Nagising ako nang maramdaman kong may kumikiliti sa talampakan ko. Iniiwas ko agad yun at tinignan kung anuman ang gumagawa nun.
Ngumiti ako, "Beast." mejo paos pa yung boses ko dahil kakagising lang. Di ko pa nga namumulat ng husto yung mga mata ko.
"Breakfast in bed." aniya sabay lagay sa may kandungan ko ng dala niyang tray.
Umayos ako ng upo. "Ano namang nakain mo at pinaghanda mo pa ako ng almusal? At special pa huh?" tinignan ko yung niluto niya. Ham saka itlog. "Aww, " nagpout ako, "bakit walang hotdog?" malungkot na sabi ko. Actually, paborito ko talaga ang hotdog. Lalo na pag partner sa itlog. Yung pagkain ang tinutukoy ko ha? Baka kung ano iniisip niyo.
"Oh... sorry Beauty. Wait lang magluluto ako." tumayo agad siya at halos patakbong pumunta ng kusina. Natawa na lang ako sa naging reaksyon niya.
Sinimulan ko na ang pagkain nang makaramdam ako ng pagkalam ng sikmura. Ito naman kasing si Maico, pinagod ako kagabi. Naglaro kami ng video games hanggang madaling araw. Ayaw niya pa ngang tumigil kung di ko pa sinabing di ko na kaya eh. Sobrang antok na kasi ako.
Halos mauubos ko na yung pagkaing dala niya kanina nang bumalik siya dala yung isang pinggan ng hotdog.
"Beauty ito na oh." nakangiting sabi niya.
Inabot ko naman yung pinggan. Anim na hotdog ang nandun.
"Andame naman ata?"
"Di ko kasi alam kung gaano karami ang gusto mo kaya niluto ko na lang lahat ng natira sa ref." aniya.
Naubos ko lahat yung anim na hotdog. Aliw na aliw naman itong si Maico. Ang takaw ko raw. Eh nakakaubos naman kasi talaga ako ng ganung karaming hotdog mula bata ako eh.
"Ang hilig mo naman sa hotdog." nakapangalumbaba pa siya habang pinapanood akong kainin yung pinakahuling piraso nun.
Magsasalita pa sana ako nang nag-ring yung cellphone ko. Kinuha ko yun mula sa bedside table.
Calling...
Kuya
Tumingin ako kay Maico pahiwatig na sasagutin ko lang yung tawag saka tumayo. Pinidot ko yung answer button habang nalalakad papalapit sa tabi ng bintana.
"Oh Kuya, napatawag ka?"
"Jacky, baka naman pwedeng makahiram ng pangnegosyo jan?" Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Basta tumawag si Kuya kung hindi problema eh pera ang sasabihin.
"Ano namang negosyo yan Kuya? Hindi naman ganun kalaki ang sahod ko para makapagbigay ako sayo ng pang-negosyo!"
"Pinagiisipan ko pa kung anong negosyo. Kaya nga sinasabi ko na sayo para alam ko kung magkano ang kaya mong ibigay at malaman ko kung anong pwedeng mainegosyo. Manghingi ka sa boyfriend mo, kayaman niyan eh!" aniya.
"Kuya!" napatingin ako sa may kama. Wala na dun si Maico. "Akala mo ba ganun lang kadali na manghihingi ako ng pera kay Maico? Saka kahit na pwede, hindi ko pa rin yun gagawin. Girlfriend lang ako hindi asawa!" naiinis nang sabi ko.
"Edi pikutin mo na nang pakasalan ka! Ang hirap kasi sayo eh tatanga-tanga ka. Ang bagal mong kumilos. Paano kung makawala pa yan? Malaking isda na yan!" pagalit pa na sabi i Kuya.
Nararamdaman ko na yung pagiinit ng mga mata ko. Bakit ganito si Kuya? Hindi niya man lang iniisip ang nararamdaman ko.
"Kuya..." naiiya na sabi ko.
"Sabihin mo na lang kasi na ayaw mong akong bigyan! Maramot ka talaga, pati akong kapamilya mo pinagdaramutan mo!"
Sa sobrang inis ko eh naibato ko yung cellphone. Nakita ko pang nagkahiwa-hiwalay ang parts nun.
Nasapo ko ang noo ko at nanghihinang napa-upo sa sahig. Yung mga luha na kanina pa nagbabadya eh tuluyan nang tumulo. Tuloy-tuloy na yun at hindi ko mapigilan. Sa tuwing tatawag na lang siya eh ganito. Binibigay ko naman sa kanila ang lahat pero ako pa rin ang masama. Siya na nga itong batugan siya pa ang may karapatang magalit.
