Save the date 10/28/16
Nagbabasa ako ng WATT PAD sa kalagitnaan ng gabi. Habang nagbabasa ako naramdaman kong hinihila na akong ng antok at bumibigat na ang takip mata ko.
Nag decide na akong matulog dahil alas dos na rin ng madaling araw. Nakatagilid ako dahil mas madali akong makakatulog kapag ganon ang posisyon ko.
Sa gitna ng pagtulog nang madaling araw na yon hindi ko alam kung tulog ba ako o hindi. Pero ang alam ko nakatulog na ako, sa mga oras na yon nakikita ko ang kabuoan ng kwartong tinutulugan ko. May mga damit pang nakasabit kung saan-saan dahil burara ako sa paggamit non kaya kung saan-saan ko sila nilalagay.
Maya-maya pa'y hindi na ako makagalaw. Hindi ko alam kung gising ako o tulog, ang pinagtataka ko lang ay nakikita ko ang kabuoan ng kwarto at hindi ako makagalaw, tanging naigagalaw ko lang ay ang mata ko.
Nakita ko pang nahulog ung pantalon ko sa baba na nakasabit sa hanger.Napabalikwas ako ng bangon, hindi ko alam kung paano basta nakagalaw na ako. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko at tagaktak ang pawis ko.
Himiga ako ulit at inisip na walang nangyari. Sinimulan ko na ulit matulog dahil antok na antok talaga ako, pero naipikit ko pa lang mata ko at hindi pa nakakatulog ay ayan na naman. Hindi na naman ako makagalaw, binuksan ko ang mata ko. Nakita ko pang umilaw ang cellphone ko na katabi ko lang at nagaalarm ito.
Napabalikwas ako ulit. Hindi ko alam kung paano basta ang alam ko nakagalaw ulit ako. Sa pagkakataon na yon kumapang na ang takot sa buong katawan ko. Basang-basa pa sa pawis ang suot kong sando.
Tumingin ako sa cellphone ko na nagaalarm. Pagkatingin ko naka set up sa alas tres ang alarm ng cellphone ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/53463193-288-k76.jpg)
BINABASA MO ANG
True PINOY Ghost Stories
HorrorMga totoong pangyayaring kahila hilakbot.. Yung iba pong story tagalog :)