IV - Waiting in vain ♡

12.6K 82 31
                                    

YNA's POV

"Masaya?" pang-iinis ni ate habang nanonood ng TV. Tinanggal ko ang ngiti ko. BADTRIP.

"Ano ka ba Yna, di ka masaya, di ka natutuwa, di ka kinikilig kay Jan, ok?" kinakausap ko ang sarili ko habang kinurot-kurot ang pisngi.

Dumerecho ako sa kwarto ko at saka humiga. Pagkaraan ng halos isang oras.

*beep beep* 1 MESSAGE RECEIVED. JAN.

"My labs! Gala ulit tayo bukas!"

"Kakauwi mo pa nga lang sa gala natin, namiss mo naman agad ako." pang-iinis ko.

"OO, masama ba? Basta huy! Date ulit tayo bukas!"

"Pero mag-aasikaso daw yung class namin para sa graduation bukas e. Hanggang 5 pm."

"Edi pagkatapos. Basta ha! Punta ka dun sa likod ng park sa subdivision nyo. May surprise ako sayo."

"Ano yun?"

"Surprise nga e! Basta labs ha! 6 mag-aantay ako sayo. Start na ulit ng Dota! Labyu!"

"Fine. Labyu too." Syet. unconsciously ko natext yun.

"Syet. Lintek baka matalo na naman ako. Labyu more labs. :)"

Inilapag ko na ang cp ko sa table sa tabi ng kama ko at saka humiga. Siguradong aabutin na naman si Jan ng madaling araw sa paglalaro ng dota. Natulog na lang ako.

Pagkagising ko ay agad akong kumain, naligo, nag-ayos at umalis ng bahay. Habang nakasakay sa LRT ay chineck ko ang cp ko. Walang text galing kay Jan. Inis na ibinalik ko ang cp ko sa bag.

"Nagdodota na naman ba to? O basketball? Hmm. Bahala sya sa buhay nya." inis na sabi ko. Bumaba ako sa lrt at saka dumerecho sa campus.

Lumipas ang segundo, minuto at oras ng pag-aasikaso sa kung anu-anong requirements sa graduation pero ni isang text mula kay Jan ay wala akong natanggap.

My 18-year old boyfriend ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon