2

1 1 0
                                    


Hindi ko na namalayan ang oras at maya maya lang ay may kumatok. Si Manang pala iyon. Ang sabi niya Manang Flora na lang daw ang itawag ko sa kaniya.

Dinala niya ako sa magiging school ko daw. Maganda naman siya, at malaki din. Groifth Academy daw ang pangalan ng school. Iniwan niya ako sa principal's office dahil sila na daw ang mag-aasikaso sa akin.

"So, Ms. Sarci, welcome to our school. Balita ko ay inilipat ka daw dito para magtino? Well, siyempre, talagang magtitino ka dito. Haha!" sabi nung principal. Mukha naman siyang mabait. "Ahhh, Ms. Arquillao, pwede bang samahan mo siya sa magiging room niya?"

Nagnod lang yung tinawag niyang Ms. Arquillao at dinala niya ako sa isang room.

"Dito na ang magiging room mo, Ms. Sarci. Sana mag-enjoy ka sa school na to'" Ngumiti siya at umalis na.

Pumasok ako sa room at dama ko ang mga tingin nila sa akin. Umupo ako doon sa dulo dahil doon lang may bakante.

"Hello!" bati sa akin nung nasa kanan ko.

"Hello!" ngitian ko siya. Babae siya na may mahabang buhok. Medyo maputi siya, at may pagka singkit.

"Ako nga pala si Zoe, Zoe Quizon! Welcome sa school!" nginitian ko lang siya at nakinig na lang sa lesson.

Naglunch time na din at nagulat ako ng may humawak sa braso ko. Nung tingan ko, si Zoe lang pala.

"Sabay na tayong maglunch." dinala niya ako sa cafeteria at sumunod lang ako sa kaniya. Hindi ko pa kasi kabisado tong school eh.

"So, bakit nga pala nagtransfer dito?" tanong ni Zoe habang kumakain.

"Ewan ko nga dun sa mom ko eh. Nakakainis!"

"Haha! Wag kang mainis, masaya naman dito eh. At saka, masasanay ka din dito." sabi niya ng nakangiti. Ang cute niya naman.

Nagkuwentuhan kami ng tungkol sa kung ano-ano pa at tawa kami ng tawa. Haha~ buti may naging kaibigan agad ako. Nice naman pala ang mga tao dito. Nalaman kong kaka-transfer niya lang din dito 2 months ago. Uhmm, mukhang magkakasundo talaga kami dahil pareho din kami sa maraming bagay.

"AHHHHH!"
"OMGEE NANDIYAN SILA!"
"MY GADD, LEO I LOVE YOU SO MUCH!"
"ANG GWAPO TALAGA NILA!"
"VIDDD!"
"DALEEE!"

Biglang sumakit yung tenga ko dahil sa mga tilian na iyon. Like wtf? Ano bang meron?

"OMG, nandito sila!" pati ba naman tong kasama ko? Napatingin ako kay Zoe at nakita kong naghugis puso yung mga mata niya. Eh?

Napatingin sa direksyon ng mga mata niya at may nakita akong tatlong lalaking dumadaan. Nasa kanila lang ang atensyon ng lahat.

Well, hindi na ako magsisinungaling at sasabihin kong gwapo talaga sila. Yung nasa unahan ay may brownish straight hair at may singkit na mata, chinito siya to be specific. Yung dalawa naman sa likod niya ay medyo magkamukha, parehong may black na straight hair at parehong maganda ang mga mata. Ang puti din nila at matatangkad silang lahat.

"Zoe, sino sila?" tatanungin ko sana siya kaso wala na pala siya sa tabi ko. Nandoon siya kasama nung mga babaeng nagtitili at pumapaligid dun sa tatlo.

Napa-sigh nalang ako at tumayo na. Nagring na din kasi yung bell at ibig sabihin ay tapos na ang lunch time.

Pumasok ako sa room ko kanina at umupo doon sa upuan ko. Maya maya lang ay dumating na din yung iba, including Zoe.

"Uy, bakit mo ko iniwan ha?"

"Busy ka kasi dun sa mga lalaking dumaan kanina."

"Ay oo nga pala, bago ka lang. Sila ang Froist Rim. Sikat sila dito sa school dahil na rin sa gwapo nila at syempre, sa yaman.Yung may brownish na hair ay si Leo Lazaro. Yung dalawa sa likod ay sila Vid at Dale Rifaoco, twins sila.Ahh, may isa pa pala silang member, si Ren Millea. Believe me girl, pag nakita mo siya, baka mahimatay ka sa kagwapuhan."

Owww. Sikat sila? Halata naman eh. Tsk. At sino si Ren? Nakaka-curious ah. Nagnod lang ako kay Zoe at nakinig na lang sa kay ma'am.

Nagdismissal na din agad at sumabay na sa akin si Zoe pauwi. Pareho naman kami ng way. Buti na lang naaalala ko pa kung anong dinaanan ni Manang Flora papuntang school kanina.

Pagkauwi ko sa bahay ay dumiretso na ako sa kwarto ko. Di ko pa tapos ayusin yung iba kong gamit kaya yun na lang ang ginawa ko.

Habang nag-aayos ay may narinig akong busina ng sasakyan sa labas. Sisilipin ko sana kaso biglang may kumatok.

"Ms. Sarci, nandyan na yung mga makakasama niyo. Bumaba na po kayo at ipapakilala ko sila sa inyo."

Sumunod na lang ako at nag-ayos muna bago bumaba. Hayss. Eto na~ sino sino kaya sila? Emegerd! Naalala ko yung tanong ni Sarah sakin. Ano nga kayang itsura nila? God Sien! Tama na yan!

"Nandito na siya." narinig kong sabi ni Manang Flora doon sa mga kasama niya.

Literal naman akong napanganga nung nakita ko kung sino sino sila. Owemji lang.

"Ms. Sarci, sila po yung makakasama niyo dito." bumaling siya doon sa tatlo, "Ayusin niyo lang ha? Aalis na ako. Wag nyong pababayaan si Ms. Sarci."

"A-aalis po kayo?" Hala, hindi pwede! Kailangan ko ng ibang kasama dito! Baka... baka di ako makapagpigil at baka mahalay ko sila ng wala sa oras.. lol. joke lang po.

"Oo. Oh siya siya." yun lang at umalis na siya.

AKO? SPEECHLESS. PANO BA NAMAN KASI, MAKAKASAMA KO ANG FROIST RIM SA IISANG BUBONG?


Life With Froist RimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon