Mga tropa tatlong tulog na lang Pasko na! Hahahaha Anyway here's an update for this week. Kwento ito sa akin ng kapatid ko noong minsang tumira siya sa bahay ng asawa niya.
***
September 2013 kinasal yung kapatid ko. Meron silang isang anak na babae. Noong magiisang taon na yung pamangkin ko, napagdesisyonan nilang magasawa na tumira muna sa bahay ng hipag ko dahil para malinisan din ito. Ang nakatira lang kasi doon ay ang biyanan nyang lalaki na kadalasan ay wala sa bahay dahil sa trabaho nito samantalang ofw sa singapore ang babae. Kung kayat madalang na magkatao sa bahay ng hipag ko. Ang kuya kasi niya ay nakatira sa bahay ng misis nito.
Hindi kalakihan yung bahay. Pagpasok mo ay sala tapos dalawang kwarto. Sa right side naman kainan, kusina tas cr na. May pintuan din sa likuran. Yan bahala na kau magimagine hanana Nagppunta kami doon ni mama kapag bibisitahin namin yung pamangkin ko. Wala naman akong napapansing kakaiba. Normal naman. May mga katabing bahay sila at sa umaga madaming tao sa may labasan. May mga batang naglalaro ng chinese garter. Mga babae at baklang nagchichismisan at nagkukutuhan sa isang gilid. Mayat maya ding maririnig ang tunog ng videoke sa malapit. Parang araw araw party party sila. Masaya talaga ang atmosphere.
Kaya naman sino ang mag aakalang sa loob ng bahay ng hipag ko ay nagiiba ang eksena pagsapit ng hating gabi.
Yung tipong tahimik at tulog na ang lahat.
~
Ayon sa kapatid ko, nung tumira sila sa bahay na iyon ay parang may iba. Hindi lang nila napag uusapan magasawa pero batid nyang napapansin din ito ng misis niya.
Parang mabigat daw.
May mga pagkakataong may nawawala silang gamit pagkatapos ay mahahanap nalang to kung saang sulok. Minsan naman ay magigising nalang sila sa umaga marumi na naman ang sahig. Lalo pa itong lumala nang tumagal.
December 2014
Pasado alas dos daw ng madaling araw habang himbing silang natutulog, napabalikwas ng gising yung kapatid ko. Kahol ng kahol yung aso nila sa labas. Sa pag aakalang baka dumating na ang kanyang biyanan, bumangon siya upang tignan. Sa pagtataka nya ay may sariling susi naman ito. Tumungo sya sa may bintana at sinilip ang gate.
Walang tao.
Bumalik na raw siya sa kwarto subalit hindi pa man niya naipipikit ang mata ay may narinig siyang ingay sa kung saan. May kumakaluskos na parang may tao sa kusina. Saglit siyang natigilan. Nakiramdam. Maya mayay hindi raw sya nakatiis. Bumangon siya upang tignan kung ano ang gumagawa ng ingay. Subalit wala siyang naman nadatnan. Naisip nyang baka daga lang yun. Dinouble check nalang nya yung mga pinto at agad na ding natulog. Ilang minuto lang ay nakarinig sila ng napakalakas na ingay. Wariy mga nagbagsakang mga kagamitan sa kusina. Sa pagkakataong yun ay nagising na din yung hipag ko. Takbo sila sa kusina.
Ganun nalang ang pagkagulantang nila sa nakita. Nagkalat sa sahig ng kanilang kusina ang mga kaldero,mga kaserola plato at kung anu ano pa. Nagkanda basag basag yung iba. Para daw dinaanan ng bagyo. Kahit na natatakot ay bumalik sila ng kwarto at doon sila nagdasal. Hindi na raw sa nakatulog magasawa.
Pagputok ng araw, ay nilinisan nila ang kusina. Pagkatapos ay umuwi sila sa amin at kinuwento ang nangyari. Sabi ni mama, baka raw tinirhan na ng bad spirit yung bahay dahil madalang may tao. Ang isa pa, nakaugalian na ng pamilya ng hipag ko ang mag "atang" o yung pag aalay ng pagkain sa santo, sa bahay o sa taong yumao na. Born again christian kasi ang religion namin kaya hindi kami naniniwala doon. Kaya inimbita namin yung pastor namin upang ipa bless at ipray over yung bahay. Ilang araw din ay biglang nawala yung bad vibes sa bahay na yun. Hindi na din na naulit pa yung nangyari. At sa kabutihang palad ay naidaos nila ang pasko ng maligaya.
Sa kasalukuyan ay doon na nakatira ang kapatid ko at pamilya nya. Ganun din ang kuya ng hipag ko. Ang biyanan namang lalaki ay nagabroad na din sa Saudi.
A/N: Guys yung about sa pag "aatang" ay batid kong may iba sa inyo na ganun din ang paniniwala. Inirerespeto ko po ang paniniwalang iyon at hindi ko po sinasabing ito ay hindi tama.
BINABASA MO ANG
True PINOY Ghost Stories
HorrorMga totoong pangyayaring kahila hilakbot.. Yung iba pong story tagalog :)