Nagising si Chard dahil tumataas na ang tubig na kinahihigaan nya. Medyo disoriented sya. Nang umikot ang paningin nya at nakita nya si Dei sa di kalayuan sa kanya naalala na nya lahat ng nangyari. Tumayo ang binata at tinanggal ang lifevest na suot nya. Lumapit sya kay Dei na nakadapa at tulog pa rin.
" Miss, miss gising." inuyog nya ng konti si Dei.
" Hhhmmm." ang sagot nito at tumihaya at nagmulat ng mata. Halatang disoriented din ang dalaga pero nung makita sya nito ay parang naalala na rin nito ang nangyari at biglang napabangon at yumakap sa kanya.
" Thank you, thank you." ang humahagulgol na pasalamat ni Dei kay Chard. Nagulat si Chard sa outburst ni Dei kaya dahan dahan na rin nyang hinawakan ito sa likod.
" Tahan na, tahan na. Wag ka ng umiyak. Ligtas na tayo. We're safe." hinimas himas nya ang likod nito hanggang sa unti-unting tumahan na si Dei. Bumitaw na si Dei kay Chard at nagpahid ng luha nya.
" Thank you talaga. If not for you, I'm probably dead." ang pag tathank you uli ni Dei.
" Kahit naman siguro sino gagawin yun. Tara tingnan natin kung may iba pang survivors bukod sa atin." inalalayan nyang tumayo si Dei. Naglakad lakad na sila sa pampang. Nang bigla natanaw si Dei.
" Wait, there's something over there." at tumakbo na sila papunta sa nakita ni Dei. Ang akala nila ay tao, pero nung malapitan nila ay mga maleta pala. Limang pirasong maleta at ang isa dun ay kay Dei.
" My bag! Naku buti na lang napadpad dito yung maleta ko." natuwa ang dalaga dahil nakita nya ang mga gamit nya.
" Halika hakutin natin yung mga bags para malaman natin kung anong laman nung iba. At para mapatuyo yung mga basa." at isa isa na nilang hinakot ang mga bag. Dinala nila ito sa lilim ng isang puno. Nang matapos silang maghakot ay tuyo na ang kanilang mga damit at pawisan na sila. Tirik na rinang araw. Tumingala sa langit si Dei.
" What time is it na kaya?" ang tanong ng dalaga habang nakatingala.
" 2:37" ang sagot ni Chard.
" How did you know?" ang tanong ni Dei at nang tingnan nya si Chard nakangiti ito at itinaas ang braso nyang may relo.
" Ahhh hahahaha... So you have a watch pala." natawa si Dei.
" Teka nga pala kanina pa tayo magkasama hindi pa natin alam ang pangalan ng isa't isa." biglang naalala ni Chard.
" Oo nga ano." napapangiti na rin si Dei.
" Okay ako muna, Richard Faulkerso Jr. pero you can call me Chard." ang umpisa ni Chard. Iniabot nya ang kamay nya for a shake hands.
" Nicomaine Dei Mendoza. You can call me Dei." at nakipag hand shake sya kay Chard. Inumpisahan na nilang kalkalin ang mga bag na nakuha nila.
" Good thing that my bag drifted towards here. Kundi wala ako maisusuot." ang sabi ni Dei habang binubuksan ang bag nya.
" Ui isang bag na panlalaki. May maisusuot na ako. Sana lang kakasya." ang nasabi naman ni Chard. Binuksan na nila ang iba pang mga bag na naglalaman pa ng ibang mga damit at kung ano ano pa.
" Dei tingnan mo oh may kumot. Makapal na kumot di na tayo lalamigin mamaya. Pero nabasa kaya kailangang patuyuin muna." ipinakita ni Chard ang kumot kay Dei.
" Isa lang? Wala ng iba?" ang tanong ng dalaga.
" Oo eh." ang sagot ni Chard.
" Pano yan? Are we going to share it?" nag-aalalang tanong ni Dei.
" Oo nga ano? Hindi ganito na lang, ikaw na lang ang gumamit ng kumot." sagot ni Chard nang marealize nya ang dilemna ng dalaga.
" Eh how about you? I don't want you to get cold for my sake." ang nag-aalalang tanong ni Dei.
" Okay lang ako. Ipagpapatong patong ko na lang tong mga damit. Tapos pag di na talaga kaya ang lamig makikishare na lang ako sa iyo kung papayag ka." ang sagot ni Chard saka ngumiti. Lumabas nanaman ang dimple nya.
