Pag-uwi ko sa bahay, dumiretso na ako sa room ko. Hanggang ngayon ay di pa rin ako maka moveon sa sinabi ni Mom. Ano ba naman yan!
Pag pasok ko, may nakita akomg dalawang maleta sa ibabaw ng kama ko. Nilapitan ko yun and may nakalagay na note.
'Dear honey, pinaayos ko na lahat ng gamit mo. Kumpleto na lahat sa mga maleta na to'. Magpahinga ka na lang at magready na para bukas. Ipapasundo kita diyan at tandaan mo lang yung mga reminders ko sayo.'
Watdafff?? So, seryoso talaga siya? Ipapadala niya talaga ako doon? Napakamot na lang ako sa sa ulo ko at humiga sa kama ko. I guess, wala na akong magagawa.
Nagring yung phone ko, at nagflash yung name na Sarah sa phone ko. Hay. Muntik ko ng makalimutan si Sarah. Wala pa nga pala siyang alam sa pag-alis ko. Tsk. Kinuha ko yung phone at sinagot ko yung tawag.
"Hello?"
[Sien! Mali pala ako ng hinala! Nag-gym lang pala siya at di naman pala nambabae! Hahaha~ Nakakahiya yung eksena ko kanina! Di mo kasi ako sinamahan eh.] Tsk. Buti nga sa kaniya.
"Buti nga sayo! Btw, Sarah, I need to tell you smth."
[Ano?]
"Mom will send me to province para daw doon na ako mag-aral. At eto pa, may makakasama daw akong apat na lalaki sa bahay! Naku Sarah, di ko matake!"
[WHAT? AY OMG KA TEH, MAY MAKAKASAMA KANG APAT NA LALAKI? ANONG ITSURA? GWAPO BA O ANO?]
"Sarah ano ba! Malamang di ko pa alam kasi bukas pa ako aalis noh! At isa pa, wala rin akong pake! Ayoko ngang pumayag eh!"
[Ano ka ba Sien, kung mom mo ang nagsabi, siguradong para sa ikabubuti mo rin yan. Wag ka ng magreklamo at sundin mo na lang ang mom mo.] Binaba na niya yung phone. Aghhh!
Tsk. Pero nakaka-curious ah? Ano nga kayang itsura nung mga makakasama ko? Aghhh! Tama na Sien! Wag ka ngang ano diyan!
Nahiga na lang ako at nakatulog na din.
•••
"Ms. Jerrica Sien, nandiyan na po yung mga sundo niyo." narinig ko ang mga katok sa pinto ng kwarto ko at napabangon ako dahil doon.Sumilip ako sa veranda ng kwarto ko at may nakita akong isang sasakyan doon. Ayun na siguro yung sundo na sinasabi ni Mom. Tsk.
Naligo na ako at nag-ayos na din. Isang simpleng white dress lang yung suot ko. Nagshades na din ako at nag-ayos ng buhok. Tumingin muna ako sa salamin at ayos naman na kaya kinuha ko na yung mga maleta na pinaayos ni Mom kahapon.
Bumaba na ako at dumiretso na sa sasakyan. Hayss. Tiningnan ko muna yung bahay namin bago kami umalis. Dito na din ako lumaki at mami-miss ko talaga to'.
Tahimik lang yung biyahe at mabilis naman kaming nakarating sa airport. Hinintay ko na lang yung pag-alis at yun na nga. Hayss.
Habang nasa biyahe ay lutang ang isip ko. Yung half ko, excited at para talagang nacucurious sa mga next na mangyayari. Yung other half naman naiinis at gustong gusto ng umuwi. Tsk.
Di ko namalayan pero nakalanding na pala yung sinakyan naming airplane. Pagkalabas pa lang ay dama ko na yung malamig at malinis na hangin ng probinsya. Hmmm, I guess hindi naman ganun kapangit ang magiging experience ko dito. Napa-sigh na lang ako at naglakad.
Sabi nung sumundo sa akin kanina, hintayin ko lang daw yung red na lambourgini at dadalhin daw ako nun sa magiging bahay ko.
Naghintay ako at maya maya lang ay dumating na din iyon. Dinala ako nun sa isang malaking bahay. Kumatok lang daw ako at pagbubuksan naman daw ako agad.
Kinakabahan ako habang papalapit doon sa pintuan. Tsk. Ano ba yan Sien! Bakit ka ba kinakabahan?
Kumatok ako pero walang sumagot. Kumatok ulit ako and this time may parang nagclick tapos bumukas yung pintuan. Bumungad sa akin ang isang babaeng nasa mga mid-30s na ata. Nakangiti lang siya sakin at pinapasok niya din naman ako kaagad.
"Ms. Sarci, magpahinga na po muna kayo. Mamaya po ay dadalhin ko kayo sa magiging school niyo." Yun lang ang sinabi niya at iniwan niya ako sa isang room. Hayys. Inayos ko muna yung mga gamit ko at saka na ako nagpahinga. Grabe nakakapagod din palang bumiyahe!
Teka nga pala, ang sabi ni Mom, mga lalaki daw ang makakasama ko, bakit may babae? At nasan yung mga lalaking iyon? Tsk. Tama na nga ang pag-iisip! Baka naman niloloko lang ako ni Mom, or baka naman, umalis lang sandali yung mga lalaki.
BINABASA MO ANG
Life With Froist Rim
Genç KurguDream come true na kung ituring ng mga babae ang madikit man lang sa kahit isa sa kanila. Well, ano ba naman ang aasahan mo sa kanila? Sikat sila, pinapangarap ng lahat, and I'm just a nobody. BUT... Ano na lang kaya ang mangyayari kapag nagsama sam...