XII - Yes ♡

10.7K 81 25
                                    

3 days later...

*JAN's POV*

"Happy graduation day my labs!" sent.

Graduation na ni Yna mamaya. At gagawa ako ng isang surprise para sa kanya.

*Beep beep* One message received from 'MY LABS '

"Thank you labs :) Nagpadala ka pa ng bouquet ng bulaklak dito. Nakakainis ka, kinikilig ako. Love you." Ngumiti ako at nagreply.

"Ahjxbuafzsahzsbxhs. <3" sent. Natatawa kong inantay ang reply nya.

*Beep beep* One message received from 'MY LABS ♥'

"Abxvtafvsxbsizgxna! Language of love ba to? :) Huy mag-aayos na ko labs. Ang sagot ko sa tanong mo dun na nakalagay sa bouquet ay Yes. I'll see you later! <3"

"Ahxbstajxgxbsyeheyiloveyoumylabssosweet." sent. Itinago ko ang cp ko at saka sinimulan ang surprise plan ko sa kanya mamaya.

Kinuha ko ang mga cartolina, colored papers at mga gagamitin ko para sa surprise ko kay labs.

"Okkkkk! Let's get it on yow!" with matching actions pa.

Mamaya ko balak sabihin kay Yna na gusto ko syang maging girlfriend. Yung official para maging pormal. At hindi ko yun pwedeng tanungin na lang ng ganun ganun lang. Dapat special! Yung tipong mapapaiyak siya sa saya kaya 2 buong gabi akong nag-isip ng isang magandang plano. Magandang maganda tulad ni labs.

Nag-book ako ng isang hotel room. Nagpadala ako ng isang malaking bouquet kay Yna na may nakasingit na address at passcard ng hotel room. Pupunuin ko ng mga lobo ang ceiling ng hotel na may nakasabit kung bakit ko sya mahal. Nakakalat ang mga pictures nya sa sahig na may kasamang mga petals ng red roses at may mga nakadikit na sticky notes sa pader ng kwarto.

Isa-isa akong gumawa ng mga props ko. Inabot ako ng tanghali sa paggugupit at pagsulat.

"Peste. Ayoko talaga ng arts!" reklamo ko habang ineexercise ang kamay ko. Ayoko talaga ng arts, kaya ng 83 lang ata ang grade ko dun dati! Pero para kay labs, magpapanggap ako na mahal ko ang ganitong ginagawa.

Time check. 1:45 pm.

Pumunta ako sa my baloon shop. Kinuha ko ang order ko na 60 heart-shape na red baloons. Umuwi ako sa bahay at saka isa-isang sinabitan iyon ng mga rason kung bakit ko mahal si Yna.

"Mahal kita kasi maganda ka. Di lang maganda, sobrang ganda. Ay mali, di lang sobrang ganda. DYOSA SA GANDA." nangingiting sulat ko.

Gusto ko syang itext. Kamustahin kong ano na ang nangyayari sa graduation. Pero pinigilan ko ang sarili ko.

"Di ko pa tapos ang lahat. Magtiis ka Jan! Wag kang magtetext! Tiisin mo si Yna." kausap ko sa sarili ko pero wala pang isang minuto ay hawak ko na ang cp ko.

"Hoy labs! Wala lang. Gusto ko lang sabihin na i love you. O wag ka na magreply, busy ako! Kunin mo nalang yang diploma mo. <3" sent.

Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko. Pagkatapos ay pumunta naman ako sa flower shop. Bumili ako ng isang maliit na halaman na may ribbon, bumili din ako ng mga red roses na ikakalat ko mamaya. Pagkauwi ko ay naligo, nagpagwapo at dumerecho na ako sa hotel.

Time check. 4:30 pm.

Isa-isa kong ikinalat ang mga pictures nya sa sahig.

"Grabe, solid sa ganda!" natatawa kong sabi, kumiss ako sa picture at saka nilapag sa sahig. Isa-isa ko ding pinalipad sa ceiling ng kwarto ang mga lobo. Ikinalat ang mga petals ng roses at saka idinikit ang mga sticky notes sa pader.

My 18-year old boyfriend ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon