Chapter Forty Two

179K 2.5K 130
                                    

Dalawang linggo na rin ang nakalipas mula noong bumalik kami dito sa Maynila. Sa mga linggong yun hindi naman nagparamdam si Lisa kaya napanatag na rin ako. Wala naman siguro siyang intensyon na kuhanin ang bata. Gusto niya lang sigurong makita.

"Juice?" narinig kong tanong ni Maico kay Gelai. Napatingin ako sa kanila at napangiti. Ang cute lang nilang tignan. Pakiramdam ko eh mag-ama sila.

Narito kami ngayon sa park. Picnic lang para malibang naman si Gelai. Itinuloy ko pa ng isang linggo ang leave ko para naman may oras ako kay Gelai. Sa Lunes pa ulit ako papasok. Kinuhanan ko na rin siya ng yaya na mag-aalaga sa kanya pag nasa trabaho na ako.

Sa loob ng mga linggong nasa akin si Gelai ay hindi pa rin siya nagsasalita. Naka-ilang balik na rin kami sa doktor para sa counseling niya pero wala pa ring pagbabago. Kung sabagay, bago pa lang naman siyang ginagamot.

Narinig ko ang buntong hininga ni Maico. Napansin ko nitong mga nakaraang araw na parang lagi siyang may iniisip. Nahuhuli ko siya kung minsan na kunot noong nakatulala lang sa kawalan. Hindi ko siya kinokompronta dahil naiisip kong nag-aalala lang siya sa akin. Sa amin ni Gelai.

"May problema ba?" hindi ko napigilang itanong.

Napatingin siya sa akin saka pilit na ngumiti. "Nothing," umiling pa siya. "Don't worry." lumapit siya at umakbay sa akin.

"I've been thinking," sabi ko.

"Hmmn?"

"Yung kasal---"

Humarap siya sa akin at tinignan ako sa mga mata, naghihintay ng kasunod kong sasabihin.

Huminga ako ng malalim. "I know I said na iurong yung date nun, pero kasi si Gelai..." tumungo ako saglit saka tumingin ulit sa kanya. "Baka pwedeng agahan na lang natin?"

Halatang nagulat siya sa sinabi ko. Hindi ko maintindihan yung reaksyon niya. Parang natutuwa siya na nag-aalangan. Kunot noong tinitigan ko siya. Ano bang problema? May kakaiba talaga akong nararamdaman sa mga ikinikilos niya.

Ilang segundo rin ang lumipas saka siya tumango.

"Oo naman. Kailan mo ba gusto?" tanong niya.

"Next month?"

Ngumiti siya at tumango. Pero hindi ko makitang umabot sa mga mata niya ang ngiting yun.

Alam kong pabago-bago ako ng isip. Sobrang pinagpapasalamat ko ngang iniintindi lang ni Maico ang kabaliwan ko ngayon. Ewan ko ba, pero hindi ko na rin maintindhan ang sarili ko. Kung anu-anong pumapasok sa isip ko.

"Hey, wag ka masyadong lalayo!" habol kong sigaw kay Gelai nang makita ko siyang tumakbo.

Tumigil naman agad siya sa may swing at naupo roon. Naiwan kami ni Maico sa may carpet na nailatag namin sa damuhan.

"Salamat talaga ha," maya-maya'y sabi ko sa kanya.

"Saan naman?" tanong niya.

Tinignan ko siya saka ngumiti. "Sa pag-intindi mo sa akin. Alam kong lately eh pabago-bago ang isip ko." I sighed. "Kahit ako naiinis na sa sarili ko, kaya nga nagpapasalamat ako kasi nandyan ka at naka-alalay sa akin."

Hinawakan niya yung kamay ko at mahigpit na hinawakan yun. Ano na lang ang gagawin ko kung wala ang lalaking ito? Baka kung saan na ako pulutin kung hindi siya naanantili sa tabi ko. Pati si Gelai---

Napatayo ako bigla.

"Si Gelai?" nagpa-panic na sigaw ko nang hindi ko makita si Gelai sa swing na kinauupuan niya kanina.

Patakbo akong lumapit doon. Kasunod ko si Maico na sa ngayon eh isinisigaw na rin ang pangalan ng bata. Hinalughog ko ang buong playground pero walang Gelai na nagpakita sa akin.

Sobrang bilis na pintig ng puso ko sa pag-aalala. Nasaan ka na ba Gelai?

"Ms., may nakita ka bang batang babae rito? Mga ganito siya kataas," itinapat ko yung kamay ko sa bandang baywang ko kung gaano kataas si gelai. "Nasa pitong taong ang edad." tanong ko sa babaeng naroon na may hawak na bata. Marahil ay alaga nito.

Umiling lang siya at ibinalik ang pansin sa alaga niya.

"Doon ka maghanap. Ako rito," si Maico, itinuturo sa akin ang kabilang direksyon kung saan siya papunta.

Nakita ko pa yung lakad-takbo niyang pagtungo sa kabilang direksyon bago ako tumalikod at ipinagpatuloy ang paghahanap kay Gelai.

"Gelai!" hinihingal na ako at tagaktak na ag pawis ko habang palinga-linga sa paligid.

Bawat sulok na ng park eh nilibot ko para makita ang bata pero hindi ko siya makita.

Kung anu-anong ispekulasyon na ang pumapasok sa isip ko. Paano kung may nakakuha sa kanya? Paano kung napadpad na siya sa kung saan at hindi makita yung daan pabalik? Paano kung—no. Hindi siya mapapahamak. May awa ang Diyos, ibabalik niya sa akin si Gelai.

Napapitlag ako ng may humawak sa braso ko. Si Maico.

Umiling siya. Kita yung pag-aalala sa mata niya. Nagsimula nang tumulo yung luha sa mga mata ko.

"Kasalanan ko 'to. Hindi ko dapat siya hinayaang maglaro mag-isa," sumubsob ako sa dibdib niya at patuloy na umiyak.

"Shhh. Wag mong sisihin ang sarili mo. It's nobody's fault. Makikita rin natin siya."

Iniangat ko ang tingin ko sa kanya. "Paano kung may nangyari nang masama sa kanya? Hindi ko mapapatawad ang sarili ko."

"Wag kang mag-isip ng ganyan. Makikita rin natin siya,"

Magkasama naming inikot muli ang park. Pati mga karatig na kalsada pinuntahan na rin namin. Kung saan –saang sulok na kami nakarating nang may makita akong pamilyar na bulto. Sa isang sulok ng kalsada, naroon si Gelai.

Umiiyak siya ng lapitan namin siya.

"Oh my God, Gelai!" niyakap ko agad siya pagkalapit na pagkalapit ko sa kanya.

Nanginginig ang buong katawan niya habang patuloy siya sa pag-iyak. Pulang-pula na yung mga mata niya. Pati yung buhok niya eh basang basa na rin ng pinaghalong pawis at luhang pumapatak sa mga mata niya.

Di ko mapigilang mahawa sa pag-iyak niya.

"Tahan na baby, nandito na si Tita."

"M-mama," mahinang usal niya.

Agad akong napakalas ng yakap sa kanya. Inilibot ko ang mata ko sa paligid. Wala naman akong nakitang pamilyar na mukha roon. Tumingin ulit ako kay Gelai. Nakatingin siya sa akin. Awang-awa ako sa hitsura niya.

"S-si Ma-ma," aniya sa pagitan ng paghikbi.

Nilingon ko si Maico na kasalukuyang nakatayo sa tabi namin. Nakatungo lang siya at hindi tumitingin sa amin. Ibinalik ko ang tingin kay Gelai.

"Tahan na... simula ngayon, ako na ang magiging Mommy mo."

Wala akong nakitang reaksyon sa mata niya.

"Mama—" aniya na tila hindi narinig ang sinabi ko. Marahan ko siyang hinalikan sa noo at binuhat.

"I promise you, Gelai. I'll be the best Mom in the world. Just give me a chance."

Ramdam ko ang pagtigil niya ng hikbi. Pati ang paglapat ng ulo niya sa balikat ko. Nag-aalalang tinitignan ko siya.

"She's asleep," si Maico.

Nakahinga ako ng maluwag. Kinuha niya sa akin ang bata at siya na ang bumuhat.

"Let's go home," aniya pa.

to be continued...

The Nerdy Rebound GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon