Chapter Twenty One

219K 2.9K 79
                                    

"Beast, may makakasama nga pala ako sa pagpunta ko sa Palawan." medyo kinakabahan ako. Malamang sa malamang kasi eh hindi niya magugustuhan ang sasabihin ko.

Nakangiti pa siyang tumingin sa akin. Narito kami sa sofa at kakatapos lang namin manood ng movie. Dala niya yung DVD ng The Notebook. Di ko nga akalain na gusto niya rin ng ganung pelikula eh. Oh baka naman yun ang dinala niya dahil alam niyang yun ang magugustuhan ko?

"Edi mas mabuti. At least hindi ako mag-aalala masyado kasi alam kong may kasama ka naman."

Nakatingin lang ako sa kanya. Yung tingin na sana di ka magalit sa sasabihin ko. Kumunot bigla yung noo niya.

"Sino ba yung makakasama mo?"

Huminga muna ako ng malalim, "si Anthony." tumingin ako sa mga mata niya. Nag-iba agad yung aura nang marinig ang pangalan ni Anthony. "Kailangan kasi nila ng Engineer sa Palawan at si Anthony ang nai-assign nila. Sinabay na nila yun sa pagpunta ko para di na sila mahirapan na magbook ng ma—" napatigil ako nang tumayo siya bigla.

Dire-deretso siyang pumunta sa kusina. Tumayo na rin ako at sumunod sa kanya. Nakabukas ang ref at umiinom siya ng cranberry juice. Tinutungga niya na yun mula sa bote.

Tahimik lang akong nakatingin sa kanya hanggang sa isara niya yung ref. Lumabas din agad siya ng kusina at nilagpasan lang ako na tila hindi ako nakita. Napapikit ako ng mariin. Nakakainis! Kasalanan ko pa bang isasama sa akin si Anthony?

Nagroll eyes ako at sumunod sa kanya palabas. Wala siya sa sala pagdating ko roon. Nasaan na yung lalaking yun? Patakbo akong pumunta sa kwarto at hinanap siya. At doon, nakita ko siyang nakahiga at nakatakip ang kanang braso sa mga mata niya. Pahalang yung pagkakahiga niya kaya nakababa yung mga paa niya sa sahig.

Lumapit ako at naupo sa gilid ng kama katabi niya. Nakatalikod ako sa kanya kaya di ko alam kung anong ginagawa niya. Hinihintay ko lang na magsalita siya. Napatili ako bigla nang hilahin niya ang kanang braso ko dahilan upang mapahiga na rin ako. Yumakap siya sa beywang ko at idinantay ang kanang hita sa mga hita ko.

Di ako komportable sa ayos ko kaya naman pilit akong kumakawala para sana umayos ng higa. Mukhang nainis naman siya at nag-tsk pa saka inalis ang pagkakayakap at tumalikod sa akin.

Umayos naman ako ng higa at yumakap patalikod sa kanya.

"Ang arte." bulong ko sa may batok niya.

Bigla naman siya naupo at napahiga ulit ako dahil sa pagkaka-alis ng yakap ko sa kanya.

"Wag ka na lang pumunta sa Palawan." aniya.

Naupo na rin ako at tumabi sa kanya, "pero di pwede. Naka-commit na akong magpupunta dun. Besides, walang ibang gagawa nung trabaho dahil saken talaga naka-assign yun." sabi ko.

"Tsss." aniya. Kumunot pa ulit yung noo niya.

"Wala ka bang tiwala saken?" tanong ko. "Wala naman akong gagawing hindi mo magugustuhan ah." mejo garalgal na sabi ko. Ewan ko ba pero pakiramdam ko anumang oras eh papatak yung luha ko. Napaka narrow minded niya naman kasi.

"Sayo may tiwala ako, pero sa lalaking yun wala!" halos pasigaw niya nang sabi.

"Ilang araw lang naman kami dun. Saka magkaiba kami ng gagawin, so basically di rin kami magkasama maghapon."

Bumuga siya ng hangin saka tumingin saken.

Matagal siyang nakatitig saka pairap na iniwas yung tingin, "tsk! Basta wag kang magsasasama sa lalaking yun ha?" inis na inis yung tono niya at lumingon sa parte na di ko makikita yung mukha niya. "Bwisit talaga yung lalaking yun." pabulong niya nang sinabi yung huli pero narinig ko pa rin.

"Promise, hindi ako maglalalapit sa kanya." ipinatong ko yung baba ko sa balikat niya.

