7

2 0 0
                                    


Pumunta kaming detention room ni Ren at di parin ako makapaniwala sa nangyayari. Alam kong tamad ako at medyo pasaway, pero never pa akong napapunta sa detention room! Ngayon lang. huhuhu. Kasalanan ni Ren! Aghhhh!

Pagdating namin sa detention room ay nandoon si Mrs. Arquillao. Nakatingin lang siya sa amin at medyo tired pa.

"So, Ms. Sarci? I'm not expecting you to be here. Third day mo pa lang dito sa school ah. But well..." napatingin siya kay Ren. "Mr. Millea, nandito ka na naman. Hays. Sige, sige, maupo lang kayo diyan. Mamayang lunch time ay maaari na kayong umalis." umalis din siya kaagad.

Teka, wala ba kaming gagawin? Wala bang consequence or ano?

"Oy, Ren! Bakit walang pinagawa satin?"

"Naawa siguro sa pagmumukha mo."

"ANO?? PANG-BEAUTY QUEEN KAYA ANG GANDA KO! AT SAKA, MAS KAAWA-AWA KA NAMANG TINGNAN NO!" nako, mukhang napapadalas ang pagsigaw ko ah! Leche tong Ren na to'!

"TEKA, TEKA, MAY GANDA KA BA?"

"MERON NOH!"

"DI KASI HALATA. HAHAHAHA!" tawa pa ng tawa ang mokong!

"HMPP! EWAN KO SAYO."

"Actually, maganda ka naman talaga eh." sumeryoso yung mukha niya. "NUNG HINDI PA USO ANG TAO! HAHAHAHA." at tumawa ulit ng tumawa. Leche talaga to'ng lalaking to'. Akala ko pa naman narealize niya ng maganda ako. Bulag yata tong isang to' eh.

Tumayo siya at akmang lalabas na. Lalabas siya? "Oyoyoy! Bawal pang lumabas ahh! Mamayang uwian pa daw."

"Wala naman silang magagawa eh. Kaya nga pinaupo lang tayo dito, kasi wala din namang nangyayari kahit parusahan tayo. Nasanay na sila." umalis na siya ng tuluyan. Seryoso siya ah? Nakakapanibago. lol.

Lumabas na lang din ako at dumiretso sa garden. Bawal akong pumunta sa room eh. Umupo lang ako sa ilalim ng puno at nagmuni-muni. Hohoho. Tumingin ako sa buong garden ng may mapansin ako sa gilid ng elementary building. May dalawang matang nakatingin sa akin. Eh? Parang nanlilisik pa yung mga mata niya. N-nakakatakot... Para siyang galit na galit sa akin.

Ng mapansin niyang nakatingin ako ay umalis siya agad. Nanlalambot ang tuhod ko. Ano kaya yon? Hindi ako basta basta natatakot sa kahit kanino, matapang akong tao, pero... yung kanina.. Haysss. Ewan.

Hindi ko na lang inisip yun at mabilis naman lumipas yung oras.

"Sien! Mamamasyal ulit kami. Sama ka na! Magbibiking tayo! Hahahaha~!" sabi ni Leo habang ngingiti-ngiti.

"Oo nga Sien, masaya yun." ginatungan pa nito ni Vid.

Tsk. Biking? Nagbibiro ba sila?

"A-ahh, ayoko."

"Ha? Bakit?" tanong ni Dale.Bakit nga ba Sien? Haysss.

"Baka di siya marunong magbike. Hahahahaha." tiningnan ko ng masama si Ren. Bakit alam niya? Huhuhu, ang galing niya manghula!

"Grabe ka naman kay Sien. Sigurado namang marunong siyang magbike noh! Di na siya bata. Diba Sien?" nakangiting sabi ni Dale.

"A-ahhh, kasi... di talaga ako marunong magbike eh. Hehehe. Baka makagulo pa ako sa inyo, di na lang ako sasama." nanlaki ang mga mata nila sa sinabi ko. Ano bang masama kung di ako marunong? Eh sa ganon talaga eh!

"HAHAHAHAHA. SABI KO NA EH." tawa pa ng tawa ang mokong.

"WALA AKONG PAKE. EH SA HINDI AKO MARUNONG EH."

"HAHAHAHA. YUNG KAPATID KO NGANG 8 YRS OLD PA LANG, ANG GALING NA MAGBIKE EH. NATALO KA PA. HAHAHA. BABAE PA YUN HA? HAHAHAHA." di ko na siya pinansin at tinaasan na lang ng kilay. May kapatid siyang babae? Tss, naaawa ako sa kapatid niya. HAHAHA.

Pero bakit nga ba hindi ako marunong? Ugh, wala kasing nagtuturo. Wala naman akong kuya na pwedeng magturo.. o kaya, Daddy....

"Wag ka ng mag-alala Sien. Magpaturo ka na lang kay Ren, yan ang nagturo sa amin dati."

"TINGIN NIYO BA PAPAYAG AKO? PAGKATAPOS AKONG AWAYIN NG ISANG YAN?"

"AKO PA TALAGA ANG NANG-AWAY HA? AT SINO BA MAY SABING GUSTO KONG MAGPATURO SA YO?"

"WHATEVER, SIYAM."

"IT'S SIEN, SRUPID."

"STUPID? AKO----"

"HEPHEP GUYS. Tama na yan. Hahaha~ masyado kayong hot. Btw, ako na lang ang magtuturo sayo Sien. Baka magkagulo pa pag pinagsama kayong dalawa eh." tatawa-tawang sabi ni Leo. Tsk. Talagang magkakagulo noh!


Life With Froist RimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon