Chapter Twenty Four

213K 3K 150
                                    

Hindi ko na namalayan kung gaano kami katagal na magkayakap sa sahig. Basta ang alam ko lang, magaang na ang pakiramdam ko habang nakakulong ako sa mga bisig niya. Paminsan-minsan eh humahalik siya sa buhok ko saka hihinga ng malalim.

Gusto kong malaman kung ano man ang tumatakbo sa isip niya pero di ko yun magawang itanong. Pakiramdam ko kasi kapag nagsalita ako eh masisisra ang moment na ito. Babalik sa pagkirot ang puso ko. Baka makita ko ulit yung galit sa mga mata niya.

Napaangat ang tingin ko sa kanya nang suklayin niya ang buhok ko gamit ang kamay niya. Wala na akong makitang galit dun. Kung aanalisahin ko pa nga eh pag-aalala na ang nakikita ko.

"Beast..." sabi ko sa paos na boses.

Bahagya siyang ngumiti at humalik sa mga labi ko. Yumakap ulit siya pagkuwan at binuhat ako papuntang kwarto. Marahan niya akong inihiga sa kama at naupo siya sa gilid nun. Nakatitig lang siya sa akin ng matagal at hindi nagsasalita. Ako naman eh nakatitig lang din sa kanya. Magsasalita na sana ako nang dahan dahan inilapit ang mukha niya sa akin.

Unti-unti ang paglapat ng mga labi sa mga labi ko na tila nag-aalangan pa siya. Gumanti rin ako ng halik at hinimok siya na ipagpatuloy lang ang ginagawa.

Nakaramdam ako ng sakit ng madiinan niya ang braso ko kaya napatigil siya bigla at tumingin sa mga mata ko. Nakahanda na siyang tumigil sa ginagawa nang hawakan ko ang pisngi niya at ako na ang humalik. Gusto kong iparamdam sa kanya na siya lang ang mahal ko. Gusto kong maramdaman niya na walang ibang lalaki na nagmamay-ari sa akin.

Humiwalay siya saglit, "I'm so sorry." aniya.

Ngumiti lang ako sa kanya at nagsimula muling halikan siya.

Nagpadala naman siya at gumanti ulit ng halik. Sa pagkakataon ito ay naging mas mapusok na iyon. Lumalalim ang bawat halik na ibinibigay niya. Hindi ko na ininda ang sakit na nararamdaman ko nang yumakap siya sa likod ko.

Hindi na ako pumalag nang magsimula siyang alisin ang mga saplot namin.

________

Kanina pa ako nakatulala sa kisame. Natutulog na si Maico at nakayakap siya sa baywang ko sa ilalim ng kumot. Ramdam ko pa rin ang sakit ng katawan ko. Naging maingat naman siya kanina habang nagniniig kami dahil na rin napansin niyang nasasaktan ako. Nakikita ko sa mga mata niya ang pagsisisi at sa tuwing mangyayari yun ay humahalik ako sa mga labi niya para maiparamdam sa kanyang ayos lang ako.

Nilingon ko siya at maaliwalas ang mukha niya habang natutulog. Napangiti ako sa nakikita ko. Ibang-iba yun sa hitsura niya kanina na tila mangangain ng tao. Naiintindihan ko naman na nagagalit siya dahil sa nakita niya kaya siya nagka-ganun.

Pasimple akong tumagilid paharap sa kanya para hindi siya magising. Bahagya siyang umungol pero hindi naman tuluyang nagmulat. Nilapat ko ng marahan ang mga labi ko sa mga labi niya.

"Mahal na mahal kita. Ikaw lang." pabulong kong sabi.

Nakangiting tinitigan ko pa ang mukha niya. Pagkuwa'y kinuha ko ang kamay niyang nakayakap sa akin para sana magkahawak kami ng kamay sa pagtulog. Pero napatigil ako nang makitang may natutuyo nang dugo roon. Naalala ko yung nangyari kanina, malakas nga pala yung pagkakasuntok niya sa pader.

Agad akong tumayo at kumuha ng pantkip sa katawan ko. Yung t-shirt niya ang unang nakita ko sa closet na umaabot hanggang sa kalagitnaan ng hita ko kaya yun na ang sinuot ko.

"Saan ang punta mo?" nakapikit pa ng bahagya si Maico.

"Kukuha lang ako ng first aid kit para jan sa sugat mo."

Kumunot ang noo niya. Nagtatanong kung anong sugat ang sinasabi ko. Agad ko naman itinuro yung kanang kamay niya.

