Hindi matigil sa pag-iyak si Gelai habang isinasagawa ang seremonyas ng libing ni Kuya James. Nakatayo lang ako sa likod niya at naka-kapit sa dalawang balikat niya. Kanina pa rin walang tigil ang pagpatak ang luha ko. Kahit anong pang sabihin, kapatid ko pa rin siya. Nasasaktan pa rin ako sa pagkawala niya.
Maraming tao ang dumalo sa libing. yung mga dati niya kaklase, mga kapitbahay... pati yung mga kaibigan kong sina Aya at Joy eh narito rin para makiramay. Hindi na nakarating yung dalawa pa dahil sa ilang kadahilanan.
Hindi naman umaalis sa tabi ko si Maico. Mula noong sinabi ko sa kanyang gusto kong iurong ang kasal eh mas naging maasikaso pa siya sa akin. Ramdam kong ginagawa niya ang lahat para lang hindi masira yung relasyon namin. At dahil dun, mas lalo ko pa siyang minamahal.
Nawala na yung kakatuwang pakiramdam na hindi ko maintindihan sa tuwing makikita ko siya. Marahil eh unti-unt nang tinatanggap ng isip ko na hindi na maibabalik ang buhay ng anak ko at hindi makakatulong ang pag-iwas ko kay Maico.
Napatingin ako sa tabi ko nang maramdaman ko yung braso sa balikat ko. Bahagya siyang ngumiti saka pinunasan yung mga luha sa mata ko. Yumakap siya at hinalikan ang buhok ko.
Nakita kong unti-unti nang ibinababa sa hukay ang kabaong ni Kuya. Lalo namang nagpumiglas si Gelai at lumakas pang lalo ang pag-iyak niya.
"Papa!" sigaw niya pa habang humahagulgol.
Humiwalay ako sa yakap ni Maico at naupo para maging magkatapat ang taas namin ni Gelai. Ginawa ko rin sa kanya ang kani-kanila lang ay ginawa ni Maico. Umiiyak pa ring yumakap siya ng mahigpit sa akin. Naaawa ako sa kanya. Ramdam ko kung ano yung nararamdaman niya. Dinanas ko rin yan noon nang mawala ang mga magulang ko.
Paano na siya ngayon? Mahirap ang lumaking walang mga magulang na gumagabay sa'yo. Kahit na naging mabuti ang pag-aalaga sa amin ni Lola eh iba pa rin yung sariling mga magulang mo ang gagawa nun.
Buong buhay ko pakiramdam ko ay may kulang sa pagkatao ko. Ayokong danasin yun ng pamangkin ko. Gusto kong maramdaman niyang hindi siya nag-iisa at may nagmamahal sa kanya.
"Tahan na, Gelai. Magkakasakit ka na niyan." naiiyak nang sabi ko sa kanya.
"P-papa." aniya sa pagitan ng paghikbi.
Lalo kong hinigpitan yung yakap ko sa kanya. "Wag kang mag-alala. Hindi kita papabayaan. Mamahalin kita tulad ng Papa mo."
________
Nakatulog si Gia sa biyahe pa lang pauwi. Hindi na yun nakapagtataka dahil ilang araw din siyang hindi halos nagpahinga. Sa buong panahon na nakaburol ang ama niya eh naroon lang siya sa harap ng kabaong nito at umiiyak.
"Mauna na kaming bumalik ng Maynila." nilingon ko si Aya na nagsalita.
"O sige. Ihahatid ko na kayo sa labas."
Sinamahan ko hanggang sa kotse ni Joy ang dalawa.
"Mag-iingat kayo sa biyahe." yumakap pa silang dalawa sa akin bago sumakay ng tuluyan. Naiwan akong nakatayo sa labas ng bahay at pinagmamasdan yung kotseng papalayo.
"Magpahinga ka na. Kailangan mo yun bago tayo bumiyahe pabalik ng Maynila mamayang gabi." napalingon ako kay Maico. Ilang hakbang na lang eh nasa likod ko na siya.
Sa totoo lang eh wala pa akong balak na bumalik ng Maynila. Nakabakasyon naman ako sa ngayon dahil sa pinagpapahinga ako ng doktor. Mas mainam siguro kung dito na muna ako magtitigil.
"Ahhm, Maico... dito na muna siguro ako. Mas makapagpapahinga ako kung nandito ako."
Nagulat siya pero nakakaunawang tumango. "Ok sige. Pero may mga gamit ka ba rito? Gusto mong kumuha ako sa unit mo?" tanong niya.
"Meron naman akong gamit dito. Ayos na siguro ang mga yun."
Bahagya siyang ngumiti. "Gusto ko sana ako ang mag-aalaga sayo sa mga panahong nagpapahinga ka eh. Pero nirerespeto ko ang desisyon mo. Dadalasan ko na lang siguro ang pagdalaw dito."
Humarap ako sa kanya at hinaplos ang pisngi niya. "You're real." ngumiti pa ako ng bahagya.
"Of course I Am." kunot noo pero nakangiti niyang sabi.
"Hindi lang kasi kapani-paniwalang may tulad mo. You're too good to be true. Nakakatakot na baka nananaginip lang ako."
Hinila niya ako bigla at mariing hinalikan sa mga labi.
"Does a dream kiss like that?"
Marahan ko siyang hinampas sa braso. Nag-iwas ako ng tingin at nag-isip. Pinag-iisipan ko ang isang desisyon na gagawin ko. I hope he'll agree with me.
"Is there something wrong?" aniya.
Umiling ako. "Not really."
Nakatingin lang siya sa akin sa nagtatanong na mata. Kilala niya na ako kaya alam niyang may tumatakbo sa isip ko. Humarap ako sa kanya at huminga ng malalim.
"Iniisip ko lang yung tungkol sa atin," sabi ko.
"Wala naman tayong problema di ba?" rinig ko yung panic sa boses niya.
Hindi ako sumagot. Iniisip ko kung paano ko sasabihin yung nasa isip ko. Lumingon ako sa kwarto ni Gelai.
"Gusto ko sanang ampunin si Gelai. And since ikakasal na tayo, kailangan kong malaman kung sasang-ayon ka."
Napapikit siya at tila nakahinga ng maluwag. "Of course, yan din ang nasa isip ko."
"Instant anak natin." Ngumiti pa ako sa kanya.
"Don't worry, ituturing ko siya na parang tunay kong anak," aniya saka yumakap sa akin.
"Pumasok muna kayo't kumain," napalingon kami sa pinto. Si Lola yung tumatawag sa amin.
Umakbay sa akin si Maico saka ako iginiya papasok ng bahay. Nilagang saging na saba ang bumungad sa amin pag kapasok namin sa kusina. May mainit na tsokolate rin doon.
"Magpapahinga na ako. Kayo nang bahala riyan." si Lola.
"Opo 'La. Salamat po."
Pagkalayo ni Lola eh bumulong si Maico.
"Paano si Lola? Maiiwan ba siyang mag-isa rito pag naisama na natin si Gelai?"
"Actually, nagsabi na si Lola na uuwi siya ng Mindoro pagkaalis namin ni Gelai rito. Nandoon yung isa niya pang anak at handa naman siyang patuluyin. Kung tutuusin nga eh matagal na rin yung nag-aalok na sa kanila na tumira si Lola. Hindi lang maka-oo ang Lola dahil sa amin ni Kuya."
Tumango na lang si Maico at nagsimulang kumain.
________
"Magiingat ka sa biyahe," sabi ko kay Maico nang ihatid ko siya sa may sasakyan niya.
Maliwanag pa naman dahil alas-cinco pa lang. Gusto niya pa sanang magpaumaga na lang dito kaso magiging hassle yun sa kanya dahil may pasok pa siya bukas.
"Pupuntahan kita rito tuwing may oras ako. Ayokong ma-miss ka masyado."
Napangiti ako sa sinabi niya.
"'Nga pala, nasabi ko na kay Mommy na iniurong natin ang date ng kasal. Naiintindihan naman daw niya. Pati yung engagement party natin napagdesisyunan na sa October na lang gawin imbis na sa susunod na buwan."
Napabuga ako ng hangin. Ayoko naman kasi talaga nung engagement party na yun.
"Kailangan pa ba talaga yun?" medyo nag-aalngan tanong ko.
"Yun ang gusto ni Mommy. Kung ako lang eh kahit wala na nun. Gusto mo bang wag na lang yun ituloy?"
Umiling agad ako. "Ok lang na ituloy yun. Kung yun ang gusto ni Mommy."
"Ok. Ang mahalaga lang naman kasi talaga eh makasal tayo."
Tumango ako bilang pagsang-ayon.
"Sige na baka abutin ka pa ng hatinggabi sa daan," ako na mismo ang lumapit sa kanya at humalik sa mga labi niya.
Nakangiti siya pagkahiwalay ko sa mga labi namin. Sumakay na siya sa kotse niya pero bago niya yun pina-andar eh ibinaba niya yung salamin ng bintana and mouthed I love you.
to be continued...
BINABASA MO ANG
The Nerdy Rebound Girl
Romance[Completed] One True Love Series #2 P1 Jacky has been in love with Maico since forever. Ang kaso, ang kaibigan niyang si Lana ang gusto nito kahit na may asawa na ang huli sa katauhan ni Jace. Nang mawalan ng pag-asa si Maico kay Lana ay sa kanya it...