6

1 0 0
                                    


"Jusko Ren, alam mo bang mabait yan si Sien? Hahaha~ siya yung makakasama natin sa bahay. Magaling yan magluto!" Vid said.

I knew it! Sabi na eh! Siya si Ren. Tama naman si Zoe na gwapo siya, pero wala talagang kwenta ang asal. Meron siyang curly brownish hair at maputi din siya. Matangkad din at may matangos na ilong.

"WHAT?? YANG BABAENG YAN NA SINABIHAN AKONG TANGA ANG MAKAKASAMA NATIN?"

"Woah, woah, easy lang dude. Hahaha! Di namin alam ang nangyari sa inyo, at kung bakit kayo parang galit na galit na isa't isa, pero bro, she's nice naman eh." thanks sa pagtatanggol Dale! Aghhh! Ano ka ngayong Ren ka?

"Tsk. I don't like the idea of being with her on our house. Mukha palang niyan oh! Baka pagsamantalahan tayo niyan!"

"Ang kapal mo talaga. Di ako papatol sa mga kagaya niyo noh! Mataas ang standards ko!"

"Ouch Sien, ang sakit." sabi ni Leo na nag-aact pa na nakahawak sa puso.

"I think we should go home. Gumagawa na tayo ng eksena dito oh. Hahaha~ sa bahay niyo na lang ituloy yang paglalambingan niyo!" sigaw ni Vid na tumatawa-tawa pa. Well, tama naman siya. Gumagawa na kami ng eksena dito. lol. PERO YUNG PAGLALAMBINGAN? HELL, NO!

Grabe, sobra na to'! Talaga bang ipinagkatiwala ako ni Mom sa mga hinayupak na to'? Huhu, di ko matake!

Habang nasa biyahe ay tuloy parin ang sigawan namin ni Ren. Aba, kung makapanglait, akala mo perpekto. Oh well, he's too close to being perfect, pero hindi pa din. Tsk. Shut up Sien!

"Ang sweet niyo talaga dalawa." inirapan ko si Dale dahil sa sinabi niya. Tssssss!

Hanggang sa makauwi kami ay nag-aaway lang kami. Nalaman din namin na nakaayos na pala lahat ng gamit nitong Ren na to' sa bahay. Tsk. THE THOUGHT OF BEING WITH HIM UNDER THE SAME ROOF REALLY SUCKS. LIKE DUH? Makakatagal kaya ako?

•••
Maaga akong pumasok kinabukasan. Sukang suka na ako sa pagmumukha ng mga tao don. Tsk. Para silang mga baliw kagabi na nagkakantahan at nagsasayawan. Welcome party daw para kay Ren. Tsk. At dahil di naman ako nakijoin sa party, sila ang pinaglinis ko sa mga kinalat nila. Hay nako.

As usual, nakatingin sa amin ang mga tao. Dumiretso na agad akong room ko para iwas awkwardness. Duh!

"Siennn...." napalingon ako sa nagsalita. Nakita ko si Zoe, parang puyat siya na ewan. Laki ng eyebags eh. lol.

"Oh anyare sayo?" naalala ko na naman yung reaksyon niya kahapon. After nung lunch time namin, nakatulala lang siya.

"Grabe, di pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari." grabe ang OA neto'. Nagulat din ako ng una pero di naman ganyan noh!

Magsasalita pa sana ako kaso may naramdaman akong umupo sa kaliwa ko. Nakita kong, natulala si Zoe kaya nilingon ko yung bagong dating.

"WHAT THE F*CK? HANGGANG DITO BA NAMAN?" sigaw niya sa akin ng lumingon ako sa kaniya.

"ABA, BAKIT KA NAGREREKLAMO? KASALANAN KO BANG NAGING MAGKAKLASE TAYO? KUNG MAKASIGAW KA PA DIYAN, AKALA MO BINGI ANG KAUSAP! EXCUSE ME LANG REN, KUNG AYAW MO SA KIN, MAS LALONG AYAW KO RIN SAYO, KAYA MANAHIMIK KA DIYAN!" ayan, sinigawan ko din ang mokong.

"AKO PA ANG MANANAHIMIK? EH MAS MALAKAS PA NGA YANG SIGAW MO SAKIN EH."

"BAKIT MAY SINABI BA AKO? ANG SABI KO LANG MANAHIMIK KA! GANO BA KALIIT YANG UTAK MO AT DI MO AGAD MA-PROCESS YUNG MGA SINASABI KO?"

"PARA LANG ALAM MO, MS. NAGGER, MAS MAY LAMAN PA TONG UTAK KO KESA SAYO NOH!"

"AND WHO GAVE YOU THE AUTHORITY TO CALL ME MS. NAGGER? MAS MAINGAY KA KAYA SAKIN! PARA KANG BABAE, MADALDAL MASYADO!"

"NAGGER KA NAMAN TALA----"

"EHEM EHEM." naptigil siya at sabay kaming napatingin kay Mrs. Durpse. O-M-G. "THE TWO OF YOU, GO TO DETENTION ROOM, NOW!"

AGHHHHH! NAKAKAINIS NA TALAGA TO'! Madedetention pa ako dahil sa Ren na yun!


Life With Froist RimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon