Knock knock II

305 7 1
                                    

This is not the continuation of the first knock knock story. This story was told by my other cousin about their peculiar experience during our childhood. Enjoy reading!

***

Naalala ko noong bata pa ako siguro nasa grade three ako nun. Nakatira pa kami kila lola. Wala pa kasi kaming sariling bahay noon. Bale dun sa bahay ni lola, tatlo kaming pamilya nakatira. Hindi ko alam kung panu kami nagkasya nun kasi maliit lang yung bahay. May ginawang extension kwarto kadikit nung bahay kaya nasa labas ang pinto. Dun nakatira yung isang kuya ni mama, habang kami at yung isa pa nyang kuya dun sa bahay mismo. Sa tabi nung bahay ay bahay ng ate ni mama. Yari din sa konkreto at medyo mas malaki. Sa pagitan ay may masikip na daan papuntang likod. Puro kawayan at puno ng kaimito doon kaya masarap tumambay pagkatapos ng tanghalian. Doon din kami naglalaro palagi.

Yung mga anak ng dalawang uncle ko ay baby pa nun kaya ang madalas na kalaro namin eh yung mga pinsan ko sa kabilang bahay. Tatlo silang magkakapatid, yung panganay babae.

Kaso istrikto yung tatay nila. Ayaw na ayaw na nakikita silang marumi. Kapag paliliguan sila ay iniiskuba talaga ultimong kasuluk sulukan ng talampakan at daliri sa paa. Ayaw din nyang nakikibahay o kaya naman ay naglalaro sa sampalukan ang mga anak nya. Konting kibot, palo agad ang abot ng magkakapatid. Naawa kami minsan kasi halos maghapon kaming naglalaro at tawa kami ng tawa kaya di namin namamalayan ang oras. Pagpatak ng alas kwatro ay pihadong hinahanap na sila. Pagkauwi namin ay nandyan na sya sa may balkonahe nila at naghihintay na pala habang may hawak syang kung anong nakatago sa likuran nya. Kami naman uwi na din. Maya maya pay dinig namin ang hiyawan nilang tatlo. Parang lang silang nagduduet. Sanay na kami kasi lagi naman ganun ang eksena.

~

Nang itong malalaki na kami. Minsan ay napagkukwentuhan namin yung tungkol sa kabataan namin. Minsan naman tungkol sa mga multo multo. Eto na nga. Ito yung isa sa mga kwento nilang kinilabutan talaga ako..

Minsan raw eh nagaway sila nung kapatid nya dahil sa ulam. So ayun na nga. Nagalit yung tatay nila. Grabe pa naman magalit yun pag namalo eh kahit saan ka tamaan kaya kelangan maiwas ka joke. Pinalabas silang magkapatid at sinaraduhan ng pinto. Gabi na nun mga alas nueve at patay mga ilaw pati dun kila lola kaya dun nalang sila natulog sa may maliit na bahay bahayan namin. Supposed to be bahay ng aso yun kaso wala pa naman silang aso that time kaya ginawa nalang naming bahay bahayan.

Sabi nila, nagising daw sila dahil sa may narinig silang naglalakad. Sumilip sila sa may siwang at laking gulat nalang nila nung may nakita silang taong nakasuot ng kulay itim. Hindi raw nila alam kung babae o lalaki kasi nga madilim diba? Kumatok raw yun sa pintuan ng bahay nila. Tapos dahan dahang naglakad papuntang pinto nila lola yung tao. Kumatok ulit dalawang beses. Tapos pumunta naman sa kabilang pinto, kila uncle ko. Kumatok sya ulit. Mga ilang minuto din raw itong nakatayo na parang hinihintay na may magbukas ng pinto. Maya mayay umalis din.

Nanginginig silang dalawa sa takot. Umiiyak daw sila nun pero syempre luha lang baka raw maagaw nila yung atensyon ng kung sino o ano yun. Ilang saglit lang daw ay sumindi yung ilaw kila lola pagkatapos ay bumukas yung pinto. Iniluwa nun yung uncle ko na kasama namin sa bahay.

Dun na daw sila naglakas loob na lumabas at patakbong umiiyak kay uncle ko. Sinabi nila yung nakita nila at naniwala naman daw si uncle ko kaya pinapasok sila. Doon na raw sila natulog.

End

Naalala ko nga yung about sa kumakatok na yun. Pagkagising kasi namin ay yun agad ang naririnig kong pinaguusapan nila mama. Kaya kinilabutan ako. Tao kaya talaga yun? Tingin nyo po?

True PINOY Ghost StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon