Ilang oras na ata akong nakahiga pero di pa rin ako makatulog. Hawak ko ang tiyan ko. Napapangiti ako sa tuwing naiisip kong may laman na yun. Ang anak namin ni Maico.
Ano kayang magiging reaksyon niya? Ilang beses ko na ring kinuha yung cellphone ko para sabihin sa kanya yung magandang balita kaso sa tuwing hawak ko na yun naiisip ko mag maganda kung makikita ko yung mukha niya pag sinabi ko na. Tutal nandito naman siya bukas, siguro bukas ko na lang sasabihin.
Iniisip ko kung paano yun magandang sabihin. Mas mainam siguro kung magluluto ako ng masarap noh? Tapos saka ko sasabihin sa kanya after kumaen. Naiimagine ko na nga yung magiging reaction niya. At sa tuwing naiisip ko yung mukha niya eh natatawa ako.
Napabangon ako bigla nang marinig kong bumukas yung pinto mula sa labas. Teka, sino naman kaya yun? Dahan-dahan akong pumunta sa may pinto ng kwarto at kinuha yun baseball bat na nandun. Lagi yung nandoon para kung sakaling papasukin ako tulad nito eh may pang-depensa ako.
Pumwesto ako sa may gilid ng pinto ng kwarto ko at nakahandang manghampas ano mang sandali. Nagulat ako nang bumukas yun pero hindi ko agad naipalo yung hawak ko. Napapikit pa ako ng mariin saka bumwelo.
"Whoah! Beauty!"
Napatigil yung kamay ko sa paghampas nang marinig yung boses ni Maico. Dumilat ako at nakita ko yung mukha niya sa konting liwanag na galing sa labas. Nakahinga ako ng maluwag pero di ko pa rin ibinababa ang baseball bat.
"That's not how I imagined you'd do when you see me! I was dreaming of a slow passionate kiss." natatawa pa siya.
Ibinaba ko na yung hawak ko saka binuksan ang ilaw.
"Akala ko naman kasi pinasok na ako ng kung sino! Di ka man lang nagsabing parating ka o nag-doorbell na lang."
"That's why it's called surprise. Come here." hinila niya ako palapit sa kanya at niyakap ng mahigpit. "I missed you."
"Kahapon lang tayo nagkita."
"Eh bakit feeling ko last year pa?"
Nakasimangot lang ako habang nakatingin sa kanya. Siya naman, ngumiti ng malapad at hinalikan ang mga labi ko.
__________
Mas nauna akong nagising kay Maico kaya naman nagluto na ako ng almusal. Mukhang pagod siya at nakatulog agad kagabi pagkarating niya.
Sabihin ko na kaya after mag-breakfast? Patakbo akong pumunta sa banyo at hinanap yung kit na may two lines. Inilagay ko yun sa bulsa ko at naghanda na ng sasabihin.
Maico, anong gusto mong maging pangalan ng anak natin? Tsk! Panget, baka hindi niya ma-gets at isipin niyang gusto ko lang malaman.
Beast, hulaan mo anong laman ng tiyan ko? Err, baka naman sabihin niya eh bituka. Ang paget a rin.
Eh kung deretsahan na lang kaya? Beast, buntis ako. Aiish parang ang panget. Wala man lang something na mag-iisip siya.
Ayy, bahala na nga mamaya! Kung ano na lang ang masabi ko keri na. Ang mahalaga eh malaman niya na magiging tatay na siya.
Napasinghap ako ng yumakap siya sa likod ko sabay halik sa pisngi ko.
"Good morning future wife."
"Good morning yourself." inalis ko yung pagkakayakap niya at inayos yung hapag. Naupo na siya sa pwesto niya at maulap yung mga matang tumingin sa akin.
"Ang sarap gumising na alam mong ipinaghahanda ka na ng makakain ng mahal mo noh?" nakangiting sabi niya.
"Tse! Kumaen ka na nga lang jan!" tumalikod ako para magtimpla ng kape pero hindi ko maalis sa mga labi ko yung ngiti. Simula kasi nung inamin niyang mahal niya ako eh naging masyado na siyang vocal sa pagsasabi nun. At sa bawat beses na marinig ko yun mula sa kanya eh hindi ko maalis yung kilig na nararamdaman ko. Imagine, I've dreamed of him since day one tapos ngayon mahal niya na rin ako?
Inilapag ko sa harap niya yung kape.
