YNA's POV
Pag-uwi ko sa bahay ay agad akong dumerecho sa kwarto. Humiga ako sa kama at saka sumipa sipa dahil sa inis.
"Paano kung sabihin sayo ni Kuya Jerome na mahal ka pa din nya. Babalikan mo ba sya?" naalala ko si Jan at ang tanong nya.
"Tss. Manloloko." inis na sabi ko. Tinabunan ko ng unan ang mukha ko.
Naaalala ko ang bawat banat ni Jan, ang mga cute na pinipigilang ngiti at ang buo nyang mukha. Inabot ko ang cp ko. Nakatingin lang ako sa wallpaper ko, ang saya ng itsura namin ni Jan dito. Pumunta ako sa 'messages' at saka binasa ang thread namin ni Jan.
Nakakatuwa ang mga banat, ang mga asaran, ang mga seryosong pinaguusapan namin madalas nauuwi din sa kalokohan... Di ko namalayan na tumutulo na ang luha ko.
"Ano ba to. Bat ba ko naiiyak? Bat ko ba sya namimiss? Badtrip, Bat ko ba iniiyak yung batang yun? Bat ko ba iniiyakan yung manlolokong yun..." matigas na sabi ko pero sa huli ay hindi ko din mapigilang umiyak ng umiyak.
Itinago ko ang cp ko sa ilalim ng unan at saka humiga ulit. Ayoko ng umiyak, ayoko ng isipin si Jan, ayoko ng damahin ang sakit.
*kring kring* Kinuha ko ang cp ko. *LABS ♥ CALLING* Itinago ko ang cp ko sa ilalim ng unan ko.
"Whatever."
*Kring kring* *LABS ♥ CALLING*
"La la la la. Wala akong naririnig. La la la la." Tinakpan ko ang tenga ko.
*Kring kring* *LABS ♥ CALLING*
"Ahh siguro kaya ka tumatawag kasi magsosorry ka sa pangrerebound mo sa kin? Sa panloloko? Sa pambobola?" kinakausap ko ang sarili ko na parang baliw.
![](https://img.wattpad.com/cover/5210505-288-k867204.jpg)
BINABASA MO ANG
My 18-year old boyfriend ♡
FanfictionDoes age really matter in love? Or is it just a number? Jan is a like a younger brother to me but it seems like love became so playful to us. How can I graduate from being an "ate" to a girlfriend? A roller-coaster story of my 18-year old boyfriend.