Kulambo

312 4 0
                                    

Hinding hindi ko makakalimutan itong experience na to. Second year high school ako nun. Weekends, natulog ako sa bahay ng pinsan ko. Nakalimutan ko na kung ano meron nun. Basta ayun na nga.

Tig isa kami ng bed nung pinsan ko sa room nya. Folding bed yung sakin tas nakakulambo kami kasi sobrang malamok that time. Nahiga ako paside nakaharap sa kanya. Siya naman naglalaro ng super mario sa gameboy advance niya.

Tapos nagising ako bigla. Hindi ko siguro namalayan na nakatulog ako. Ang totoo ay hindi ko alam kung panaginip lang yun. Madilim. Nakapatay na lahat ng ilaw. Yung liwanag nalang ng streetlights na tumatagos sa bintana ang meron. Nakahiga pa din ako paside. Di ako gumalaw kasi parang natatakot ako. Tinignan ko yung pinsan ko, di ko siya maaninag dahil sa nakakulambo kaming dalawa. Pero alam kong tulog na siya kasi naririnig ko yung hilik niya. Ayaw ko pa din gumalaw nun. Pagdaan nung mata ko sa may bandang paanan ko ay laking pagtataka ko. Nakaangat ng bahagya yung kulambo. Bigla nalang akong ginapang ng takot nung mapagtanto kong may naghawi talaga nun pero wala akong makita. Basta nakataas lang. Pinasok talaga ako ng lamok. Gusto kong kamutin pero natatakot ako. Di ko alam kung pano ako nakatulog nun. Hindi ko din alam kung panaginip lang o totoong nangyari.

Natatakot ako pag naalala ko.

A/N: sorry angiksi ng kwento. Pero creepy talaga to. Kung kayo kaya yun anu gagawin nyo?

True PINOY Ghost StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon