Pagdating namin sa park na pinuntahan namin kahapon, nagrent kaagad sila ng limang bike. Ang gaganda ng sa kanila, pero yung sa akin? Tss, nevermind. Pang-beginner daw kasi.
Habang nag-eenjoy yung tatlo doon, si Leo ay hirap na hirap sa pagtuturo sa akin. Kahit di niya sabihin, alam kong naiinis na siya. Eh anong magagawa ko?
'Kring Kring'
Sinagot ni Leo yung phone niya at nag-excuse sa akin. Sandali lang daw siya. Nagpahinga na muna ako kasi nga, puro sugat na din ako. Ang dami kong sugat. Hindi naman ako masyadong gumalaw ng gumalaw ah? Minsan lang din ako matumba. Err.
"Hindi kasi nag-iingat eh." napatingin ako sa nagsalita, si Ren. May hawak siyang bandage at alcohol. Hinigit niya yung mga kamay ko pati na rin yung mga binti ko. Nagulat ako kasi..... ginamot niya ang mga sugat ko. Tinitigan ko siya, seryoso lang ang mukha niya.
"Alam kong gwapo ako, pero wag mo naman akong titigan, baka matunaw ako." Napalo ko siya ng biglaan dahil sa sinabi niya.
"ARAY NAMAN! GINAMOT KO NA NGA YANG MGA SUGAT MO TAPOS SINAKTAN MO PA KO." Eh? Ang rude ko nga talaga.
"A-aghhh, s-sorry. ANG YABANG MO KASI EH. DI KA KAYA GWAPO HMMP!"
"AT NANGLAIT KA PA TALAGA HA? TUMINGIN KA NA BA SA SALAMIN? PARA NAMAN MAREALIZE MO NA PANGET KA."
"KUNG PANGET AKO, ANO KA NA LANG? ALIEN? HAHAHAHA."
"GWAPONG ALIEN."
"YUCKKKKK!"
"GUYSSSS! Kain muna tayo. Sien, Ren, tama na yan. Masyado kayong PDA ehh. Hahaha." mababatukan ko tong si Vid eh. PDA? LIKE WTF?
"PUBLIC DISPLAY OF ANGER. HAHAHA." narinig kong sabi ni Ren. Aishhh!
Lumapit kami sa kanila at nakishare na din ng pagkain. Grabe, ang tatakaw nila. Wala ng space na iba kaya wala kaming choice kundi magtabi ni Ren. Tsk.
"Guys, I'm really sorry but I need to go. Si Frauline kasi eh, naglaslas daw sabi ng parents niya." sabi ni Leo na kakabalik pa lang galing sa pakikipag-usap niya sa phone. Wait, sino si Frauline?
"WHAT?" sabay sabay nilang sabi.
"Nako dude, sabi ko naman sayo eh, dapat di mo na talaga pinormahan yan noon eh." sabi ni Dale.
"Oo nga eh. Sige, alis na ako. Sien, sorry ha? Di kita matuturuan ngayon." umalis na din siya kaagad.
"Sino si Frauline?" tanong ko sa kanila.
"Ex siya ni Leo." sagot ni Vid.
"Siya ba yung kasama ni Leo kahapon sa park? Yung kahalikan niya?" nanlaki yung mga mata nila.
"MAGKASAMA SILA KAHAPON?"
"A-aahh, kasi may kausap si Leo kahapon. Parang nagtatalo pa nga sila eh, tapos bigla siyabg hinalikan nung babae."
"Well, di niya kasi matanggap na iniwan siya ni Leo." sabi ni Dale.
Iniba na lang namin yung topic at nag-usap usap pa. Grabe, ang kulit ng kambal na to'. Si Ren naman, may sariling mundo. Nakikinig ng music.
Nagpasya na din kaming umuwi. Pagod na pagod kami kaya natulog na lang kami agad pagkauwi. Bago ako matulog, naalala ko yung time na ginamot ni Ren yung mga sugat ko. Medyo mabait din naman pala siya. Di lang halata. Hahaha. Teka, bakit ko ba siya iniisip? Tsk.
•••
"Zoe, partner tayo!" siniko ko yung nasa kanan ko, kailangan daw kasi ng partner para sa sasagutang exercises."H-ha? May kapartner na kasi ako eh. Sorry girl." sabi niya habang nakatingin sa likod ko.
"Ms. Sarci? Partner na lang kayo ni Mr. Millea, mukhang kayo na lang dalawa ang walang partner ah." Jusme, ayoko nga!
Tiningan ko siya at nakangisi siya sa akin.
"Wag ka ng maarte, swerte mo nga nakapartner mo pa ako."
"Tsk. Para namang may choice pa ako! At saka, di yun swerte, MALAS."
Binigay ni ma'am yung mga sasagutan namin by pair. Kinuha niya lahat yon at sinagutan lahat.
"OY! BY PAIR DAW YAN AH."
"PARA NAMANG MAY MASASAGOT KA DIN." ngumisi lang siya.
"MINAMALIIT MO BA AKO?"
"OO. Oh, ikaw na magpasa niyan." binigay niya sa akin at umalis na agad. May klase pa ah? Parang wala namang pake yung teacher namin.
Tinignan ko yung papel namin. ANG DAMI NETO AH. BAKIT PARANG ANG BILIS NIYA NATAPOS? PANO AKO MAKAKASIGURADO NA TAMA TO' LAHAT.
"Ok class, pass niyo na iyang papers niyo. You may take your lunch now." pinasa ko yung paper namin at pumuntang cafeteria, kasama si Zoe.
"Ang daya mo talaga! Dapat ako yung partner mo eh! Kay Ren pa tuloy ako napartner." sabi ko kay Zoe at nabilaukan siya bigla sa sinabi ko. Uminom siya ng tubig at ngumiti sa akin.
"Someone's threatening me with a deadly glare eh. Hahaha~!"
"Anong threatening? Deadly Glare?" tumawa lang siya at bumalik sa pagkain.
SOMEONE? SINO YUN?
BINABASA MO ANG
Life With Froist Rim
Teen FictionDream come true na kung ituring ng mga babae ang madikit man lang sa kahit isa sa kanila. Well, ano ba naman ang aasahan mo sa kanila? Sikat sila, pinapangarap ng lahat, and I'm just a nobody. BUT... Ano na lang kaya ang mangyayari kapag nagsama sam...