Lumingon siya sa akin saka humalik sa noo ko. "Promise yan ha? Lika nga dito." hinila niya ako at pinatalikod sa kanya.

Itinaas niya yung isang hita niya para mayakap niya ako mula sa likod. Isinubsob niya yung mukha niya sa buhok ko, "di ba talaga pwedeng iba na lang pumunta dun?" aniya habang nakasubsob sa buhok ko.

Aalisin ko sana yung pagkakayakap niya nang higpitan niya yun. "Joke lang. Basta wag mong hahayaang makalapit sayo yung ugok." umalis na siya sa pagkakayakap saka tumayo. Magsasalita sana siya nang hilahin niya ako pahiga. "Tulog na tayo."

Hindi na lang ako pumalag pa at umayos na lang ng pagkakahiga. Ilang sandali lang ay nakatulog na rin ako sa yakap ni Maico.

________

"Tara." si Anthony inilahad niya pa yung kamay niya para alalayan ako.

Kakarating lang namin sa dito sa Palawan. Pababa na kami ng sasakyan na sumundo sa amin mula sa airport. Hindi ko inabot ang kamay niya. Bagkus ay iniiwas ko ang sarili ko sa kanya.

Buong biyahe mula pa sa Manila ay hindi ko siya kinikibo. Tulad din nang dati eh pursigido siyang kausapin ako. Kahit na nararamdaman niya namang umiiwas ako eh lagi pa rin siyang naga-attempt na magsimula ng conversation.

Ewan ko ba sa kanya. Kung iba siguro yun eh titigilan na ang pagkausap saken pero iba siya. Ilang beses ba siyang pinanganak? Ang kulit lang, nakakainis na.

"See you later." narinig ko pang sabi niya bago ako pumasok ng kwarto. Sa katabing kwarto siya tutuloy.

Hindi ko siya pinansin at tuluy-tuloy na pumasok sa loob. Inilapag ko lang ang bagahe ko saka kinuha ko ang cellphone ko. Bilin kasi ni Maico na tumawag agad ako sa kanya pagkarating na pagkarating ko sa Palawan. Kanina pa sana ako tatawag kaso nakahiyaan ko na lang dahil katabi ko si Anthony sa sasakyan.

"Beaty..." sagot niya agad di pa man yun nakaka-dalawang ring, "kanina ko pa hinihintay ang tawag mo, nagsisimula na akong mag-alala ah."

 

"Sorry, alam mo namang hindi ako mag-isa. Kaya hinintay ko lang na makarating ako rito sa hotel saka ako tumawag sayo."

"It's ok. At least you're fine." he let out a sigh. "Pahinga ka na muna. Bukas ka pa naman pupunta sa site di ba?" tanong niya.

"Yup." simpleng sagot ko.

"Tatawag na lang ako mamaya ha? Ingat ka jan, yung bilin ko---"

 

"Opo. Iiwasan ko po si Anthony." putol ko sa sinasabi niya.

"Good. Pahinga ka na. Dream of me." aniya.

"Lagi naman eh." natawa siya sa sagot ko. "Bye." sabi ko saka binaba ang telepono.

Hindi na ako nag-abalang ilabas ang mga damit ko mula sa maleta. Tutal ilang araw lang naman ako rito. Sumasakit na rin pati ang ulo ko at gusto ko nang magpahinga.

Hihiga na sana ako nang may kumatok sa pinto.

"Bwisit naman. Magpapahinga yung tao eh." pabulong kong reklamo sabay sa padabog na pagtayo.

Sinilip ko sa peephole kung sino yung kumakatok at nakita ko si Anthony na pangiti-ngiti habang naghihintay na pagbuksan ko siya ng pinto. Pinaikot ko ang mga mata ko saka binuksan yun.

"Anong kailangan mo?" pabalang kong tanong.

Nagulat ata siya dahil sabay ng pagbukas ko ng pinto yung halos pasigaw ko nang tanong.

"Ahhm, ayain na sana kitang mag-dinner. Alas sinco na rin naman." aniya, tumingin pa siya sa wristwatch niya.

"Hindi ako nagugutom. Ikaw na lang." isinara ko agad yung pinto pagkasabi nun.

Ineexpect ko na kakatok ulit siya. Ganun kasi siya eh, makulit. Pero hindi yun nangyari. Nang sumilip ako sa peephole ay wala na siya. Buti naman, makakapagpahinga na rin ako.

to be continued...

The Nerdy Rebound GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon