*YNA's POV*
"Tara, itreat mo ko gamit yang perang nakuha mo." nakangiting sabi nya sabay akbay sa kin.
"Wag mo na ko ulit aawayin labs ha!" pahabol na sabi nya habang lumalakad kaming dalawa.
Pumunta kami sa isang old-house restaurant.
"Sikat to dito, sabi ni mommy, mas matanda pa daw to kesa sa kanya." sabi ni Jan. Pumasok kami sa loob, maganda ang ambiance, parang lumang restaurant ng mga kastila.
Umupo kami sa may bandang dulo at saka umorder.
"O bakit ganyan ka makatingin? May dumi ba ko sa mukha?" tanong ko. Nakatingin kasi si Jan sa kin.
"Mas maganda ka pala pag malapitan." nakangiting sagot nya.
"Pag ako natunaw, wala ka ng magandang LABS." nangingiting sabi ko. Ngumiti sya lalo at saka hinawakan ang dibdib nya.
"Lintek, napapadalas na kong kiligin ha!" cute nyang sabi. Namumula ako.
Ilang sandali lang ay dumating na ang order namin. Nagsimula na kaming kumaing dalawa.
"Labs..." bahagya akong napatigil at tumingin kay Jan.
"Bakit?"
"Hm... Nagsorry ka sa kin tapos inantay mo pa ko tapos kumanta ka pa... Ibig sabihin ba nito, mahalaga ako sa'yo?" Na possibleng magustuhan mo ko na hindi lang bilang kaibigan o nakababatang kapatid?" seryosong tanong nya.
"Anong isasagot ko?"
*dug dug dug dug dug*
"Kaya naman talaga ako nag-sorry at ginawa ang mga yun dahil mahalaga sya sa kin diba? Pero bakit ganito... bakit di ko maamin sa kanya na totoo yun..."
*dug dug dug dug dug*
"Kaya ko nagawa yun... kase... kase... ano... ma... maha...mahalaga..." pauutal utal kong sabi. Uminom ako ng iced tea at saka huminga ng malalim.
"Jan, labs... mahalaga--" pero bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay biglang nagsalita si Jan.
"Kuya...Jerome?" gulat na sabi nya. Lumingon ako at nakita si Jerome kasama si Richard.
"Magkasama kayo?" nagtatakang tanong ni Richard. Nagkatinginan kami ni Jan. Di ko alam kung ano ang gagawin ko.
"Pwede bang maki-upo saglit habang inaantay lang namin yung itatake-out?" tanong ni Jerome. Kabadong tumungo si Jan bilang pagsang-ayon.
"So kelan pa kayo naging close?" mahinahon na tanong ni Jerome sabay tingin sa kin.
"Ah...pinakilala mo sya sa kin dati di ba?" sagot ko. Bahagyang ngumiti si Jerome.
"Ganon ba? O, Jan nagkita nga pala kami ni Mika nung isang araw. Lalo syang gumanda, tinanong ka nya sa kin. Mukhang may balikang magaganap ah." biglang baling na sabi ni Jerome kay Jan.
"Ah.. ano kasi.."
"Halata namang mahal ka pa din nya e, at alam kong mahal mo pa din sya. Kaya pupusta ko, magkakabalikan kayong dalawa." nakangising sabi ni Jerome.
"HINDI." matigas na sabi ko. Tumingin silang 3 sa kin.
"Hindi na sila magkakabalikan." dagdag ko. Di ko alam kung bakit ko to sinasabi pero sobra akong naiinis sa mga naririnig ko.
"Huh? bakit Yna?" nagtatakang tanong ni Richard.
"Hindi ako papayag... hindi ako papayag na magkabalikan sila." pahina ng pahinang sabi ko.
"Yung sa mall, di din yun aksidente na nagkita kayo diba?" tanong ni Jerome.
"Magkasama kaming dalawa nun. Nung b-day ni Efraim, sya din yung dahilan ko kung bakit ako nagmamadaling umalis." sagot ko. Napakamot sa ulo si Richard sa mga sinasabi ko. Ngumiti naman ng sarcastic si Jerome.
"Ate turned girfriend? Ayos ah. Pipili ka na nga lang ng kapalit, yung mas bata pa. Yung bata na ako ang nagpakilala." sabi ni Jerome. Sasagot na sana si Jan pero hinawakan ko ang kamay nya para tumigil.
"O edi salamat, salamat kasi pinakilala mo sya sa kin. Ok na ba yun?" sabi ko sabay ngiti. Tumingin si Jerome sa kin at saka ibinaling ang tingin kay Jan.
"Kalokohan nyo." tumayo si Jerome at saka umalis. Sumunod din si Richard sa kanya.
"Sasapakin ko na yun e. Dapat di mo ko pinigilin." inis na sabi ni Jan.
"Pero tama naman sya e, kalokohan to." mahinang sabi ko.
"Ano? Anong sabi mo? Kalokohan to?!" maangas na sabi ni Jan.
"Oo.. pero di ko alam kung bakit gustong gusto ko tong kalokohang to." sagot ko.
"Ibig sabihin-" pero bago pa matapos ni Jan ang sasabihin nya ay nagsalita na ako.
"Yung tanong mo kanina... Sasagutin ko na...Mahalaga ka sa kin. Di ko alam kung ano bang ginawa mo sa kin para magkaganito ako pero gusto na ata kita Jan...gusto na kita di lang bilang kaibigan o nakababatang kapatid o junior ng ex ko." pagtatapat ko. Di nakasagot si Jan sa sinabi ko, nakatingin lang sya sa kin na parang di makapaniwala sa sinabi ko.
"Gusto kita Jan. Narinig mo ba yun? Kaya wag mo ng babalikan si Mika ha..." sabi ko, di mapigilan ng mga luha ko. Hinawakan ni Jan ang pisngi ko at saka pinunasan ang mga luha ko.
"Pesteng buhay to, di ata ako makakatulog mamaya dahil sa kilig." pinipigilan ni Jan ang ngiti nya. Napangiti na din ako.
"Baka di ka lalo makatulog dahil dito." nakangiting sabi ko.
"Ha?"
Bahagya akong tumayo sa kinauupuan ko at saka hinalikan si Jan sa pisngi.
BINABASA MO ANG
My 18-year old boyfriend ♡
FanficDoes age really matter in love? Or is it just a number? Jan is a like a younger brother to me but it seems like love became so playful to us. How can I graduate from being an "ate" to a girlfriend? A roller-coaster story of my 18-year old boyfriend.