"Jacky!" humihingal pang sigaw ni Maico pagkarating sa kwarto. Suot niya pa yung apron, malaman eh naghuhugas siya ng pinagkainan bago siya umakyat. "Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" lumapit agad siya sa akin at niyakap ako.
Sumiksik lang ako sa leeg niya saka nagpatuloy sa pag-iyak. Inaalo niya lang ako. Mga ilang minuto rin siguro kami sa ganoong ayos hanggang sa tumahan na ako.
"Ano bang problema?" nagaalalang tanong ni Maico habang pinupunasan ang mga mata ko.
Umiling lang ako. Napatingin ako sa cellphone ko na wasak na at kinuha yun. Lumipat naman ng pagkakaupo si Maico at sumandal sa gilid ng kama. Nakatingin lang siya sa akin at pinapanood ang bawat kilos ko.
Sinubukan kong buoin ang cellphone ko. Nabuo naman. Nagaayos yung pagkakakabit ng bawat parte. Ang kaso, ayaw na nung mabuhay. Bumuga ako ng hangin ng makailang beses ko nang pilit yung binubuksan. Wala na talaga yung pag-asa.
"Bili na lang tayo ng bago. Wag mo nang pilitin yan." si Maico.
Tatlong taon din akong sinamahan ng cellphone na ito kaya nalulungkot ako. Ito pa yung pinakauna kong nabili sa sahod ko sa pagta-trabaho.
Lumapit uli siya sa akin at itinayo ako. "Hayaan mo na yan." tumingin siya sa mga mata ko. "Alam kong hindi iyan ang dahilan kung bakit ka umiiyak. Please, sabihin mo saken. Nag-aalala ako eh."
"Sasabihin ko rin. Pero wag na muna siguro sa ngayon." sabi ko na lang para di na siya magpilit.
Huminga siya ng malalim. "Ok, maligo ka na't magbihis. Pagkatapos mo aalis na tayo para makabili ng bagong phone tapos pupuntahan na natin si Mommy." aniya.
"Ok." sagot ko.
_________
Alas tres na ng hapon nang makarating kami sa hotel na tinutuluyan ng Mommy ni Maico. Dumaan muna kasi kami ng mall para bumili ng phone.
Dalawa ang binili niya. Sa kanya yung isa para pareho daw kami. Samsung S4 yun, kinakain pa nga ako kasi di ako sanay sa ganitong gadget. Makaluma kasi yung nasira kong cellphone.
"Good afternoon po." bati ko sa Mommy ni Maico.
"Good afternoon din hija." nakangiti namang sagot niya."Come, may nakahandang merienda sa loob." aniya pa.
Sa penthouse tumutuloy ang Mommy ni Maico. Ano pa nga bang aasahan sa tulad niya di ba? Siyempre yung pinakamagara na.
"Ahh Mommy, anong oras ba yung flight mo?" tanong ni Maico.
Napatingin ako sa kanya. Ang akala ko kasi alam niya kung anong oras.
"Seven pm." simpleng sagot nito saka naupo sa sofa. "Suit yourself." itinuro pa nito ang katapat na sofa.
Kinuha ko yung isang cake na nandoon saka nagsimulang kumain. Hindi na kasi kami nakakain mula nang umalis kami ng bahay. Nawala na yun sa isip namin kaya naramdaman ko bigla ang gutom nang makita ko yung pagkain.
"Ahhm Maico" ani Mommy ni Maico. "Maaari mo ba una kaming maiwan ni Jacky? I told you I want to talk to her right?"
"Oh, sure 'My. Nasabi ko na rin naman kay Jacky." tumayo na si Maico. Bago siya lumakad eh hinalikan niya muna ako sa noo.
"Thank you hijo." sinundan pa nito ng tingin si Maico. "Tatawagan na lang kita kung tapos na kami." nakangiti pang sabi nito.
Bigla akong kinabahan nang maiwan na kaming dalawa roon. May something sa ngiti niya na hindi ko mabasa.
"Maybe we should start."
to be continued...
BINABASA MO ANG
The Nerdy Rebound Girl
Romance[Completed] One True Love Series #2 P1 Jacky has been in love with Maico since forever. Ang kaso, ang kaibigan niyang si Lana ang gusto nito kahit na may asawa na ang huli sa katauhan ni Jace. Nang mawalan ng pag-asa si Maico kay Lana ay sa kanya it...