*Yna's POV*
3 years later...
Mabilis lumipas ang bawat segundo, minuto, oras, araw, linggo, buwan at taon ng di ko namamalayan na tatlong taon na ang lumipas ng umalis ako sa Pilipinas.
*Flight number 09876. Incheon to Manila. To the departing area, please.*
Tinignan ko ang wrist watch ko. It's almost time to leave Korea and be back to where my heart belongs. Tumayo ako, hinila ang case ko at saka lumakad papunta sa departure area.
"Yna!" lumingon ako. Lumakad sa kin papalapit si Christian.
"O, bat nandito ka? May pasok ka diba? Nako, ayaw ni Mr. Lee nyan. Tsk tsk." pabirong sabi ko. Tinapik nya ang ulo ko.
"I'll miss you partner. Wala na kong makakasamang pagalitan pag di ko nameet yung deadline." sabi nya. Ngumiti ako at saka sya niyakap.
"I'll miss you too, partner. Alam kong you'll still do well." bulong ko. Niyakap nya din ako pabalik.
"O, pano ba yan. It's time to go." paalam ko. Ngumiti lang ng simple si Christian at saka nag-wave ng bbye. Ngumiti ako at lumakad papalayo.
- 2 hours flight after-
"Hello again, Philippines." sabi ko sa sarili pagkalabas na pagkalabas ko sa airport. Tinawagan ko si mama at sinabing nasa Pinas na ko at on the way na pauwi.
Habang nakasakay ako sa kotse na sumundo sa kin ay kinuha ko ang cp ko. Tinignan ang gallery - mga pictures ni Jan. Namimiss ko na naman sya. Sa loob ng 3 taon, aaminin ko na walang araw na hindi sya sumagi sa isip ko.
"Kamusta na kaya tong mokong na to?" natatawa kong bulong sa sarili ko. Namimiss ko na ang hinayupak kong labs kahit na hindi ako sigurado kung naaalala nya pa din ako.
"Kuya, may dadaanan muna tayo bago umuwi saglit." sabi ko. Pumunta ako sa park kung saan lagi kami nagkikita ni Jan. Bumaba ako at saka lumakad lakad sa park 3 years ago kung saan ako nagpaalam sa kanya.
Umupo ako sa upuan. Nabasa ko ang vandal ko dati. Nabaling ang tingin ko sa maliliit na vandalism na alam kong handwriting ni Jan.
"Yna. Yna. Yna. Uwi ka na."
"My labs. Uwi ka na bago ko pa mapuno ang mga upuan ng vandalism."
"Ynaaaaaaa! namimiss na kitaaaaaaaaaa"
"Hoy Yna. Birthday ko ngayon! Pero wala yung gusto kong regalo. Uwi na bilis!"
"siraulo talaga. Pwede namang isulat sa kin imbis na vandal." natatawa kong sabi pero deep inside, gusto kong umiyak dahil sa sobrang pagkamiss ko kay Jan.
"Kinalimutan ko na siguro ko no? Syempre naman, sa gwapo mong yan. Impossible walang lumapit na mga chikas aba syempre naman magugustuhan mo din sila. Bwisit ka e. Bwisit ka. Bwisit ka, bakit mahal pa din kita." sabi ko sa sarili ko, di ko namamalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Pinunasan ko ang luha ko, tumayo at lumakad paalis ng bigla akong may mabangga, nahulog nya ang iphone nya kaya tumungo ako para kunin.
"Sh*t. Sorry, sorry." sabi ko ng paulit ulit. Dinampot ko ang iphone at laking gulat ko ng makita ko ang mukha ko sa wallpaper.
"Tsk. Aken na nga. Sa susunod mag-ingat ka naman miss." inis na sabi nya sabay kuha sa cp nya sa kamay ko.
Naka-vans sya na sneakers, faded jeans, simpleng black shirt, nakaheadset at shades.
Dahan-dahan nyang tinanggal ang shades nya. Magkatinginan kameng dalawa ngayon.
"Jan."
"Yna."
Sa bawat hakbang nya papalapit sa kin. Nararamdaman ko ang pagbagal ng mundo.
"Oops. wag kang lalapit. Ikaw ba talaga si Jan?" mukhang engot na tanong ko. Napangiti sya, ang ngiti na tatlong taon kong inasam na makita ulit.
"Bumanat ka muna, dapat kiligin ako para mapatunayan ko na ikaw nga si Jan." dagdag ko.
"Kailangan ko pa bang bumanat para kiligin ka? O yakapin ka para tapos na?" sabi nya sabay hila sakin papalapit sa kanya. Niyakap nya ko ng mahigpit na mahigpit.
"Bakit nandito ka?" bulong ko sakanya habang magkayakap kame.
"Para magvandal kung gaano ko kamiss yung bwisit na mahal kong iniwan ako 3 years ago. Eh ikaw bat nandito ka?"
"Para puntahan yung mas bwisit na mahal kong iniwan ko 3 years ago." Tinanggal ni Jan ang yakap nya sakin at saka hinawakan ang magkabilang pisngi ko.
"3 years na ba yon? E parang ilang araw lang ang nakalipas e." sabi nya.
"Sus. Nabilisan ka sa tatlong kase nanchicks ka." sabi ko sabay irap.
"Ha? Magiging babaero lang ako pag dumami ka na." sabo nya sabay kindat.
"Ew corny mo."
"Corny pero nagbublush. Anong kalokohan yan, labs?" cute na sabi nya. Hinalikan nya ko sa noo at saka niyakap ulit.
"Nasa ibang panahon na tayo...: bulong nya.
"At nasa ibang mundo." dagdag ko.
"At tayong dalawa pa din talaga." sabi nya. Umalis ako sa pagkakayakap at saka tumingkayad para halikan sya.
"Itigil mo yung oras, please?" sabi ko. Umiling sya at saka ako inakbayan.
"Wag mo patigilin labs. Mas gusto kong gastahin ang bawat segundo kasama ka." nakangiting sabi nya.
"I love you, Yna."
"I love you more, Jan."
"I love you most." cute na nakasimangot na ganti nya.
"I love you best." ganti ko sabay belat.
"Di na ko makikipag-away, alam ko namang mas mahal mo talaga ko e." maangas na sabi nya.
"Wow ha?!"
"O bakit? Kaya ka nga umuwi e kase miss na miss mo na ko. Sus. wag mo na ideny." mas mayabang na biro nya.
"Siraulo."
"siraulo pero hinalikan ako. Yna, my labs, wag mo na ideny!" pang-iinis nya.
"Tse! Babalik na ko korea!" inis na sabi ko. Tumawa sya at saka ako inakbayan ng mas mahigpit.
"Lul! Kala mo papakawalan pa kita?" cute na sabi nya. Tumingin ako sakanya at saka sya hinalikan ulit. Nagulat sya sa ginawa ko.
"Labs naman e! Nag-korea ka lang, naging chansingera ka na!" natatawa nyang sabi. Ngumiti lang ako at hinawakan ang kamay nya ng mahigpit...walang balak na bitawan pa ito ulit.
<3
BINABASA MO ANG
My 18-year old boyfriend ♡
Fiksi PenggemarDoes age really matter in love? Or is it just a number? Jan is a like a younger brother to me but it seems like love became so playful to us. How can I graduate from being an "ate" to a girlfriend? A roller-coaster story of my 18-year old boyfriend.