Hypnotism or Black magic?

307 4 0
                                    

May mga kakilala ako na nagkwento sakin about dito. Sabi nila may mga taong may ability na maghypnotize. Sa mga napapanuod natin sa tv, ginagamit din itong treatment para sa addictions like smoking etc. Pero may mga iba na ginagamit sa masama.

Minsan nakwento sakin ni ate Jenny noong nagwowork pa sya sa Tarlac. Meron daw siyang katrabahong babae na nabiktima ng masamang loob. Ginamitan umano ito ng hypnotismo. Ganito raw ang nangyari.

Pauwi na raw nun yung friend nya from work. Noong araw na yun ang sahod din nila kaya dumaan muna sya sa bangko para magwithdraw ng pera. Saglit lang daw siya walang sampung minuto. Pagkatapos nya ay dumeretso na sya papuntang terminal. Maraming tao dahil nga tapos na ang office hours at school hours. Noong malapit na raw siya ay may nasalubong daw siyang lalaki. Ayon sa kanya moreno raw ito at bilugan ang mata. Nakatitig daw ito sa kanya. Napatitig din daw siya sa di malamang dahilan. Pagkalapit daw nung lalaki ay kusa daw niyang binuksan yung bag niya, kinuha at inbot yung wallet, cellphone, isang pares ng hikaw pati yung suot niyang relo. Umalis daw agad yung lalaki at nawala agad sa paningin nya. Naiwan siyang nakatayo doon at tulala. Ilang sandali din daw ay parang bumalik siya sa katinuan at doon palang nya napagtanto ang mga nangyari. Walang natira kahit piso. Ang pinagtataka nya ay naalala nyang kusang loob niyang binigay ang lahat ng laman ng bag nya maliban sa make up at iilang resibo doon. Iyak daw siya ng iyak nun at pinagtitinginan daw siya ng mga dumadaan.

Hindi na kinuwento sakin ni ate Jenny kung pano nakauwi yung friend nya.

***

Kwento naman sakin ng isang kaibigan ko na hindi ko na papangalanan. Nagttrabaho daw siya noon bilang brand ambassador ng isang sikat na kape. Sa palengke daw ng ***** sa Ilocos Sur nakapwesto ang tent nila para sa free sample. Madami tao ang pumila. Mga bandang alas dos na ng hapon konti na lang ang pumipila. Meron daw isang buntis na pumila. Medyo may katandaan na ito at parang aligaga. Syempre sinabi nya dun sa ale na bawal sa buntis yung produkto nila. Pero mapilit daw yung ale at parang naiinis na. Dahil nga sa mahigpit nilang sinusunod ang patakaran, walang nagawa yung ale. Sabi nung friend ko, hindi daw umalis yung babae. Daldal daw ng daldal eh hindi naman nya maintindihan. Hindi nalang daw niya ito pinansin dahilan upang lalong maghimutok yung ale. Maya maya daw ay parang may binulong daw ito habang nakatingin sa kanya sabay alis. Habang naglalakad daw palayo ay daldal pa rin daw ng daldal yung ale. Hinayaan nalang daw nya.

Paguwi daw nila ng pangasinan ay hating gabi na. Di na raw nya nagawang maghapunan dahil inaapoy na siya ng lagnat at masakit na yung puson nya. Paggising nya ng umaga ay ganon nalang ang gulat ng nanay nya ng makitang puno ng pantal ang buong mukha nya. Pati anit, batok hanggng leeg pati butas ng tenga. Kinunsulta nya agad sa health center at niresetahan siya ng gamot. Isang linggo daw ay di pa din sya gumagaling. Di na raw siya nakakapasok nun. Pagkalipas ng isang buwan ay saka palang nawala yung mga pantal nya.

End

Naniniwala ba kayo? Vote and comment :)

True PINOY Ghost StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon