4

1 0 0
                                    


"Ano ba, linisin nyo yang mga nabasag niyo ha."
"Parang di ka naman kasama sa mga nakabasag. Sobra ka kung makapag-utos ah!"
"Teka guys, yung yung sabon paubos na."
"Edi bumili ka ulit."
"Dudes, yung tubig kumakalat sa sahig."

Maaga akong gumising dahil may pasok pala ngayon. Pababa ako ng marinig ko yung mga yun. Ano na naman kayang pinagga-gawa nila? At teka, bakit parang basa yung sahig? Bumaha ba?

Agad akong pumunta sa kusina and ohh! Ang ganda naman ng view! Sa sobrang ganda eh parang gusto ko ng basagin ang ulo ng tatlo na to'.

"Anong nangyayari dito?!" napatingin silang tatlo sa akin. Napa-face palm na lang ako sa mga nasasaksihan ko. Tatlong gwapong lalaki, nag-aagawan sa plato sa mismong sink at teka, basang basa silang lahat. Nakabukas pa yung gripo nun at madaming basag na pinggan sa sahig.

"Uhmm, trying to learn something new?" sabi ni Leo at binatukan naman siya ni Dale.

"Hay nako naman!" napatingin ako sa wall clock. Naku po. Malelate na ako. "Tawagan niyo na lang si Manang Flora. Malelate na tayo sa school."

Tumayo na ako at nag-ayos na papuntang school. Kumuha na lang ako ng tinapay sa toaster at lumabas na.

"Teka Sien!" sigaw ni Vid.

"ANO?!" sumigaw ako kasi nababadtrip ako.

"S-sorry. Gusto lang naman naming matuto na maghugas kasi sabi mo kahapon..." nakatungo lang si Dale habang nagsasalita, at ganun din yung iba.

"Oo na, oo na!" ngumiti naman sila at tuwang tuwa. Parang mga bata! Tsk.

"Sien, sabay ka na sa amin. Malelate na tayo at matatagalan pa kung maglalakad ka!" sabi ni Leo.

"Oo nga!" sang-ayon naman nila. Aghhh! Sige na nga!

Sumakay ako at umalis din kami kaagad. Sabi ni Dale nacontact na daw nila si Manang Flora at siya na ang bahala sa kalat nung tatlo

Grabe, dahil lang sinabi ko, nag-aral talaga silang maghugas? Nakakaloka sila ah!

Nakadating na kami sa school at sakto namang nagring yung bell. Pagkababa pa lang namin ay nagtitinginan na yung mga tao, yung iba nagbubulungan, yung iba naman tumitili. Juicecolored, nakaka-awkward kasi nga kasama ko sila at pinagtitinginan nga kami.

Humiwalay na ako sa kanila at dumiretso na sa room ko. Wala pa si ma'am kaya swerte pa rin ako. Umupo ako doon sa upuan ko sa dulo.

"Hi Sien!" bati sa akin ni Zoe. Grabe, ang hyper talaga nitong babae na to'!

"Hi Zoe!" ngumiti lang siya at magsasalita pa sana kaso dumating na si ma'am at naglesson na.

Mabilis naman ang daloy ng oras kaya di nagtagal ay naglunch time na din. Hinila ako ni Zoe papuntang cafeteria at doon kami kumain.

"Grabe Sien, may narinig akong chismis kanina habang papunta tayo dito sa cafeteria! May kasama daw na babae yung Froist Rim kaninang umaga! Omg! Kung sino man siya, ang swerte niya!" Hay nako Zoe, kung alam mo lang na ako yun, ewan ko na kung anong magiging reaksyon mo. Tsk.

Nagpatuloy na lang ako sa pagkain at sinubukan kong mag-open ng ibang topic. Baka masakal ako neto ni Zoe pag nalaman niyang kasama ko yung Froist Rim sa bahay ko.

"AHHHHHHHH!" ok, ayan na naman ang tilian ng mga babae dito. Alam niyo na siguro kung bakit.

"Omg! Nandyan na sila Sien!" tiningnan ko lang yung tatlo at parang may hinahanap sila. Napatingin si Vid sa direksyon ko at nginitian niya ako. Bumulong siya sa mga kasama niya at tinuro ako.

"Omg Sien, napansin siguro nila ang beauty ko! Tingnan mo oh, palapit sila dito!" tama, papalapit nga sila--- sa akin.

"Hi Sien!" bati sa akin ni Dale.

"Hello. Bakit ba kayo lumapit dito, baka mamaya malalaman ko na lang, may death threat na ako galing sa mga fans niyo."

"Hahaha! Don't worry Sien, kaya nga kami nandito eh, para bantayan ka! Diba nga, sabi ng mom mo? Body guards mo na kami ngayon!" sabi ni Leo. Aba aba! Ano to'? Anong body guard?

Napatingin sa akin si Zoe. Nanlalaki ang mga mata niya. Poor Zoe. Sabi ko na nga ba eh, ganyan ang magiging reaksyon niya.

"Body guards?" tanong ko sa kanila.

"Yep." sabi ni Leo at tumango tango naman yung tatlo.

/FACEPALM/ NAKU PO, DISASTER TO' PANIGURADO ●︿●


Life With Froist RimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon