Arthur ng sinabi ng Tita niya ang oras. Naalala niya na meron pa pala dapat siyang puntahan. Pero habang kumakain siya nakaramdam siya ng pagkatamad dahil buong lingo na siyang nagtatrabaho kaya minabuti nalang niya na ipagpaliban ang pagalis at alagaan si Liya.


"Oo nga pala hapon na nga pala. Tita Claire okay lang po kahit mga ala-sais na kayo umalis para maaga na kayong makauwi sa inyo. Ako na po bahala kay Liya. Sa labas nalang po kami kakain nila Ayi."
"Ah... ganon ba.O sige kung ganon edi magliligpit na ako."

Nakita ni Arthur na kinuha nito ang basket napinaglalagyan ng mga maruruming damit,


"Tita mag-iipon ka na ba ng maruruming damit?" Tumango lang ang babae habang nakatingin sa kanya. "Kunin niyo na po lahat ng damit kong marumi wag lang po yung kobre kama" bilin niya sa tiyahin.



"Bakit naman iho?"


"Kasi po Tita si Ayi po ang palalabahin ko niyon dahil napapabayaan niya si Liya sa madaling araw."
"Ay... hayaan mo na Arthur. Nakakapuyat naman kasi talaga ang pagbabantay. At tsaka hindi pa ganon kasanay ang katawan ni Ayi para gumawa ng dalawang responsibilidad para sa isang batang tulad niya.Intindihin mo nalang. Andito ako para tumulong."

Pagakatapos niyon ay ngumiti ito sa pamangkin at saka tumuloy sa pagakyat sa taas.

Oo nga naman minsan kahit ako naawa din sa kapatid kong yun, ang tanging nasabi niya sa sarili.

Sa wakas last subject na at parang gusto kong sumigaw dahil sa sobrang antok ko!!! Ang hirap naman magpalaki ng baby... ang hirap. Lalo na kung nagaaral ka pa, bagay na sa isip lang niya sinasabi.

Tulalang nakasandal sa pader si Ayi at hinihintay ang guro nila sa Filipino. Hindi niya namalayan na kanina pa pala nakaupo sa tabi niya si Angie ang kaisa isang BFF niya sa school.

"Ayi! Hoy! Naka-drugs ka ba? Kanina pa ako dito sa tabi mo" bungad nito sa kanya. Mahigit limang minuto din ata ang nakakaraan bago niya ito namalayan na may katabi pala siya sa upuan.


"Ayie!!! Hoy wala daw si Mrs. Pangalingan, absent so that means 30 minutes tayong pwedeng magchikahan,"
ang sabi niya sa kaibigan pagkatapos alugin ang kanyang balikat.

"I'm not in the mood BFF kasi inaantok ako, napuyat ako dahil kay Liya," ang naiinis niyang tinig.

"Nakakainis kasi eh, bakit pa kasi ako nagkaron ng kapatid tapos nawalan naman ako ng nanay,"
himutok niya.

"Ano ka ba! Kapatid mo yun eh,tapos sasabihan mo ng ganyan. E diba nandun naman tita mo para magbantay sa kanya?" sabi ni Angie sa tulalang kaibigan.


"Stay out naman siya eh. Kaya nga napupuyat ako sa gabi."

Humilig si Angie sa balikat ng nakatulalang kaibigan,
hindi man sila magkapareho ng sitwasyon magkapareho naman
sila ng nararamdaman.Pareho silang nahihirapan ng mga oras na'yon.

Nagtagal sila sa ganoong itsura sa loob ng mahigit na limang minuto hanggang sa biglang napaayos ng upo si Ayi.

"Umayos ka Angie baka isipin tibo ka," biglang sabi ni Ayi sa kaibigan pero hindi naman siya nito pinaniwalaan..

"Sus! Ako umayos? Oh baka umayos tayo ng upo dahil nakakahiya naman sa kanya," sabay nguso ni Angie sa lalaking nasa pintuan ng kanilang silid-aralan.

***Evan's Note***

Buti walang Teacher!!! ahahaha 4:41am na ng madaling araw waaaahhh!!!

Sino kaya yung dumating?

hehehe "Crush ni Ayie?"

DONT FORGET TO VOTE AND LEAVE AT LEAST 10WORDS OF COMMENT

MASAYA NA AKO HEHEHE

Irreplaceable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon