Madalas magpunta si mama noon sa maynila. Kung anu ano kasi ang niraraket nun, tulungan sila ni papa sa paghahanap ng pera. That time tatlo na kaming magkapatid. Pagkatapos kasi manganak ni mama doon sa pangatlo ay balik ulit siya sa trabaho niya. Siyempre kumuha sila mama ng yaya para may mag aalaga saming magkapatid. (Di kami mayaman nuh!) Grade three na ako nun. May nirekomenda yung asawa ng pinsan ko. Pareho silang taga Iloilo. Syempre bisaya. Ayos naman kay mama kasi kakilala naman daw at isa pa, dati na raw siyang kasambahay kayat sanay na sanay na lalo na sa pagaalaga ng nga bubwit este mga bata. Nalimutan ko na yung pangalan niya. Basta ang alam ko lang kasi nun maglaro at pumasok sa school.
Mabait si ate. Sobrang maalaga. Yung feeling na paggising mo may pagkain na agad. Sa umaga hotdog ang ulam with matching milo pa. Pag maliligo na ay maligamgam yung tubig na pampaligo kaya di ko na kelangang mag inarte. Parang si mama lang sabi ko sa isip ko. Ang pinagka iba lang ay di niya kami pinapalo. Di gaya ni mama na tinatali pa kami sa upuan. Pero siya bait talaga eh. Nakangiti lang palagi. Kahit na medyo naubos na yung pangitaas na ngipin niya. Kulot ang buhok niya parang clown. Goodvibes lang.
Nakalimutan kong sabihin. Nakatira pala kami sa bahay ng auntie ko (kapatid ni papa). Palipat lipat kami. Ginagawa palang kasi yung bahay namin nun. Yung bahay ng auntie ko ay yung tinutukoy ko dun sa naunang story ko na ang title ay "the waiving old lady". Yung mga anak ni auntie ay nasa abroad kaya doon muna kami tumira sa kanila. Bale tatlo yung kwarto nun kasi di pa gawa yung second floor nila. Yung unang kwarto sa pinsan kong bakla. Yung susunod yung kwarto namin. Tapos yung sa dulong kwarto katabi ng kusina ay yung kwarto nila auntie at yung asawa niya.
Habang tumatagal ay parang naging weird si ate yaya. Hindi naman nagbago ugali niya. Mabait maalaga pa din siya. Kaya lang kapag dumadating ako galing school wala sila sa bahay. Lagi siyang nasa labas kasama yung kapatid kong baby. Sa gabi naman, meron yung time na nagising ako kasi bumangon siya. Tapos may sinisigawan siya sa may pintuan. Nagmumura siya talaga. Kaso siyempre bata pako nun kaya wala akong pakialam kaya natulog nalang ako ulit. May mga time din na naririnig ko siyang nagsasalitang mag isa.
Hanggang nung isang araw nagpaalam na siya. Uuwi na raw siya ng Iloilo. Biglaan. Iyak kami ng iyak nung kapatid ko kasi ayaw namin siyang umalis.
Nung dumating si mama saka palang namin nalaman ang tunay na dahilan ng pag alis niya.
~
Kwento ni ate.Isang gabi daw, nakatulog siya sa may sala. Nakalimutan ko na kung bakit siya nandoon. Basta naabutan na raw siya ng antok dun. Nakahiga daw siyang patagilid sa may sofa. Nakaharap siya sa may kusina. Mula sa kinahihigaan nya kita kasi yung lababo. Bigla raw siyang naalimpungatan. Angbigat ng pakiramdam niya at hindi raw siya makagalaw. Nagpatay sindi raw yung ilaw sa kusina. Yung mga kurtina raw ay gumagalaw na parang hinahangin. May naaaninag siyang kung ano doon sa may bintana sa tapat ng lababo. Di raw niya malaman kung anu yun. Patay sindi yung ilaw diba? Tinitigan niyang mabuti. Nagitla siya sa nakita. May nakasilip pala don. Nagpatay sindi pa ulit yung ilaw. Tapos biglang namatay. Mga ilang minuto lang sumindi ulit na mas lalong ikinagulat niya. Ginapang ng kilabot ang buong katawan niya. Yung kaninang nakasilip sa bintana ay nasa harap na ng lababo. Lalaki. Saksakan daw ng itim. Tumatawa habang papalapit sa kanya. Di raw siya makahinga nun. Parang hinihigop daw lahat ng hangin sa baga niya. Napapikit nalang siya sa sobrang takot at nagdasal ng our father. Relihiyoso siya eh. Pagdilat niya wala nawala yung lalaki. Nakasindi na ulit yung ilaw sa may kusina at parang walang nangyari. Kinaumagahan ay nagkwento siya sa mga auntie ko. Yung lalaki daw na itim ay yung madalas na makita niyang nakatayo sa pintuan namin.
Wala namang nagawa si mama. Umuwi na si ate sa Iloilo. Lumipat na kami kila lola pagkatapos nun.
End
BINABASA MO ANG
True PINOY Ghost Stories
HorrorMga totoong pangyayaring kahila hilakbot.. Yung iba pong story tagalog :)