"Zoe, sama ka sa akin mamaya, nood tayo ng basketball game." sabi ko sa kaniya.y
"Ayoko. May gagawin kasi ako mamaya." Eh? Ohhh, how fool am I. Nandoon nga pala si Vid, malamang di yan sasama.
Nagdismissal na at pumunta ako doon sa court ng mag-isa. Madaming tao at karamihan, fans ng Froist Rim. Puro banner ang paligid.
"GO REN, VID, DALE AND LEO!"
"WOOOH! I LOVE YOU SO MUCH DALE!"
"GO FROIST RIM!"
"OMG! GALINGAN NIYO!"
Tch. Puro tilian ang paligid. Tumingin ako sa kanila at nakatingin din sila sa akin, habang nakangiti.
Nag-umpisa kaagad yung game and pinasok agad silang apat, but may isa silang kasama since 5 players dapat.
Maganda naman yung naging laro nila, kaso si Vid, tuliro pa din. Pinalitan agad siya dahil wala siya sa sarili. So far, ok naman ang score. Magaling din ang kalaban, pero mas magaling ang team namin. Hahaha.
Natapos ang first quarter ng may score na 38-44, pabor siyempre sa amin.
Nagpatuloy ang laro pero unti unting lumamang ang kalaban. Palaki ng palaki ang lamang nila. Hala, baka malas nga talaga ako? Lol. Leche ka Ren! Pinag-iisip mo ako ng masama.
Speaking of Ren, mukhang pagod na pagod na din siya. Simula first quarter kasi nandiyan na siya.
4th quarter na and lamang parin ang kalaban. 75-88 ang score. Kaya pa ba yang mahabol? Tsk, 4 minutes pa naman eh, kaya pa yan!
Yung kaninang maingay na fans ng Froist Rim ay tahimik na ngayon. Lahat kinakabahan, pati siyempre ako.
"HEY! SABI NIYO IPAPANALO NIYO? ANONG GINAGAWA NIYO DIYAN? AT IKAW REN, MAGALING PALA HUH? YABANG YABANG DI NAMAN PALA MAGALING. TSK!" sigaw ko sa kanila at parang natauhan ang mga mokong! Tiningnan ako ng masama ni Ren, special mention siya kanina eh. Bwahahaha!
2:47 na lang ang natitira and lamang pa ang kalaban, pero humahabol na sila. Nag-ingay na ulit ang mga fans na maingay kanina.
Maya maya lang ay lumamang na din ulit kami. Naubos ang oras and wooooh! Panalo kami! 99-94 ang score. Yehey!
Nagsialisan na yung mga tao at lumapit naman ako sa kanila. Nag-enjoy ako siyempre! Hahaha~
"Nice game guys!" sabi ko at ngumiti naman sila.
"Dahil sayo kaya kami nanalo! Hahaha!" sabi ni Leo. Eh? Dahil sa akin?
"Oo nga Sien, dahil sayo namotivate kami, lalo na si Ren." at tumawa tawa pa ang mokong na si Dale.
"Tsk. Special mention pa talaga ako ha? Grabe."
"Ganon talaga, ang yabang mo kasi!"
"Hindi ako mayabang, sinasabi ko lang ang totoo."
"Totoo? Tsk. Halos hindi ka nga maka-score kanina eh." siyempre biro lang yun. Halos lahat nga ng scores galing sa kaniya eh.
Mukhang nainis siya at di na sumagot. Uminom siya ng tubig at kumain na din. Napagod talaga siya. He really did a great job right?
"You're our lucky charm. Hahaha." narinig kong sabi ni Dale.
"Yeah, indeed she is." dugtong ni Leo.
BINABASA MO ANG
Life With Froist Rim
Teen FictionDream come true na kung ituring ng mga babae ang madikit man lang sa kahit isa sa kanila. Well, ano ba naman ang aasahan mo sa kanila? Sikat sila, pinapangarap ng lahat, and I'm just a nobody. BUT... Ano na lang kaya ang mangyayari kapag nagsama sam...
