*YNA's POV*
"Mahal na mahal pa din kita, Yna." sabi ni Jan.
"Akala mo ba ikaw lang?" sagot ko
"Pero masasaktan si Christian at si Mika kaya paggising natin sa panaginip na to, kalimutan na natin lahat." dagdag ko. Ngumiti ako at saka lumakad papalayo.
"Panaginip lang to lahat." sigaw ko. Itinaas ko ang kaliwang kamay ko ng naka-peace sign.
"I love you Ynaaaaaaaa kahit panaginip lang to!" sigaw nya. Hindi ako lumingon at tumuloy sa paglakad. Alam kong pag lumingon ulit ako sa kanya, hindi na ko makakaalis pa.
Mahal na mahal kita Jan sa kabila ng katangahang ginawa kong pag-iwan sayo. Lumakad ako papalayo. Hindi maalis sa isip ko si Jan... Para kong lumalakad sa kawalan.
"Yna." Lumingon ako sa tumawag sa kin. Laking gulat ko ng makita ko si...MIKA. Sumabay syang lumakad sa kin. Walang nagsasalita. Ni hindi namin alam kung saan ba kami pupunta. Pero napunta kame sa isang bakenteng lugar sa likod ng park kaninang pinuntahan namin ni Jan.
"Bakit ang daya mo?" bigla syang nagsalita. Tumingin ako sa kanya. Tumigil sya sa paglakad at saka humarap sa kin.
"Sabi mo dati ako ng bahala kay Jan diba? Pero bakit bumalik ka na naman?" sabi nya na may ngiting sarcastic sa dulo.
"Sinundan ko si Jan paghatid nya sa kin pauwi. Di ko alam kung anong pwersa ang nagtulak sa kin para gawin yun pero ngayon, alam ko na kung bakit." dagdag nya.
"Hindi ko sinadya, Mika." matipid na sagot ko. Ngumiti sya,hinawi ang buhok nya at saka tumingin ulit sa kin.
"Alam ko pero nagkita pa din kayo. Anong gusto mong tawag naten dun? letter a, destiny. b. fate or c. true love?" sarcastic na sagot nya.
BINABASA MO ANG
My 18-year old boyfriend ♡
FanficDoes age really matter in love? Or is it just a number? Jan is a like a younger brother to me but it seems like love became so playful to us. How can I graduate from being an "ate" to a girlfriend? A roller-coaster story of my 18-year old boyfriend.