"Hello Sien!" sabay sabay nilang bati sa akin, pagkalabas na pagkalabas ko ng room. Dismissal time na at pauwi na sana ako.
"Hinintay niyo ba ako?" tanong ko sa kanila. Loko talaga tong mga to'.
"Oo, body guards mo na nga kami diba?" sabi ni Vid habang tumatawa. So, tototohanin talaga nila yun? Wow lang ha.
"At saka, sabay tayong uuwi!" narinig kong dagdag ni Leo.
"Tsk. Baka mamaya ay ma-issue na tayo niyan ha?" kasi naman, baka mamaya abangan ako ng mga fangirls na yan eh at saka nag-usap usap kami na walang ibang makakaalam na kasama ko sila sa bahay.
"Hindi yan! Jusko naman Sien, ang arte mo. Kami na nga ang lumalapit sa yo." biglang nagpanting yung tenga ko sa sinabi ni Dale.
"Wow Dale, sinabi ko ba sa inyong lapitan niyo ko? Hindi naman diba? Grabe lang ha! Naii-stress ako sa inyo eh." tumalikod ako sa kanila pero biglang hinigit ni Leo yung balikat ko.
"Sien naman eh. Hayaan mo na lang yan si Dale, alam mo naman ang ugali niyan. Hahaha." napa-sigh na lang ako. Naloloka na ako sa mga to' ng sobra ah.
"Teka, maaga pa naman diba? Pasyal muna tayo." suggestion ni Vid. Oo nga, para naman may malaman ako sa lugar na to.
"Sige, i-tour niyo ko ha?" sabi ko sa kanila at mukha namang excited sila kaya umalis na kami kaagad.
Dinala nila ako sa isang parke. Ang daming bata, ang cute nilang lahat. May nakita akong nagtitinda ng cotton candy kaya pumunta ako doon. Bumili ako ng isa at binalikan ko sila pero wala na sila. Grabe, ang sama nila! Alam naman nilang wala akong alam sa lugar na to', tapos iiwanan lang nila ako! Itotour daw ako pero sila lang pala ang mag-eenjoy ng wala ako! Hmmp!
Naglakad lakad muna ako dahil wala namang mangyayari sa akin kapag nagmukmok ako dito. Habang naglalakad ay nahagip ng mga mata ko si Leo, may kausap siyang babae at mukhang nagtatalo sila. Tsk. Lalapit sana ako kaso nakita ko silang nag-kiss nung babaeng kausap niya.
Tumalikod na lang ako at umalis doon. Ang galing talaga, nakikipaglampungan pa sa kung saan saan. Umupo muna ako sa bench at tinuloy ang pagkain ng cotton candy. Nagring yung phone ko at si Sarah pala yung tumatawag. Oohh, dalawang araw na pala kaming di nag-uusap.
"Hello?"
[SIENNNN!] bigla kong nailayo yung phone sa tenga ko. Makasigaw kasi wagas.
"ANO BANG PROBLEMA MO?"
[Namimiss na kasi kita. Hahaha~] Eh?
"Anong kailangan mo?"
[Grabe ka talaga! Kailangan ba may kailangan bago tumawag?]
"Sarah, kilala na kita. So, ano nga?"
[Ang galing mo talagang manghula Sien! Haha. Ano kasi, ahhh... malapit na ang anniversary namin ni Luke. Ano bang pwede kong iregalo sa kaniya?]
"Tsk. Alam mo Sarah, una sa lahat, wala akong alam sa mga ganiyan. Isa pa, di ako lalaki at wala akong alam sa mga gusto ng lalaki! Lastly, wala akong pake." binaba ko yung phone ko at in-airplabe mode ko para wala akong mareceive na tawag. Alam kong kukulitin ako non. Tsk.
Tumayo ako at nagpasya ng hanapin ang mga mokong. Sila lang naman ang nag-eenjoy eh! Naglalakad-lakad ako ng...
'oooooooooo'
"Oh crap! Grabe, bulag ka ba? Kita mong may tao, nagtuloy tuloy ka pa din!" sigaw sakin nung lalaking nabunggo ko. Aba! Nakakaloka tong kuya na to' ah!
"Excuse me lang ha? Ako? Bulag? Ang ganda ganda ng mga mata ko noh, at malilinaw pa! Pareho lang tayong may kasalanan dito! Kung nakita mo ko, bakit di ka umiwas? Aba kuya, di ko na kasalanan na tanga ka." sabi ko sa kaniya at halatang nainis siya. Hmmp! Sayang, gwapo pa naman sana. Kaso, may problema talaga sa ugali eh.
"Ako? Tanga? Wow lang ha----"
"SIENNNNN!" hindi na natapos ni kuyang nabangga ko yung sasabihin niya ng biglang may sumigaw. Paglingon ko, si Vid pala, kasama sila Leo at Dale, palapit sakin.
Nakalapit na sila sa akin at napatingin sila sa kausap ko na bigla yatang napatigil nung makita sila Vid.
"Oh dude! Nakarating ka na pala! Long time no see pre." bati ni Leo dun sa lalaki. Teka , magkakilala sila?
"Hahaha, at kasama mo pala tong si Sien. Kanina pa namin to' hinahanap eh!" sabi ni Dale na papalit palit ang tingin sa aming dalawa nung lalaki.
Oh my god. Mukhang may hint na ako sa kung sino tong lalakung to' ah!

BINABASA MO ANG
Life With Froist Rim
Novela JuvenilDream come true na kung ituring ng mga babae ang madikit man lang sa kahit isa sa kanila. Well, ano ba naman ang aasahan mo sa kanila? Sikat sila, pinapangarap ng lahat, and I'm just a nobody. BUT... Ano na lang kaya ang mangyayari kapag nagsama sam...