"Wala ba akong good morning kiss?" tanong niya habang ngumunguya.
"Don't talk when your mouth is full." pabiro pero seryoso kong sabi.
Tumigil siya sa pagnguya saka ngumuso sa akin. I rolled my eyes then planted a soft kiss on his mouth saka ulit siya natatawang ngumuya.
"Ubusin mo yan ha." tinuro ko pa yung maraming pagkaen na nnilagay niya sa plato niya.
"Yes wife."
_________
Hindi ko rin nasabi sa kanya kaninang breakfast pati lunch. Ang daldal niya kasi eh, kung anu-anong kwento niya na hindi naman karaniwan sa kanya. Tapos bigla niyang ipinapasok yung magiging kasal namin. Kung saan mas maganda, kung paano yung hitsura nun, anong kulay ng motif. Ang sabi ko na lang eh kami na ang bahala ni Mica tutal yun naman talaga ang mangyayri. Pero sabi niya lang eh sobrang excited lang talaga siya.
Pagkatapos mag lunch eh nanood kami ng movie. Yung I Give it a Year. Maganda naman yung concept ng movie kaso parang na-bother bigla si Maico. Ang kwento kasi nun eh yung nagpakasal yung mag-jowa ang kaso biglang umeksena yung bestman saka yung ex-girlfriend sa buhay ng dalawa. Na-realize bigla nila na hindi naman nila mahal ang isa't-isa at after one year eh naghiwalay sila.
"At least masaya silang naghiwalay kasi mutual ang feeling nila. Walang naiwan sa ere."
"Pero in the first place, bakit kasi sila nagpakasal eh hindi naman pala nila mahal ang isa't-isa?" inis pa ring sabi ni Maico.
"Mukhang yun kasi ang pagkaka-alam nila. Na mahal nila ang isa't---" napatigil ako. Oo masaya sila bago sila magpakasal. Pero habang tumatagal nawawala yung spark sa kanila. Nare-realize nila na may iba silang mahal.
"I love you." yumakap sa akin si Maico. "Alam ko kung anong iniisip mo. Mahal kita ok? Kapag iniisip ko ang future ko? Hindi pwedeng hindi kita makita roon."
Na-touched ako sa sinabi niya. Ganun din naman kasi ako. Sa tuwing iisipin ko kung anong mangyayari sa akin after 20 years ang naiisip ko eh nasa tabi ko siya.
"I love you too." humalik ako sa mga labi niya. Agad siyang tumugon at nilaliman pa ang halik. Napatigil lang kami nang may nag-door bell.
Pumunta agad ako sa pinto para pagbuksan ang naroon. Ito na siguro yung hinihintay ko.
Tulad nga ng inaasahan ko, delivery boy yun galing Red Ribbon.
"Tara Beast! Kain na tayo!" tawag ko sa kanya habang papunta ako sa kusina.
Hinanda ko na yung niluto ko kaninang carbonara at inilagay sa gitna yung cake. Hindi ko muna yun tinanggal sa box dahil gusto kong si Maico ang magbukas nun.
"Anong meron?" tanong niya.
"Nothing. Pakilabas naman yung cake." tinuro ko pa yung box ng cake sa gitna.
Sumunod naman agad siya at inalis ang ribbon nun. Dahan-dahan niyang nilabas yung cake at inilapag ulit sa gitna saka inilapag sa kabilang bahagi ng mesa yung box. Sa buong minuto na yun na binubuksan niya yung cake eh nakatingin lang ako sa kanya. Hinihintay ang magiging reaksyon niya.
See you soon Daddy! I love you!
From: Baby Buenaventura
Napatigil siya bigla at tumitig lang dun sa cake. Di siya kumikilos at parang ina-absorb pa kung anong nabasa niya dun. Maya-maya eh teary eyed na humarap siya sa akin saka malapad na ngumiti. Nagpunas siya ng isang luhang tumulo sa mata niya saka ako mahigpit na niyakap. Di magkandaugagang tinignan niya ang mukha ko saka ako hinalikan.
"Thank you." aniya.
to be continued...
BINABASA MO ANG
The Nerdy Rebound Girl
Romance[Completed] One True Love Series #2 P1 Jacky has been in love with Maico since forever. Ang kaso, ang kaibigan niyang si Lana ang gusto nito kahit na may asawa na ang huli sa katauhan ni Jace. Nang mawalan ng pag-asa si Maico kay Lana ay sa kanya it...