- 1 week later -
*JAN's POV*
Isang linggo na naman ang lumipas na hindi ko nakita si Yna. Isang linggong si Mika ang madalas na katext at kausap ko. Pero si Yna pa din ang laging laman ng isip ko..
"Paps! sure ka ba dyan?" tanong ni Simon.
"P're, gusto ko lang sya makausap ng matino. Yung buo yung mga dahilan. Yung klaro lahat." sagot ko sabay kain sa lollipop na kinakain ko.
"E pano si Mika paps?" tanong ni Simon/ Tumingin ako sa kanya.
"Anong si Mika?"
"Paano kung sa pagpunta mo kay Yna at pagtanong sa mga dahilan nya e maging maayos ulit ang lahat. So paano na si Mika?" sabat ni Gabriel.
"Eksakto. Akala ko nga nangangamoy second chance e." gatong ni Simon. Inalis ko ang tingin ko sa kanya, kinain ulit ang lollipop at saka tumayo.
"Di ko din alam. Pero gusto ko lang ngayong makausap si Yna. Gusto ko sya ulit makita. Gustong gusto ko." sagot ko. Tumayo si Gabriel at saka ako tinapik sa balikat.
"Kung san ka masaya lover boy, dun na din kame." sabi nya sabay ngiti.
"It's liver-lover boooooyyyyyyy." pangbibwisit ni Simon. Napatawa kameng tatlo.
"Lul. Di pa kasi kayo nagseseryoso sa mga babae. Pero salamat mga p're." sabi ko sabay high-five sa kanilang dalawa.
---
Nakatayo ako ngayon sa harap ng bahay nila Yna. Kinuha ko ang cp ko at dinial ang # nya.
*KRING KRING* *KRING KRING* *KRING KRING* *KRING KRING*
"Jan, please stop." bungad nya pagkasagot na pagkasagot nya.
"10 minutes. Nasa labas ako ng bahay nyo." sagot ko.
"Just go home."
"5 minutes."
"Jan..." Pero bago nya pa matapos ang sasabihin nya ay binabaan ko na sya ng tawag. Nakatayo lang ako sa harap ng bahay nila, mag-aantay ako sa kanya kahit ilang oras pa o araw o taon.
*After 30 minutes*
Lumabas si Yna sa gate. Magkaharap kameng dalawa ngayon.
"Mamaya-maya pauwi na sina ate dito, kaya saglit lang tayo pwede mag-usap." sabi nya. Pumasok kaming dalawa sa bahay nila. Umupo sa sofa.
"Ano bang nangyare ng gabing yun Yna? At bakit ganon-ganon mo nalang akong nagawang bitiwan." Derechong tanong ko.
"Gusto mo pa ba talagang detalye ko ikwento ko ang nangyare sa ming dalawa nun?" cold na sabi ni Yna. Mahigpit kong hinawakan ang braso nya.
"Pano mo nagawa--" pero bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay nagsalita na siya.
"Paano ko nagawa yun? Simple lang, dahil sya ang gusto ko. Jan, parang kapatid lang ang tingin ko sayo. Una pa lang naman diba? Kuya-kuyahan mo ang ex ko tapos mapupunta ka sakin? Anong kalokohan yun." sabi nya pero di sya tumitingin sa kin.
"Pero di ba sinabi mo dati gusto mo ang kalokohang yun?"
"Sinasakyan ko lang ang mga jokes mo." hinatak ko sya papaharap sakin.
"Alam kong hindi yung joke para sayo. Mahal mo ako." matigas na sabi ko. Tumingin sakin si Yna, bahagyang ngumiti pero bakas sa mga mata nya ang luha.
"Kung mahal kita, e bakit kita binreak? Bakit ko pinili si Christian kesa sa'yo? Sige nga Jan. Sabihin mo kung paano? " Natigilan ako sa sinabi nya.
"Klaro na ba sayo lahat? Sige na, umuwi ka na baka gabihin ka pa sa daan." sabi nya sabay tayo at lapit sa pinto para pagbuksan ako. Tumayo ako at lumapit sa kanya.
"Ikaw lang ang babaeng nirereplyan ko habang nagdodota, ikaw lang ang babaeng pinipili kong puntahan kesa maglaro ng basketball. Ikaw lang ang dahilan ko kung bakit ko gustong gusto kong magtext at magchat. Ikaw lang ang gusto kong sabihan ng mga pick-up lines at banat. Ikaw lang lahat." Matigas kong sabi kahit na namumuo ang luha ko sa mga mata.
"Kung para sayo joke lang lahat. Pwes para sa kin seryoso yun. Siguro pagtatawanan mo ako sa mga sinasabi ko sayo ngayon kase mukha kong tanga diba. Nagmukha akong tanga pero ayos lang sakin lahat kung sayo naman ako magpapakatanga." nanginginig na sabi ko dahil sa pagpipigil ko ng iyak.
"Sorry." Nakatungong sabi nya.
"Sorry dahil hindi mo ko kayang mahalin? Sorry dahil mas mahal mo yung Christian na yun? Sorry dahil sinaktan mo ko? Sorry para saan ba yan Yna?"
"Sorry dahil hindi ko kayang tumabasan ang pagmamahal mo." sagot nya sabay tingin sakin.
"Mahalin mo lang ako ng konti, ako na bahalang magpadami... Pero miski yung konting yun, pinagdamot mo pa sa kin e. At ang sakit sakit Yna. Sobra." sagot ko. Tumulo ang luha ko, agad akong tumalikod at lumakad papaalis.
"Jan... I'm sorry.. I'm so sorry." Itinaas ko ang kanang kamay ko at saka nag-aprub sign.
"Ayos lang ATE."
</3
BINABASA MO ANG
My 18-year old boyfriend ♡
FanfictionDoes age really matter in love? Or is it just a number? Jan is a like a younger brother to me but it seems like love became so playful to us. How can I graduate from being an "ate" to a girlfriend? A roller-coaster story of my 18-year old boyfriend.