' Sana pumayag.' ang bulong ni Chard sa sarili.
' My God don't smile at me like that! My gosh that dimple.' ang naisip naman ni Dei.
" Yeah sure, only if hindi mo na kaya ha." ang nabiglang sagot ng dalaga dahil sa naisip nya.
' YES!!!' muling naisip ni Chard.
" Of course." ang simpleng sagot nya. Nagpatuloy sila sa pagkalkal ng mga gamit.
" Look what I found!" ang natutuwang sabi ni Dei. At ipinakita ang itak na nakahalukay nya sa isa sa mga bag.
" Ayos yan. Magagamit natin yan." natuwa din si Chard sa nakita ni Dei. Maya maya pa.
" Dei dito ka lang." ang sabi ni Chard.
" Where are you going?" ang tanonong nito.
" Maghahanap ako ng makakain at mga kahoy para sa apoy. Kailangan natin ng apoy para hindi tayo lamigin mamaya." ang paliwanag nya sa dalaga.
" Can't I come? I can help. Don't leave me here." ang hiling ni Dei. Naawa naman ang binata.
" Okay tara, pero wag kang lalayo sa akin ha. Di natin alam tong lugar na ito." ang bilin nya.
" Okay." at inalalayan ni Chard si Dei na tumayo at lumakad na sila papasok sa mga puno. Nahuhuli si Dei kay Chard at napansin ni Dei na panay ang lingon ni Chard sa kanya. Kaya sinabayan nya na lang ito sa paglalakad.
" Hanap muna tayo ng pagkain tapos mga kahoy naman pabalik." ang sabi ni Chard.
" Okay." ang maiksing sagot ni Dei. Maya maya may nakita silang tumpok ng puno ng saging at may nahihinog na buwig ng bunga. Kaya pinutol ito ni Chard at kinuka ang bunga.
" Pwede na siguro ito. Ito na lang muna. Okay lang ba sa iyo?" ang tanong nya kay Dei.
" Yeah pwede na yan. Now you carry that and I'll pick up the woods for the fire." ang sabi nya kay Chard.
" Okay sige. Yung kaya mo lang bitbitin ha." at nagsimula na silang bumalik sa pampang at nandampot na si Dei ng mga kahoy. Nang makabalik na sila sa pampang ay inayos na nila ang mga nakuha nila.
" Do you know how to start a fire without a lighter?" ang tanong ni Dei kay Chard.
" Oo naman! Boyscout ata ito. Eh ikaw marunong ka?" ang hamon nya kay Dei.
" Piece of cake." mayabang na sagot ng dalaga.
" Talaga lang ha. Sige nga magpaapoy ka nga." nagulat si Chard sa sagot ni Dei sa kanya. Lumapit si Dei sa tumpok ng kahoy at may inilabas sa bulsa. May mga dinampot pala itong tuyong damo at dahon. Umupo ng paindian seat ang dalaga at nagumpisa ng magpaapoy. Pinapanood lang ito ni Chard. Maya maya may usok na sa ginagawang apoy ng dalaga at ilang saglit pa nagaapoy na ang mga kahoy nila.
" There done." at tumayo na ang dalaga.
" Pano ka natuto nyan?" ang naaamaze paring tanong ni Chard.
" Well me and my friends always do that. Everytime we go hiking we do a contest. Unahan makapag start ng apoy from scratch." ang nakangiting sagot ni Dei.
" Ayos yan ha. Mahilig ka pala maghiking. Ako din eh." ang sgot naman ni Chard.
" Yeah, sometimes with my friends, sometimes with my family, minsa kaming magkakapatid, misan with both. But we seldom do it now coz everyone's busy at work na. And its so fulfilling when you reach the top and you scream from the top of your lungs. Hahaha!" ang pagrereminisce ng dalaga. Napatulala si Chard ganda ng tawa at ngiti ni Dei. Nang bigla silang nagkatinginang dalawa.***************************************************************************
and now their adventure starts. let me know your views. thank you and enjoy reading.
BINABASA MO ANG
Paradise Love (Completed)
RomanceHindi sila magkakilala pero pinagtagpo ng pagkakataon para sila ay magkita. Si Chard at si Dei ay pinatagpo ng isang aksidente upang sila ay magkakilala at magkasama. Ito na kaya ang matagal na nilang hinahanap na bubuo ng kakulangan s kanilang buha...