*YNA's POV*
Nagpanggap ako na natutulog sa byahe namin ni Jan pauwi. Ayoko syang kausapin.Ayoko na munang makarinig ng iba nya pang kasinungalingan.
"My labs, gising na." gising nya sakin habang pinopoke ang pisngi ko. Dinilat ko ang mga mata at kunwaring humikab. Tinanggal ko ang seatbelt ko pero hinawakan nya ang kamay ko. Tumingin ako sa kanya.
"Bakit?" tanong ko. Umiling lang sya ng bahagya at saka ngumiti.
"Wala lang. Alam ko kasing buong week, ballpen at laptop na ang hawak mo. Lulubusin ko na muna." nakangiti nyang sabi. Bahagya lang akong ngumiti. Nag-bend sya at saka ako hinalikan sa noo.
Bumaba ako ng kotse nya at nag-wave ng bbye. Pumasok ako sa bahay. Derecho sa kwarto ko. Kinuha ang iPad, nag log-in sa facebook, pumunta sa profile ni Simon, ang kaibigan ni Jan, nakita ko ang isang note tungkol sa isang b-day party ng kaklase nila dati.
"Totoo nga ang b-day at reunion." sabi ko. Pinagpatuloy ko ang pagtingin. Naka-tag ang halos 20 na kaklase nila dati, kasama si Mika at Jan.
Kinuha ko ang cellphone ko at saka sinave ang location at oras ng pupuntahan nila. Hindi ko alam kung tama bang gawin ko to pero hindi ako matahimik.
*Beep beep* 1 MESSAGE FROM LABS. Binuksan ko.
"My labs, aalis kame nila Simon at Gabriel bukas. Reunion lang. Sa tuesday na lang kita susunduin sa trabaho. :) Magbeauty rest ka na kahit na e sobra na yang ganda mo. I love you. Goodnight." Di ako nagreply. Inilapag ko lang ang cp ko sa lamesa at natulog.
Kinabukasan ay pumasok ako sa opisina ng may mabigat na loob. Dahil sa mga nalaman ko. Dere-derecho ako sa lamesa ko.
"Yna, ayan na yung mga articles na gagawan mo. Ako na lang mag-iintro sa iba." sabi ni Christian habang nagttype sa laptop nya. Di ako kumibo, kinuha ko ang mga articles at nagsimula ng gawin ang trabaho ko.
"Are you alright Yna? My problema ba?" tanong ni Christian. Tumingin ako sakanya at saka ngumiti at umiling... Pero naaalala ko na naman si Jan at Mika kaya nagsalita ako.
"Ah.. Christian.. May tanong ako, bakit ba kailangan nyong mga lalake na magsinungaling? Ano bang mahirap na sabihin sa min na tumawag ang ex nyo, na makakasama nyo yung ex nyo sa reunion out of town at nagdate kayo kasi birthday nya?" sunod-sunod na tanong ko. Bahagyang ngumiti si Christian at inilapit ang upuan nya sa kin.
"Edi sinabi mo din problema mo." pang-aasar nya. Pakiramdam ko namumula ako kaya tinakpan ko ng kamay ko ang mukha ko. Narinig ko na bahagyang natawa si Christian.
"Alam mo Yna, lies are lies. Siguro kaya nya yung sinabi sayo dahil ayaw ka nyang masaktan pero ano ba sa tingin nya ang nararamdaman mo ngayon?" sabi ni Christian. Dahan-dahan kong inalis ang pagkakatakip ko sa mukha ko.
"Hindi ako naniniwala sa being good friends after a breakup. It takes time." dagdag nya pa. Bahagya nyang tinapik ang ulo ko. Ngumiti at saka inilayo ang upuan nya at nagsimula na ulit magtrabaho.
Pagkatapos ng trabaho ay lumabas na ako para puntahan ang 'reunion' nila Jan. Nag-aabang ako ng taxi ng biglang may tumigil sa tapat ko na kotse... Unti-unting bumukas ang bintana at nakita ko si Christian.
"Sakay na Yna. Hatid na kita pauwi." sabi ni Christian.
"Ah hindi na Christian, may pupuntahan kasi ako e." pagtanggi ko. Lumabas si Christian sa kotse nya, nilapitan ako, hinawakan ang balikat ko at nangingiting ipinasok ako sa kotse.
"San ba tayo miss Yna?" sabi nya na may pigil na ngiti. Nag-pout ako sabay abot sa kanya ng cellphone ko na may address. Tinignan nya ang address at saka nagsimulang mag-drive.
BINABASA MO ANG
My 18-year old boyfriend ♡
FanficDoes age really matter in love? Or is it just a number? Jan is a like a younger brother to me but it seems like love became so playful to us. How can I graduate from being an "ate" to a girlfriend? A roller-coaster story of my 18-year old boyfriend.