Napamura siya ng makita yun.

"Ako na ang bahala dito." aniya at akmang tatayo na.

Pinigilan ko siya, "ako na."

Pumasok agad ako ng CR bago pa siya maka-angal. Kumuha ako ng isang tabo ng tubig, malinis na bimpo saka yung first aid kit.

Nakaupo na siya sa gilid ng kama pagkalabas ko. Pumwesto ako sa harap niya at naupo sa sahig. Inilapag ko ang mga gamit na dala ko at kinuha yung kanang kamay niya.

Hinugasan ko agad yun at pinunasan ng bimpo. Kinuha ko yung laman ng first aid kit at ginamot yung sugat. Pagkuwan binendahan ko yun.

Nakangiti siya sa akin nang tignan ko siya. He muttered thanks at nginitian ko lang din siya. Ibinalik ko na ang mga gamit sa CR at pumwesto ulit sa tabi ni Maico. Pero bago pa ako makahiga ay natigilan siya at kinuha yung braso ko. Napatingin din ako dun at nakita kong halos nangingitim na yun.

Pagtingin ko sa kanya ay alalang-alala siya. Ilalapit niya yung kamay niya sa braso ko pero babawiin niya agad yun. Parang hindi niya maatim na hawakan yung pasa ko.

"I'm so sorry." di makaling sabi niya habang nakatitig dun.

Hindi ako nakaimik. Ano bang sasabihin ko? Ok lang? Masakit pa rin yun pati yung likod ko. Pero handa naman akong patawarin siya eh.

Hinawakan ko na lang yung pisngi niya. "Matulog na tayo."

"Jacky..."

"Gusto ko nang magpahinga."

Nahiga na ako bago pa siya maka-angal. Patalikod sa kanya ang ginawa kong paghiga. Matagal na sandali rin ang lumipas bago ko naramdaman ang paghiga niya. Naiyakap niya ang isang braso niya sa akin.

________

Nagising ako sa marahang pagtayo ni Maico.

"Ow, sorry nagising ata kita." aniya.

"Ayos lang." tumingin ako sa orasan. Alas syete ng umaga. Kaya pala pakiramdam ko eh antok na antok pa ako. Madaling araw na rin kasi nang mahiga kami at di rin naman agad ako nakatulog. "Papasok ka na?" tanong ko.

"Yeah."

"Ipagluluto kita ng almusal."

Tumayo agad ako at lumabas ng kwarto. Nagpunta naman siya ng CR para maligo.

Nagsangag ako ng kanin at nag-prito ng bacon. Yun na lang kasi ang nasa ref. Pinagtimpla ko na rin siya ng kape at hinanda na yung mesa.

Naupo lang ako sa pwesto ko sa kusina habang hinihintay siyang lumabas ng kwarto. Pagkalabas niya eh bihis na siya gamit yung isang polo shirt niya na nakalagay lang sa closet ko. Basa pa yung buhok niya at bahagya niya yung sinusuklay ng kamay niya.

Nilagyan ko ng pagkain yung plato niya pagka-upong pagkaupo niya.

"Hindi ka ba papasok?" tanong niya.

Umiling ako at tumigil sa pagsuubo ng pagkain. "Ngayong ala-una pa naman dapat ang uwi ko galing Palawan eh, so hindi pa talaga ako papasok ngayon. Pero magsasabi na rin ako sa Boss ko na di ako papasok."

"Ok."

Nagpatuloy lang siya sa pagkain at hindi na ulit nagsalita. Ilang minuto rin ang lumipas at natapos na siyang kumain pero di pa rin siya tumatayo.

"Gusto mo pa ba?"

"No. Busog na ako." huminga siya ng malalim. Parang may gusto siyang sabihin pero di niya alam kung paano.

"May problema ba?"

Tumingin siya sa akin. "Magpapagawa ako ng kontrata kay Attorney. Para sa relasyon natin---"

"Kontrata?" halos pasigaw kong tanong.

"Yeah. Para masiguro kong sa akin ka lang." aniya saka tumayo.

Natulala ako sa sinabi niya. Kontrata? Para masigurong sa kanya lang ako? Akala ko ok na. Na alam niya nang hindi ko siya niloloko. Pero bakit ganun?

Napatungo ako dahil nangingilid na naman ang mata ko.

"See you later." aniya saka humalik sa noo ko.

Pagkalabas na pagkalabas niya ng pinto ay nagsimula ang padaloy ng luha ko.

to be continued... 

The Nerdy Rebound GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon