Nagkatitigan silang dalawa. Kitang kita ni Chard ang mahahaba at mapilantik na pilik-mata ni Dei. Di nya masyadong makita ang kulay ng mata ni Dei dahil ung ilaw lang na naggagaling sa bonfire ang ilaw nila. Expressive ang mga mata ni Dei. Parang nalulunod sya sa mga ito.
Kitang kita naman ni Dei ang makinis na mukha ni Chard. At ang dimple nito. Nakakatunaw ang kanyang mga mata.
" Umm, ahhh. I have to go pee." biglang nasabi ni Dei para maputol ang eye contact nila. Bigla rin syang namula.
" Ahhh. Okay sige. Dadagdagan ko lang ng kahoy yung bonfire." ang nabigla ring sagot ng binata. Sabay silang tumayo at parehong nagmamadaling tumalikod.
Lumapit si Chard sa bonfire at lumakad naman palayo si Dei.
' Shit! Muntik na! Ano bang nangyayari sa akin? Twing tumitingin ako sa mata nya parangang hinihila ako papalapit.' ang bulong sa sarili ni Chard.
' Oh my God, what is wrong with me? Why did I look in his eyes?' ang bulong naman ni Dei sa sarili. Nang makalayo na cia sa camp site ay ginagawa na nya ang dapat nyang gawin. Nagpatagal tagal pa siya sa lugar na yun para kalamahin ang sarili.
' Ang tagal naman nun. Makahiga nga muna.' at nahiga nga si Chard sa pwesto nya. Maya mya ay di nya namalayan na nkatulog na sya. Dala siguro ng pagod. Sya namang pagbalik ni Dei sa campsite. Nang makalapit ang dalaga ay napansin nyang nkatulog na ang binata. Umupo si Dei sa makeshift bed nya nakaharap sa natutulog na binata. Nakatihaya ito, maya at tumagilid ito ng higa at napansin ni Dei na walang unan ang binata. Gumapang sya palapit dito dala ang ginawa nyang unan. Ipapahiram nya ito kay Chard dahil sya naman ang magbabatay sa apoy nila.
Dahan dahan nyang inangat ang ulo ni Chard para hindi ito magising. Nang hawak na nya ang ulo ng binata ay bahagya itong umungol at medyo ngumiti. Parang ayaw nyang bitiwan ang ulo ni Chard, parang gusto nyang hawakan na lang ito. Naupo si Dei satabi ni Chard at tinitigan ito.
' Now I got the chance to stare at you. You look different fron the posters and ads.' ang bulong ni Dei sa sarili habang nkatitig kay Chard.
' You look aloof in the pics. Mukha kang suplado na makulit.Ano nga kaya yung totoo mong ugali?' bulong p rin nya at hindi nya napigilan ang sarili haplusin ang pisngi ni Chard. Pero inalis nya agad ang kamay kasi baka biglang magising ito.
' I know that you are nice. Pero ano pa? Hanggang kelan kaya tayo dito? Will we get to know each other more?' ang tanong ni Dei sa sarili. Tumayo ang dalaga at pumunta sa beach. Nagalakad lakad sya para hindi antukin.
' Nay, Tay, don't worry about me. I'm safe, someone helped me. Just don't give up on finding me.' muling naluluhang isip ni Dei.
Maya mya ay bumalik na sya sa camp site. Mahimbing pa rin ang tulog ni Chard. Dinagdagan nya ng kahoy ang apoy nila at nahiga sya dahil mlapit na mag-umaga. Matutulog muna sya.Sa bahay naman nila Dei at Chard ay nakarating na ang balitang bumagsag ang chartered plane na sinakyan nila at nagkakagulo na ang dalawang pamilya.
" Tatay kailangan nating mahanap ang anak natin." ang umiiyak na sabi ng Nanay ni Dei.
" Nakausap ko na ang airline na may-ari nung eroplano at iuupdate daw nila tayo palagi. Pero bukas ng umagang umaga babyahe kami ni Nico para maghanap. Tutulong kami." ang sagot ng tatay nya.
" Nasaan ba si Nico" ang hanap sa panganay na lalaki.
" Inanasikaso ang gagamitin naming helicopter bukas." ang sagot naman ng tatay ni Dei. Maya maya ay dumating sila Ate Ann at Kuya John ni Dei.
" Tay pwede ba akong sumama sa paghahanap nyo kay Dei?" ang tanong ni John sa byenan.
" Oo sige John sumama ka. Ann samahan mo ang nanay mo at mga kapatid mo dito ha. We will contact you every hour." ang bilin ng tatay nila.
" Opo Tay. Makikipag coordinate narin kami sa pamilya ng ibang victims para marami tayo. And we will report to you lahat ng malalaman namin dito. Nay magpahinga na po kayo. Dalhin nyo na po si Matti para malibang po kayo." ang sabi ni Ann.
" Oo nga Nay, sige na magpahinga na kayo ni Matti." ang pagtutulak ng tatay nila sa nanay nila dahil halatang matindi ang pag-aalala nya.
" Oh sige, akina si Matti. Tatay asikasuhin mo yan ha." ang pahabol pa nitong bilin.
" Oo sige na. Ann kontakin mo na ang airline at humingika ng info tungkol sa pamilya ng mga kasama ni Dei sa plane." ang sagot nito. At hinarap na nila ang mga trabaho nila para hanapin si Dei.
Sa bahay naman nila Chard naghahanap na rin ng paraan ang daddy niya para mahanap sya.
" Ritchie samahan mo ako bukas sa airline ha. Magtanong tayo dun ng update sa sinakyan ng kapatid mo. Riza dito ka na lang baka may tumawag. Wala munang papasok sa atin ha. Riza magfile ka ng leave sa school. Nakapag leave na ako sa opisina kanina." natataranta nang plano ng daddy ni Chard.
" Dad, nakaligtas kaya si Rj? Ano ba ang sbi ng airline?" ang tanong ni Ritchie sa ama.
" Oo naman nakaligtas yun. Si Rj pa! Alam nyo namang kung gaano kapersistent nung kapatid nyo na yun. Wala pa silang confirmation sa casulaties. Kasi hindi pa nakikita yung eroplano. Basta nararamdaman ko na nakaligtas si Rj. Maniwala lang tayo at magdasal para sa kapatid nyo." ang pagpapalakas ng loob ng daddy nila.
" Opo Dad, hindi tayo matitiis ni kuya Rj. Pipilitin nun na makaligtas kahit mahirapan sya. Para sa atin." ang umiiyak na sabi naman ni Riza sa ama.
Parehong umaasa at nagdadasal ang dalawang pamilya para sa kaligtasan ng kanilang mga anak at kapatid. Mahahanap pa kaya nila ang dalawang nawawala?***************************************************************************
ano na kayang mangyayari. ano kaya ang magiging rection ng pamilya nila. let me know your view. thank you and enjoy reading.
BINABASA MO ANG
Paradise Love (Completed)
RomanceHindi sila magkakilala pero pinagtagpo ng pagkakataon para sila ay magkita. Si Chard at si Dei ay pinatagpo ng isang aksidente upang sila ay magkakilala at magkasama. Ito na kaya ang matagal na nilang hinahanap na bubuo ng kakulangan s kanilang buha...