BOOOOMMM!!!!
Umuga ang buong eroplano at nagtilian ang mag pasahero sa lakas ng pagsabog. Natataranta na ang lahat. Maririnig ang boses ng cabin crew na sinasabihan sila na iayos nila ang mga seat belt nila pero dahil sa takot ay parang walang nakakarinig dito. Bumibilis ang bulusok ng eroplano pababa.
" Miss ayusin mo yung seatbelt mo please." nag-alala na si Chard dahil pababa na ng latitude ang eroplano.
" Okay, Lord please help us. I don't wanna die yet. Please help us." ang umiiyak na dasal ni Dei habang inaayos nya ang seat belt nya.
" Don't worry miss, di kita pababayaan. Sabay tayong magpray." hinawakan ni Chard ang kamay ni Dei at sabay silang nagdasal.
BOOOOOMMMM!
Muling may sumabog at nahati ang eroplano sa dalawa at lalo ng bumilis ang pagbagsak nito. Wala na silang marinig kundi ang lakas ng hangin at lakas ng sigawan. Niyakap ni Chard ang dalagang katabi at lumingon sa ibang pasahero at nakita nyang sila na lang ang nsa upuan nila ang iba ay nakabitin na sa likuran ng eroplano. Niyakap nya ng mahigpit ang dalaga at ipinikit nya ang kanyang mata. Sabay bumulong ng maiksing dasal.
' Lord, kayo na po ang bahala sa amin, ibinibigay na po namin ang buhay namin sa inyo.' pagkatapos sabihin ni Chard ang dasal na yun ay bigla syang nakaramdam ng impact na parang bumagsak na sila. Maya maya ay naramdaman nya ang tubig at sabay silang napatingin sa paligid ni Dei. Bumagsak sila sa dagat. Mabilis nilang tinanggal ang seatbelt nila. Pero di matanggal ang kay Dei. Nang matanggal ni Chard ang seatbelt nya pinagtulungan nila ang kay Dei pero ayaw matanggal at pataas na ng pataas ang tubig.
" Help please I don't wanna die. Huhuhuhu." ang pagmamakaawa ni Dei kay Chard.
" Sandali, kaya mo bang ilusot ang katawan mo? Di talaga matanggal eh." ang tanong nya.
" I'll try," sinubukan ni Dei.
" Hindi eh." di nya maialis ang katawan.
" Sandali. Kumapit ka ha hihilahin ko." ang sbi ni Chard.
" Okay, please hurry." tumataas na ang tubig. Hinawakan ni Chard ang belt.
" Aaahhhhhh!!!!" ang sigaw ni Chard sabay hila sa belt. Dala siguro ng adrenaline natanggal ang belt at tumakbo sila sa likuran ng eroplano. pagdating nila sa likod nakakita sila ng life vest at isinuot nila ito at lumundag na sila sa tubig.
" Marunong ka bang lumangoy?" ang tanong ni Chard kay Dei.
" Yes I know how." umiiyak pa ring sagot ni Dei. Lumangoy na sila palayo sa eroplano dahil baka sumabog pa ito.
Nang makalayo sila ay tumigil sila para tingnan ang paligid nila.
" San tayo pupunta?" ang tanong ni Dei.
" Ayun oh my island. Kaya mo bang languyin yun?" itinuro ni Chard ang natatanaw nyang isla. Medyo malayo layo din yun kung san sila.
" Bahala na. We will float naman with this vest eh." ang sagot ng dalaga. nagumpisa na silang lumangoy. Nang medyo malayo layo na sila biglang pinulikat si Dei.
" Wait, wait, cramps! Ouch!" ang sigaw nya kay Chard.
" Ha? Halika dito." at hinila sya ni Chard at hinawakan ang binti nya at minasahe.
" Ouch! aray!" ang sigaw ni Dei.
" Tiisin mo lang. Kailangan na nating makarating dun sa island." ang sabi nya habang minamasahe pa rin ang binti ng dalaga.
" Okay na, pwede mo ng bitawan ung leg ko. Thanks." ang sabi ni Dei na biglang namula.
" Tara na. Ganito na lang, kapit ka na lang sa likod ko. Baka pulikatin ka nanaman eh. Okay lang ba sa iyo?" ang suggestion ng binata.
" Okay no problem. But, hindi ka ba mahihirapan?" nag-alala si Dei.
" Mas mahihirapan ako kung pahinto hinto tayo. Tara na dalian mo na." at hinila na ni Chard ang kamay ni Dei. Nagumpisa na sila uling lumangoy. Maya maya lang ay bumitaw na si Dei kay Chard dahil malapit na sila sa tabing dagat. Mabilis na lumangoy ang dalaga at ng makarating sa pampang pabagsak na napahiga ito sa buhangin sa sobrang pagod. Kasunod nya rin ang hinihingal na si Chard. Hindi nila pareho naramdaman na nakatulog sila sa sobrang pagod.***************************************************************************
ano ang naghihintay sa kanila sa isla na yun? ano ang mangyayari sa kanilang dalawa.? let me hear you views on my story. thank you and enjoy reading.
BINABASA MO ANG
Paradise Love (Completed)
RomanceHindi sila magkakilala pero pinagtagpo ng pagkakataon para sila ay magkita. Si Chard at si Dei ay pinatagpo ng isang aksidente upang sila ay magkakilala at magkasama. Ito na kaya ang matagal na nilang hinahanap na bubuo ng kakulangan s kanilang buha...