YNA's POV.
Saturday. Rest day at LABS day din! Ang saya ko dahil ok na kami ni Jan at lalabas kame ngayong araw.
*beep beep* 1 MESSAGE FROM LABS.
"On the way na ko my labs, medyo natrapik lang ang gwapo. Labyu." nag-reply ako.
"Aba pinapahirapan ng trapik na yan ang gwapo kong labs ha. Tsk tsk. Sige see you. Maya na yung love you too mo. :)" SENT. Nilapag ko ang cp ko sa lamesa. Kinuha ko muna ang iPAD ko at saka nag-facebook habang inaantay si Jan. Nabaling ang tingin ko ng makita ko si Mika na recommended friends sakin. Di ko naiwasang tignan ang profile nya.
"Had a fun day w/ an old friend today. Happy Birthday to me!" STATUS NYA. Tinignan ko ang mga comments.
Anca (kaibigan ni Mika): Sus 'friend' ba talaga?
Mika: Yes! Issue friend? :>
Anca: E baka, may nakita ko kahapon sa arcade? :">
Mika: Ssh. :>
Anca: Kwento mo maya pag dating ko JAN ha. Ay sorry nadulas :">
Tinigil ko ang pagbabasa sa comments nila. LOGOUT. Itinago ko ang iPad ko sa bag.
"Ayan ka na naman sa mga iniisip mo, Yna e." iniiling-iling ko ulo ko.
*Beep beep* 1 MESSAGE FROM LABS. Kinuha ko ang cp ko.
"Bumaba ka na dyosa. Nandito na ko. <3" Tinago ko na ang cp ko sa bag ko at saka bumaba at lumabas ng gate. Laking gulat ko ng makita ko ang isang black na kotse na nakaparada sa tapat namin. Unti-unting bumukas ang bintana. Ngumiti si Jan at kumaway.
"My kotse ka na?" tanong ko. Bumaba si Jan at inalalayan ako para pumasok sa loob kotse.
"Kay daddy to. Pinahiram nya muna habang wala pa ko. Ok ba? Gumwapo ba lalo ang dating ko labs?" nakangiting sabi nya.
"May driver's license ka na ba? Sure ka ba na ok lang sa daddy mo na gamitin mo to?" magkasunod na tanong ko.
BINABASA MO ANG
My 18-year old boyfriend ♡
FanfictionDoes age really matter in love? Or is it just a number? Jan is a like a younger brother to me but it seems like love became so playful to us. How can I graduate from being an "ate" to a girlfriend? A roller-coaster story of my 18-year old boyfriend.