Chapter Twenty-six

1.9K 105 4
                                    


            " May aaminin ako sa iyo ha." ang sabi ni Chard kay Dei.
            Biglang lumakas ang tibok ng puso ni Dei sa sinabi ni Chard. Parang sasabog ang dibdib nya sa kaba. Nakaupo ng malapit na malapit si Chard sa kanya at nakaharap ito sa kanya kaya lalo syang kinabahan.
            " What is it?" ang mahinang sabi ni Dei. Tinititigan sya ni Chard pero hindi sya makatingin ng diretso sa binata coz she's very nervous. Medyo kinabahan din si Chard sa gusto nyang sabihin sa dalaga pero gustong gusto nya na talagang aminin ito kay Dei.
            " Well, the first time that I saw you, you really caught my attention. You caught my interest actually. How can someone as beautiful as you can do something like that. Please wag mong masamain yung sinasabi ko ha. You really are beautiful." parang nahihirapang umpisa ni Chard.
             " Thank you. Go ahead." ang pasasalamat ng dalaga though namumula nanaman sya.
             " As I said, I'm used to girls that are always checking how they look and won't act silly. Sorry. So yun nga when I saw you natuwa ako. Kasi may kagaya mo pa pala. Someone who doesn't care about the world as long as you're enjoying your self." nag pause saglit si Chard para tingnan ang reaction ni Dei sa sinasabi nya. Tumango lang ang dalaga at nagpatuloy si Chard.
              " Then my sister dragged me along kasi she wanted to buy a cellphone at nagmamadali, excited na. What I really wanted to do sana is to approach you and talk to you. Kaso she's excited." tumingin uli sya kay Dei.
              " Yeah I know how it feels I have siblings." ang sagot ni Dei at tumungo ang dalaga at nilaro ang buhangin sa paanan nya. Di na nya matagalang tumitig sa mata ni Chard. Para syang nalulunod sa titig ng binata. At parang may kung ano syang nararamdaman sa sinasabi ni Chard. Hindi nya maintindihan kung ano.
              " So we left. Pero I don't know why. Hindi ka maalis sa isip ko. Then I saw you again at the coffee shop with a friend. And I saw you smile. When i saw you smile it's like as if I saw the light for the first time." ang sabi ni Chard na intense ang titig kay Dei.
              " Grabe ka naman parang ako naman yung angel of death. Light talaga?" ang pabirong hampas ni Dei kay Chard dahil kinikilig sya sa sinasabi ng binata.
              " Hindi nga Dei I'm serious. Kahit ako hindi makaniwala na hindi ka maalis sa isip ko. I thought nababaliw na ako o kaya naman effect ito ng walang girlfriend for five years." ang patuloy na sabi ng binata.
              " Five years kang walang girlfriend? Pareho pala tayo." ang sabi ni Dei.
              " I had flings. But nothing serious. Hindi ko rin alam, siguro may hinahanap ako na hindi ko rin alam." paliwanag nya uli.
              " Me too. I had M.U.s pero they didn't push through. Hindi ko din alam why." patuloy sa paglalaro ng buhangin si Dei. Nagulat sya nang biglang hinawakan ni Chard ang baba nya at itinaas kaya napilitan syang tumungin sa mga mata nito.
              " But when I saw you, Something clicked. Its like destiny is telling me something. And when I saw you again in the plane sabi ko, Is this it? Is this What you're telling me God? Then when the plane crashed, I told myself I would not let anything happen to you kasi I knew, that God gave me you. I knew that you are the answer to my prayers." ang madamdaming sabi ni Chard kay Dei. Nagtitigan silang dalawa at nakita ni Dei sa mga mata ni Chard ang sincerity ng sinasabi ng binata. Dahan dahang inalis ni Chard ang pagkakahawak sa baba ni Dei at hinaplos ang pisngi ng dalaga.
               " I never knew that I was waiting for you for so long until I saw you." at tumulo ang luha ni Chard sa pagkaintense ng nararamdaman nya. Dahan dahang pinahiran ni Dei ang luhang umagos sa pisngi ni Chard. Tahimik pa rin ang dalaga dahil hindi nya alam ang dapat nyang sabihin at grabe ang lakas ng tibok ng puso nya. Natatakot sya na baka pag nagsalita sya ay mali ang masabi nya.
               " When I realized eveything I promised myself that I would do everything, everything that it takes to have you." patuloy sa pagtulo ang luha ni Chard.
               " I know its too soon. Hindi kita inaapura. I just wanted you to know how I feel. How I really feel." at hinawakan ni Chard ang kamay ng dalaga. Tahimik pa rin ito at nakatingin sa kamay nyang hawak ni Chard.
               " Huy, magreact ka naman. Galit ka ba? Sabihin mo kung anong reaction mo sa sinabi ko." ang sabi ni Chard kay Dei na nakayuko pa rin. Nang biglang may pumatak sa kamay nya at nag-angat ng mukha si Dei. Nagulat si Chard. Umiiyak si Dei at parang pinipiga ang puso nya sa nakikitang luha sa mga mata ni Dei.
               " Thank you. Thank you for telling me this. I never appreciated myself. Nobody did actually. None that I know of. It touched me that you apprecite my kagagahan. And it touched me that you prayed for me. I'm so happy with what you admitted. Parang ang haba haba ng hair ko. Hahaha. Imagine someone as handsome as you would think of someone as plain as me?" ang umpisa ng dalaga. Pinahid ni Chard ang luha nya.
              " Dei you're beautiful. " ang sabi naman ni Chard.
              " I'm just plain. Well anyway. Thank you very much for lifting my self esteem. Going back. I don't know how to respond to what you said." ang sabi ng dalaga at muling tumungo.
              " It's okay, I'm not asking you to. Well not yet. We have all the time in the world right now to get to know each other more. And that's all I'll ask of you. For now." ang sagot ni Chard sa apprehension ni Dei.
              " Thank you for understanding. Kasi its been just ilan? Two days? Since we met and I think its too soon." ang sagot ng dalaga.
              " Yes its too soon but for me, I don't care if its an hour, a day coz I'm sure about all this. But I want to know you more." sabi ni Chard sabay kindat na ikinakilig ni Dei. Pero syempre di nya ipinakita.
              " I like that. I like to get to know you more too." at ngumuti na ang dalaga. Hinaplos uli ni Chard ang pisngi ni Dei.
              " God! I really love your smile. Parang sunshine after a storm." ang sabi ni Chard kay Dei.
              " Hhhmmm... Bolero! But thank you." ang natatawang sabi ni Dei. At tumayo ang dalaga at aktong aalis.
              " San ka pupunta?" ang tanong ni Chard.
              " Maglalakad lakad. Mag-iisip." ang sagot ng dalaga.
              " Pwede sumama?" pangungulit ni Chard.
              " Wag na. I want to be alone for a while." ang sagot ni Dei.
              " Okay sige. I'll prepare our beds na lang." ang sagot ni Chard na may pilyong ngiti sa mukha.
              " Nang magkahiwalay ha." ang sabi ni Dei.
              " Oo naman magkahiwalay." pilyo pa rin ang ngiti ni Chard. Umiling na lang si Dei at tumalikod na.

***************************************************************************

nagulat ako dun ah. grabe ang revelation.
let me know your views. thank you and enjoy reading.

Paradise Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon