Forepart

4 1 0
                                    


"AYOKO NGA. TAPOS ANG USAPAN." sigaw ko dun sa kabilang linya at binaba ko na din kaagad yung phone. Kausap ko si Sarah, my bestie, at pinipilit niya akong sumama sa kaniya para hulihin yung boyfriend niyang nambababae daw. Tsk. As if namang may pake ako sa kanila nung boyfie niya noh!

Naglakad ako papunta sa kotse ko. Pupunta na lang akong mall para mawala yung stress ko kay Sarah. Ang kulit kasi.

Nasa biyahe ako nang biglang mag-ring na naman yung phone ko. Kinuha ko naman agad yun at sinagot.

"PWEDE BA, PATAHIMIKIN MO NA AKO. I WILL NOT GO WITH----"

[HEY JERRICA SIEN SARCI, CAN YOU PLEASE LOWER YOUR VOICE! YOU'RE TALKING TO YOUR OWN MOTHER, IN CASE YOU DON'T KNOW.]

Eh? Tiningnan ko yung phone ko and kay Mom nga nanggaling yung call. I'M SO DEAD NA.

"A-ahhh, m-mom, I'm so sorry. A-akala ko kasi si Sarah eh. Kinukulit niya kasi ako. S-sorry po."

[Tsk! Nako mga kabataan talaga ngayon. Btw, nasan ka ngayon?]

"Papunta po akong mall na malapit sa bahay ngayon. Why, mom?"

[Good. Magkita tayo sa coffee shop malapit doon. I need to tell you something.] at binaba na niya yung phone niya. Ano kayang sasabihin niya? Napaka-rare na tumawag siya sa akin and more so na nakikipagkita pa siya!

Tinigil ko na ang pag-iisip at tinuon ko na lang ang sarili ko sa pagda-drive.

Nagpark muna ako sa parking lot at dumiretso na doon sa coffee shop na sinasabi ni Mom. Tsk. Ano kaya talagang kailangan niya? Lagi siyang busy sa work at nakakapagtakang nagkatime siya ngayon.

Natanaw ko na sa loob si Mom at nilapitan ko siya. Ngumiti lang siya at nag-order na rin muna ng kape para sa aming dalawa.

"Mom, ano po bang kailangan nyo? Ano po yung sasabihin niyo sa akin?"

"Easy, honey." nag-sigh muna siya then nagpatuloy sa pagsasalita. "Pinatawag ako ng school mo and marami ka na daw na bagsak na grades. Lagi ka din daw umaabsent and hindi ka nagpapasa ng mga requirements or projects. Nagwoworry ako sayo and naisipan kong ilipat ka na lang ng school."

"WHUTTTTTT?" bigla kong naibuga yung kape na iniinom ko na. Tamad ako pero may matalino din naman ako noh! Laging absent? Never pa akong nag-absent sa buong buhay ko ah?

"Gross." sabi niya lang. Tsk.

"But mom! Ayokong lumipat ng school!"

"It's for your own good na din anak. And besides, sa province kita ililipat at magsesend din ako ng mga makakasama mo dun." Lalong nanlaki yung mata ko sa sinabi niya. Province? No Way!!

"But--"

"No buts. Naayos ko na lahat at bukas na ang flight mo pauwing probinsya. Sana mag-enjoy ka." kumindat pa siya at tumayo na. "Nga pala honey, apat na lalaki ang makakasama mo sa bahay kaya mag-ayos ka ha?" nag-wink pa siya at umalis na din.

It took me 30 seconds bago ko marealize yung sinabi niya. A-apat na lalaki? M-makakasama ko sa bahay? WHAT THE?


Life With Froist RimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon