Chapter Forty

2K 109 1
                                    



Hi guys!!! Missed me? I missed writting too. Sorry if I've been MIA these past months. Alam nyo na nag emo emo ako. Pero don't worry d n ko mawawala tatapusin ko to para sa inyo na nag babasa at magbabasa pa. Thank you sa inyong lahat pinasaya ninyo ako.

Okay tama na ang drama balik na tayo sa story. Balikan muna natin ang bagong lovers. Icheck natin kung kumusta na sila.

*************************************************************************

SA ISLA

Dahan-dahang nagmulat ng mga mata si Chard. Madilim pa sa labas ng kubo nila ni Dei pero parang hindi na sya makatulog. Naalala nya ang mga nangyari kagabi. Hindi sya makapaniwala na sila na ni Dei sa napakaikling panahon. Tumagilid ng higa si Chard at napangiti sya sa nakita. Sa kabilang side ng kubo nila nandun ang natutulog na si Dei.

Nakatakip ang kanang braso nito sa mata nya at bahagyang nakabuka ang mga labi ng dalaga.

' Those lips.' Ang naisip ni Chard. Ang mga labi ni Dei na d nya pagsasawaang halikan. Nalulunod sya sa mga labi ng dalaga. At ang mga mata ni Dei. Her expressive eyes are his favorite eyes that he has ever seen.

Unti-unti ng lumiliwanag sa labas kaya bumangon na si Chard para maghanda ng almusal nila. Inasikaso muna nya ang sarili at pagakatapos ay nag-umpisa na syang magluto. Pinabayaan nya munang matulog pa si Dei.

Nang maliwanag na ang paligid naisipan nyang gisingin na si Dei. Tumayo sya sa kinauupuan at pumasok na sa kubo nila. Natutulog pa rin si Dei. Kaya umupo sya sa tabi nito.

Tinitigan nya ang payapang mukha ni Dei. Ang makinis nitong noo. Magandang hugis ng kilay, mahahabang pilikmata, parang gusto nyang hipuim ang mga mata ng dalaga. Bumaba ang tingin nya s ilong ng dalaga, maliit na matangos ang ilong, hanggang sa dumako ang tingin nya sa mga labi ni
Dei. Gusto nya uling halikan ang dalaga pero pinigil nya ang sarili. Marami pang pagkakataon na mahahalikan nya uli ang dalaga.

Hindi na napigil ni Chard ang sarili at hinaplos na nya ang pisngi ni Dei. Gumalaw ang mga mata ni Dei, sign na nagigising na ang dalaga.

" Rise and shine beautiful." Ang bulong ni Chard kay Dei.

Unti-unting nagmulat ng mga mata nya ang dalaga, napangiti sya sa bumungad sa kanya. Ang mukha ng nakangiting si Chard ang unang-unang nakita nya.

" Morning handsome!" Ang husky na sagot ni Dei. Isang matamis na ngiti din ang sinalubong nya kay Chard.

" Did you sleep well?" Tanong ni Chard.

" Like a log. Hhhhmmmm." Ang sagot ng dalaga sabay ng pag-iinat.

" Good. Halika na bumangon ka na dyan let's eat."

" Nakaluto ka na? Why didn't you wake me up earlier?" Ang sagot ni Dei at bumangon na sya. Inalalayan sya ni Chard.

" Kaya hindi kita ginising kasi I'm expecting a reward from cooking." Ang sagot ni Chard na may pilyong ngiti sa labi. Lalong lumalim ang dimple ng binata.

" Talaga ba? What reward do you like?" Ang nagingiting tanong ni Dei habang nililigpit nya ang hinigaan nya. Parang may idea na ang dalaga sa gusto ni Chard.

" Pwede kith?" Napakamot sa batok na sagot ni Chard.

" What?" Ang tanong ni Dei na lumingon sa binata. Pero nakangiti ang dalaga. Binibiro nya si Chard na hindi nya naintindihan.

Paradise Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon