The waiving old lady II

281 6 0
                                    

This is a different story but is somehow connected to the first one you have read "The waiving old lady".  Enjoy reading.

~

I dont remember exactly kung anong year pero ang natatandaan ko kakagraduate ko lang ata ng high school nung  mangyari ito.

Gawa na yung second floor ng house ng auntie ko na tinirhan namin dati. Bago kasi umuwi for good nung mga anak niya ay pinatapos na nga yung construction. Bale yung second floor hinati sa dalawa. May mga sariling hagdan, yun nga lang nasa labas. May mga sariling banyo at cr din. Kasi nga ay may mga sariling pamilya na yung mga anak ni auntie (syempre mga pinsan namin sila, lol).

Yun na nga. Mga 2years after matapos yung second floor, umuwi yung pinsan kong babae galing Korea. Sakto kasi maayos na din yung pinagawa niyang pagtitirahan nila ng pamilya nya. Imagine two years na walang nakatira don sa taas.

Bale ang parte niya is yung sa likod. Yung sa harap naman ay sa kuya niya. Ayun yung may terrace (kung saan madalas magpakita yung matandang babae) at medyo mas maluwang ng konti. Marami kaming naririnig na mga kwentong kababalaghan about dun sa taas nila auntie. Napa bless nanan daw ito. Yung iba ang sabi ay may nakatira daw na "lampong" (isang version ng tikbalang) at palipat lipat daw siya sa mga bahay. Takot naman daw ako. Eh magkakapitbahay lang kaya kami dito. Ibig sabihin andito siya sa bahay minsan lelz! Ayun na nga. Sabi naman nung ibang pinsan ko, madalas raw ay may nakikita silang lalaking nakabarong. Bantay daw yun nung bahay. Di ko pa siya nakita at wala akong balak. Basta madami pa. Ikwento ko nalang sa ibang chapters. Sanay naman na yung pamilya ng auntie ko kaya medyo di sila natatakot.

Eto na. Di nagtagal nun ay nagbuntis yung pinsan ko sa pangatlo nya. Doon na sila nakaranas ng mas kahindik hindik. Yung mga dating pagpaparamdam lang daw ay mas naging worse. Minsan daw ay papanhik na sana si pinsan isang hapon. Kalimutan ko na kung san siya galing. Pagpasok niya ng pinto ay kinilabutan raw siya. Doon raw sa may sala ay nadatnan niya yung matandang babae na nananahi. Abay angsipag mo teh! Nakasuot daw ito ng kulay pula. Pinilit niyang huwag mataranta dahil baka makakasama sa baby kapag bigla siyang nagtatakbo. Buong tapang siyang lumabas at bumaba sa hagdan. Nasa ikatlong buwan siya ng pagbubuntis.

Noong magaapat na buwan na yung sinapupunan nya, isang gabi ay nanaginip raw siya. Nakahiga raw siya sa kama. Tapos biglang pumasok tong si tanda. Umupo daw ito sa tabi nya at saka hinawakan yung tiyan niya.

Kinaumagahan ay nangyari ang di inaasahan. Dinugo yung pinsan ko tapos nakunan siya.. Iyak siya ng iyak nun. Isang araw lang ang lumipas ay inilibing na rin yung nakunan na baby. Tapos ay ikinuwento niya yung napanaginipan niya.

Year after nagbuntis ulit si pinsan and thank God maayos naman lahat. Ayun malaki na yung bunso nya ngayon.


End

Note: yung auntie ko ay panganay na kapatid ni papa. Religious at active siya sa simbahan.

True PINOY Ghost StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon