Chapter Twenty Six

222K 3.4K 212
                                    

Nakatulala lang ako dito sa sala. Di ko na alam kung gaano na katagal na naka-alis si Maico. Basta mula nung nakita ko siyang lumabas ng pinto,dumausdos na lang ako ng upo sa sahig.

Pakiramdam ko kasi nung lumabas siya eh parang dinudurog yung puso ko. Sa isip ko eh kahit kailan hindi na siya babalik. Na yun na ang huli naming pagkikita.

Tumingin pa siya sa akin nun at nakita ko yung sakit sa mga mata niya. Tama ba ako ng naging desisyon? Bakit parang ngayon pa lang eh pinagsisisihan ko na yun? Dapat ba pinigilan ko na lang siyang umalis at binawi na lang ang mga sinabi ko? Kung ganun man, magiging masaya nga ba talaga ako?

Napatingin ako sa kontratang nasa center table. Unti-unti ko ulit naramdaman yung galit sa dibdib ko. Mula noong una eh minahal ko na siya. Ginawa ko ang lahat para sa kanya. Tiniis ko ang sakit na makipagrelasyon sa kanya para lang makalimutan niya si Lana tapos ito  ang mapapala ko? Hahainan niya pa ako ng kontrata? Hindi pa ba sapat ang lahat ng nagawa ko para lang makita niyang sobra yung pagmamahal ko sa kanya?

Doon nagsimulang tumulo ang luha ko. Ang gusto ko lang naman eh mahalin niya rin ako. Kahit konti lang sana. Hindi ko naman hinihiling na suklian niya ng buo yung pagmamahal ko eh.

Patuloy lang sa pagdaloy yung luha ko habang nakahalukipkip ako sa may sala.

________

Ramdam ko yung sakit ng katawan ko. Pakiramdam ko eh ngawit na ngawit ang mga braso ko. Nagmulat ako ng mata at yung ilalim ng center table ang bumungad sa akin. Dahan-dahan akong bumangon. Inihilamos ko ang mga kamay ko sa mukha ko. Tsk! Nakatulugan ko na pala ang pag-iyak dito sa sala.

Tumayo na ako ng makaramdam ako ng pagkalam ng sikmura. Kahapon pa nga pala ako hindi kumakain. Kahit yung meryendang hinanda ni Lana eh hindi ko nagalaw. Hindi na rin naman ako nakakain kagabi dahil sa naging engkwentro namin ni Maico.

Dumeretso ako sa ref pagkarating na pagkarating ko ng kusina. Wala na yung halos laman. Nawala na rin sa isip ko na mamili kahapon, wala na nga pala  akong stock ng pagkain dahil nawala akong ng ilang araw. Padabog kong sinara ang ref at pumunta na lang sa kwarto.

Nagbihis lang ako at bumaba. May Mcdo na malapit sa tinitirhan ko kaya dito na lang ako pumunta para mag-almusal. Hindi ko gusto ang pagkain dito pero wala naman akong choice. Mas maganda sana kung may Jolibee na lang na malapit. Mas gusto ko pa ang pagkain dun.

Mc nuggets lang ang binili ko na may kasamang fries. Kung tutuusin naman kasi, wala talaga akong ganang kumain. Pero nagugutom ako kaya pagbibigyan ko yung tiyan ko. Wala namang masyadong tao kaya nakapili ako ng maganda gandang pwesto. Mas gusto kong umuupo sa mataas na upuan para nakikita ko ang lahat kaya naman doon agad ako pumwesto.

Luminga ako sa paligid ko. Halos lahat sila nakangiti at mukhang masaya. Buti pa sila mukhang walang mga problema. Ito ang gusto ko sa panood ng mga tao sa paligid ko eh, kahit paano gumagaang ang loob ko pag nakakakita kong masaya sila.

Napatingin ako sa kanan ko. Mayroong mag-jowa doon na nagsusubuan ng fries. Ewan ko ba pero nainis ako bigla. Oo marami na akong nakitang ganyan pero... ahh basta naiinis ako! Inalis ko na lang yung tingin ko sa kanila. Lumingon ako sa kabila at meron naman doong dalawang matandang mag-asawa. Kulubot na yung mga balat nila pero makikita mo sa mga mata nilang wagas pa rin yung pagmamahalan.

Kami kaya ni Maico aabot sa ganyan?

Naiimagine kong magkaharap kami sa isang fine dine resto. Kulubot na yung mga balat namin pero masaya kami. Hinahaplos niya ang mga kamay ko habang sinasabi niyang "Mahal na mahal kita."

Napailing ako ng wala sa oras. Winawaksi ko yung kung ano mang tumatakbo sa isip ko. Ano bang iniisip ko? Jeez!

Nagmamadaling umalis na lang ako kahit na hindi ko pa natatapos yung kinakain ko. Pabalik na sana ako sa unit nang maalala kong wala na nga pala akong stock ng pagkain kaya naman nagpunta na lang muna ako sa grocery store.

The Nerdy Rebound GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon