May kwento samin si papa noong maliliit pa kami. Nagtatrabaho siya dati sa isang kumpaniya ng pintura sa maynila. Yung office niya is somewhere in cubao, walking distance mula sa tinutuluyan nila ng mga katrabaho niya. Actually naaalala ko pa yun nung minsang tumira kami kasama si papa sa maynila. Siguro mga apat o limang taong gulang palang ako nun. Basta hindi pa kami nag aaral nung kapatid ko. Dalawa palang kasi kami nun kaya ayos lang kay mama na doon muna kami manirahan. Hindi ko na matandaan kung gaano katagal.
Yung dating opisina ni papa maganda at malamig. Maliwanag kasi salamin yung pader eh kaya sa umaga kahit nakapatay ang ilaw. Sliding door pa yung pintuan. Abay matinde. Kaso masikip dun. Di kami makapag habulan nung kapatid ko dahil paikot ikot lang kami sa lamesa ni papa. Tapos sumisilong kami sa ilalim nun tapos nagddrawing kami ng kung anu ano. Di naman nagagalit si papa. Hanggang nung isang araw, sinama kami ulit ni papa sa opisina niya pero nagtaka kami kasi iba na yung dinadaanan namin. Pagdating sa isang dulo nung building ay may mga nakita kaming mga lalaking nagbubuhat ng mga gamit. Mga gamit ni papa. Inilipat pala siya sa bagong opisina. Mas maluwang at may aircon pa. Halatang kagagawa lang nun. Ayos naman yun nga lang ay nasa pinakadulo pa at medyo madilim doon sa hallway. Sa labas lang nun ay dun minsan tine testing yung mga pintura. Ewan basta may mga nakahilera dung timba timbang pintura.
Haba ng intro nuh? Hahaha eto na nga. Minsan naririnig kong kinukwento ni papa kay mama na madami daw multo sa opisina niya. Eto yung pinaka natakot talaga kami. Nagovertime raw si papa nun isang gabi. Hindi naman bago kay mama kasi lagi naman siyang nagoovertime eh. Minsan ay doon na talaga siya naaabutan ng antok. Tambak daw sila ng trabaho. Gabing gabi na daw kaya dun na daw sila natulog nung assistant nya (hanep may assistant kahit maliit sahod). Nakahiga daw sa folding bed yung kasama niya. Siya naman daw dun na natulog sa upuan niya tas nakapatong yung paa sa desk at nakaipit yung mga kamay sa kilikili. Mga bandang alas dos raw nagising si papa kasi parang may tao sa labas. Patay ilaw sa loob, yung sa labas lang nakasindi. Dahil nga antok pa siya nun di na sya bumangon, dinilat niya nalang ng konti yung mata niya para tignan. (Salamin yung pinto kaya kita mo labas mula sa loob.) Wala naman. Gulat nalang niya nung bumukas yung glass door ng bahagya tas sumara ng dahan dahan. As in walang katunog tunog. Alam niyang multo yon. Kinakabahan raw si papa nun kaya kahit gising siya ay di raw siya dumilat. Nakasilip lang ng konti yung mata niya (yung tipong di mo mahahaltang gising). Nakiramdam siya pero wala. Akala nya wala na. Nung biglang may sumapak sa braso niya dahilan para maalis sa pagkakaipit sa kili kili niya. Nagising siya at napabangon. Sinindi niya yung ilaw Pero wala siyang nakita ibang naroon kundi silang dalawa lang nung assistant niya. Umupo na raw siya ulit at nagdasal hangang sa makatulog siya.
Kinabukasan daw ay nagkwento yung kasamahan ni papa. Sabi niya kagabi raw nagising siya dahil may tao sa labas ng opisina. Tamad raw siyang bumangon. Yung pagkakahiga niya is nakaharap daw kay papa ko. Tapos biglang raw bumukas yung pinto tas pumasok yung babaeng nakaputi. Naglalakad. Hindi! Nakalutang daw di sumasayad yung paa. Nanlilisik daw yung mga mata nga habang papalapit kay papa. Hindi daw siya makagalaw sa sobrang takot. Gusto nya raw kalabitin si papa para magising kaso bigla raw hinampas si papa nung bulto sa braso. Ang lakas parang sampal. Nung nagising daw si papa ay natunaw sa hangin yung babae. Nawala parang bula.
Sabi nung mga katrabaho ni papa, dati raw tapunan ng salvage victim yung lugar nila. Kaya pala. Abay takot na takot si mama habang kinukwento ni papa. Paano ba'y madalas kami lang nila mama ang nandoon. Kahit kaming magkapatid ay di na sumasama sa opisina ni papa.
~
Kwento pa ni papa, minsan daw eh pag dun siya natutulog sa opisina, may mga bata raw naglalaro. Lumilipad yung mga papel niya mula sa lalagyan. Minsan para daw may naghahabulan sa labas. Minsan naman daw ay kinakalabit siya. Bilib nga ko kay papa kasi kahit wala siyang kasama di siya takot. Matagal nang wala si papa doon. Sa saudi na sya nagwwork ngayon.#BaleteDrive
BINABASA MO ANG
True PINOY Ghost Stories
HororMga totoong pangyayaring kahila hilakbot.. Yung iba pong story tagalog :)