3

3 0 0
                                    

"Ingat, baka pasukan ng langaw." narinig kong sabi nung lalaki na sa pagkakatanda ko ay Leo ang pangalan. Napa-gasp naman ako kasi narealize kong nakanganga parin ako at ako pala ang sinasabihan niya.

"S-so----"

"Ako nga pala si Dale. This is my twin, Vid." turo niya dun sa katabi niya. "That's Leo." Dale cuts me off. Totoo ba talaga to'? Sila ba talaga?

"A-ahh, I'm Jerrica Sien, but you can call me Sien."

"Nice to meet you Sien!" sabi nung Vid at inilahad niya pa ang kamay niya. Tinitigan ko yung kamay niya at kinuha ko din agad at nagshake hands kami.

"Nice to meet you all din." yan lang ang nasabi ko. Sobra na akong naeestatwa sa kinatatayuan ko. Di ako makagalaw na ewan.

"So, sabi ng mom mo, bantayan ka daw namin at we hope na sana ay hindi mo kami pahihirapan." sabi nung Leo with matching deadly glare pa. Nakakatakot.

"Ano ka ba dude, wag mo nga siyang tinatakot. Hahaha! Sien, wag kang makikinig diyan, sira-ulo lang talaga yan." sabi ni Dale nang mapansin niya siguro yung reaksyon ko sa sinabi ni Leo.

"A-ahhh. O-ok lang. Sige, babalik na ako sa room ko, mag-aayos ng gamit." nginitian ko sila at nagnod lang sila kaya bumalik na ako sa room ko.

Grabe, di talaga pumasok sa isip ko na sila yung makakasama ko. Froist Rim, ang grupo ng mga pinakasikat na tao sa Groifth Academy? Sinong mag-aakala na nakatira sa isang bahay kasama ang isang kaawa-awang babae na tulad ko? lol. Pero teka, sabi ni mom, apat daw diba? Baka yung Ren na nabanggit ni Zoe yung isa. Pweheww, bahala na lang.

Pinagpatuloy ko na lang ang pag-aayos ng gamit at nang matapos ako ay naisipan kong bumaba sa sala. Dinner time na kasi at nagugutom na din ako.

Pagkababa ko ay nakita ko yung tatlo, yep, yung Froist Rim. Natutulog sila at nakakatawa talaga yung mga posisyon nila ng pagtulog. Nakakaloka, kung makikita lang to' ng mga fans nila sa school, ano na lang kayang mangyayari. Hahaha~

Pumunta akong kitchen at tumingin tingin ng mga pwedeng maluto. Buti na lang at marunong akong magluto. Pano kaya nabubuhay yung mga yun?

Inihanda ko yung mga ingrediends para sa lulutuin ko at nag-umpisa na ako. Nang matapos ako ay inihanda ko na yun sa dining area. Habang naghahanda ako ay may nakita akong apat na lalaki na nakatayo sa gilid ng dining table.

"Hmmm, ang bago."
"Oo nga, ano kaya yon?"
"Nananaginip ba tayo guys?"
"Ungas, kung nananaginip tayo, bakit magkakasama tayo at pare-pareho pa?"
"Baka naman may exception na nangyari. Narinig nung mga santo yung tunog ng tiyan natin at hinainan tayo ng pagkain sa panaginip."
"Posible ba yun?"
"Malay mo. Nangyayari na nga eh."

Sabi nila habang nakapikit pa. Ang sarap picturan, tapos ipapakalat sa internet. Lol.

"Umayos nga kayo, hindi ko kayo pakainin diyan eh." bigla naman silang nagsipagdilat at nanlaki pa ang mga mata nila.

"Ikaw ba ang nagluto niyan Sien?" tanong ni Vid.

"Ay hindi, hindi, pinadeliver ko yan. Nakikita niyo na ngang hinahanda ko, nagtatanong pa kayo. Tsk." tapos tumawa ako ng may pagkasarcastic.

"Ang panget naman ng lasa. Saan mo ba pinadeliver to'?" tanong ni Vid nung tinikman niya yung luto ko. Naniwala ba siyang pinadeliver ko yun? At ano daw? Panget ang lasa.

"Kung ayaw mo, edi wag. Ako na lang ang kakain!" tsk. Arte arte masyado.

"Ano ka ba Sien, nagbibiro lang yan. Alam naman naming masarap yan kasi luto mo eh." sabi ni Leo na kumindat pa.

"Gusto mo bang dukutin ko yang mata mo? Tigil tigilan mo ko sa pagkindat mo." tumawa lang siya at umupo na din at kumain na.

"Ako ang nagluto at naghanda ng pagkain. Kayo na ang maghugas." sabi ko sabay tayo. Ang swerte nila masyado kung ako pa ang maghuhugas noh! Hindi ako maid.

"Teka teka Sien! Kasi---"

"No buts. Maghugas kayo." i cut Leo off.

"Wala akong sinabing but!"

"Pareho lang yun! Bahala kayo diyan." aalis na sana ako kaso di ko na napigilang matawa sa sunod na sinabi ni Leo.

"Hindi kami marunong maghugas." nakayuko lang yung kambal at si Leo naman problemadong problemado.

"Ang tatanda niyo na, di pa kayo marunong?" halos di na ako makahinga sa kakatawa.

"Wag mo na nga kaming pagtawanan! Puro disposable utensils kasi ang ginagamit namin at tinatapon lang namin yun, di kami naghuhugas." depensa ni Dale.

"Sige na, sige na. Nakakahiya naman sa inyo. Pero ngayon lang to'! Bukas, dapat marunong na kayo!" lumiwanag naman yung mga mukha nila pero medyo lang.

Naghugas na ako at nang matapos ako ay dumiretso ako sa kwarto ko. Hmmm. Sobrang dami ng nangyari ngayong araw. Nakakapagod.

Di ko na namalayan na bigla na lang pumikit ang mga mata ko.


Life With Froist RimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon