Nagising akong wala sa tabi ko si Maico. Pagtingin ko sa orasan, alas-diyes na pala ng umaga. Napasarap ang tulog ko. Dala marahil yun ng ilang araw na hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa kakaisip kung saang lupalop na ng mundo naroon si Maico. At ngayong nakita ko na siya, panatag na ako.
Sinubukan kong tignan ang banyo at baka naroon lang siya pero wala akong dinatnan. Baka naglilibot na yun sa resort. O baka naman...
Patakbo akong lumabas ng CR at tinignan yung mini cabinet na naroon. Nakahinga ako ng maluwag ng makitang naroon pa ang mga gamit niya. So, naglilibot nga lang siya.
Pumunta ako ng kwarto ko para mag-ayos ng sarili. Nagsuot ako ng kulay puting blouse na mejo may kaluwagan at shorts. Itinali ko rin ang buhok ko paitaas para umaliwalas naman tignan ang mukha ko. Tingin ko kasi eh haggard na ako.
Nagugutom na rin ako kaya maghahanap sana ako ng maa-almusal sa labas. Pero swerte namang may pagkaen raw na nai-deliver para sa akin. Dinala yun ni Jun sa mismong kwarto ko. Napangiti ako. Sino pa nga ba ang pwedeng gumawa nito di ba?
Dali-dali ko yung kinaen at pagkatapos eh konting ayos ulit ng sarili saka ako lumabas at nagpunta sa garden.
Natanaw ko agad doon si Maico na nakaupo sa isang upuan na gawa sa kahoy. Yun yung tipo ng upuan na mukhang sinadya para maging design ng isang garden. Ang ganda nun tignan at bumagay sa tema ng paligid. Pero napakunot ang noo ko nang mapansin kong hindi siya nag-iisa. May kausap siyang babae roon at masaya silang nagku-kwentuhan. Dinig ko pa yung mga tawa ni Maico mula sa kinaroroonan ko.
Lumapit agad ako sa kanila at ngumiti kay Maico. Nang mapansin niya atang naroon ako eh tumingin lang siya sa akin ng walang emosyon saka bumaling ulit dun sa babae ng nakangiti. Naramdaman ko yung pag-akyat ng dugo sa ulo ko. Parang napahiya ako roon. Napatingin pa sa akin yung babae na para bang naawa siya na ewan.
Maganda siya, in fairness. Wavy at may highlights yung buhok niya na brown. Maputi yung balat niya at makinis na parang ni hindi man lang nadapuan ng lamok sa tanang buhay niya. Sa tantiya ko rin eh matangkad siya base sa haba ng mga hita niya. Nakasuot siya ng flowery dress na kulay pink na sadyang bumagay sa balat niya.
Agad akong nakaramdam ng insecurity. Ano namang laban ko sa isang kagaya niya di ba? Napatingin pa ako sa sarili koat napangiwi. Makaalis na nga lang.
Pero bago pa ako makatalikod eh may naalala ako bigla. Mahal kita Jacky, mahal na mahal. Napangiti ako sa sarili ko. Wala akong laban sa hitsura niya. Pero ang laban ko? Ako ang mahal ni Maico.
Walang pasabi na naupo ako bigla sa tabi ni Maico. Mejo nakatalikod siya sa akin dahil kinakausap niya yung hitad. Naiirita ako sa tawa niya, halatang-halata na nagpi-flirt kay Maico.
Ilang minuto na rin ako rito pero hindi pa rin ako pinapansin ni Maico. Lalo na akong nagmumukhang tanga. Sa inis ko, isinandal ko yung ulo ko sa likod ni Maico. Medyo malakas ang ginawa kong pagumpog ng ulo ko kaya napagalaw siya ng bahagya. Naramdaman ko yung pag-tense ng likod niya pero wala pa rin siyang ginawa. Patuloy pa rin siya sa pakikipag-kwentuhan.
Naghintay pa ako ng ilang minuto sa ganoong ayos pero hindi pa rin ako pinapansin. Hanggang sa makita ko yung isang grupo na naglulunoy sa pool. Kitang-kita yun dito kaya naman pinanood ko na lang muna sila.
Habang nanood eh may biglang pumasok sa isip ko na sinabi ni Mica. "May saltik si Kuya. Hindi ka papansinin niyan pag nagtatampo siya. Kaya anong dapat gawin? Magpapansin." Ngiting ngiti pa siya ng mga oras na yun. Tama, ayaw mo akong pansinin? Edi mgpapapansin ako.
Tumayo na ako at walang lingon likod na umalis doon.
Inilabas ko agad ang plastic bag na ibinigay sa akin ni Mica bago ako umalis. Kinuha ko ang laman nun at iniladlad sa harap ko. Kaya ko kayang isuot 'to?
Ano yung inilabas ko? Well, kulay blue na two piece swimsuit at itong pamatong na net lang ata ito eh? Kita rin naman talaga ang kaluluwa ko. Aissh! Bahala na nga!
Isinuot ko na yung two piece swimsuit at tumingin sa salamin. Buti na lang wala akong unwanted fats sa katawan. Hindi ako magmumukhang ewan pag lumabas ako. Isinuot ko rin yung kulay dilaw na net ba 'to? Pakiramdam ko tuloy eh isda ako na nahuli ng mangingisda. Kinuha ko rin yung sunblock lotion. Mahirap nang matusta yung balat ko. Di na nga kagandahan eh lalala pa.
Taas noo akong lumakad papunta sa tabi ng pool. Naupo ako sa gilid noon at inilublob ko ang mga paa ko sa tubig. Napatingin sa akin yung grupo kanina na pinapanood kong magharutan sa tubig. Apat silang lalaki at dalawang babae. Tingin ko eh nasa 18 hanggang 20 ang edad nila.
Sumipol pa yung isa pagkatingin sa akin. Nag-init bigla yung mukha ko at parang gusto ko na lang manakbo papalayo. Pero nang mapatingin ako sa gawi ni Maico, nakatingin siya sa akin... kunot ang noo.
"Mukhang effective nga." bulong ko sa sarili ko.
Naglagay ako ng sunblock sa mga braso ko. Naisipan ko ring lagyan ang likod ko kaso may suot akong "net" na hindi naman mapo-protektahan yung balat ko kaya inalis ko yun na ikinadulot ng hiyawan mula dun sa mga lalaki sa kabilang side ng pool.
Hindi ko na lang yun pinansin at naglagay ako ng sunblock sa palad ko. Pilit kong inaabot yung likod ko sa paglalagay pero hirap ako.
"Need help?" napatingin ako sa nagsalita. Isa siya dun sa mga lalaki at sa tingin ko? Siya ang pinaka-cute.
"Ahhhm..." hindi ko alam ang isasagot. Ano ba dapat? Hayaan ko lang siya na lagyan ako ng lotion sa likod? Pasimple akong tumingin kay Maico. Kita sa hitusura niya na inis na siya. Nakatayo na nga siya at hindi na pinapansin yung hitad eh.
"Okay." ngumiti pa ako habang nakatingin dun sa lalaki.
"I'm Jeremy." aniya at kinuha yung sunblock mula sa kamay ko.
"Jacky."
"Nice name huh? Halos magkatunog sa pangalan ko. Hindi kaya destined tayo?" banat niya. Nakita ko pang nag-squeeze na siya nung lotion sa kamay niya.
"Magkatunog lang ang pngalan destined agad?" natatawang sabi ko.
Nakita ko sa peripheral vision ko na papalapit sa amin si Maico. Pero hindi ko yun pinansin at nagkunwari akong hindi siya nakikita. Kinausap ko na lang si Jeremy na ngayon eh naglalagay na ng lotion sa likod ko.
Nagulat ako ng may tumapik sa kamay ni Jeremy na ng mga sandaling yun eh nasa likod ko yung kamay.
"Hey!" galit na sigaw ni Jeremy.
"Alis!" mahina pero mariin na sabi ni Maico.
Nakita ko pang magsasalita sana si Jeremy pero pasigaw nang nagsalita si Maico.
"Alis!!" Nahihintakutang tumayo agad si Jeremy at lakad takbong pumunta sa kabilang side ng pool.
Napatingin ako kay Maico. Galit na galit yung hitsura niya pero wala akong pakealam. Ginawa ko rin yung ginawa niya kanina. Tinignan ko lang siya ng walang emosyon saka bumaling sa paglalaro ng mga paa ko sa tubig.
Napapitlag ako ng bigla niya akong buhatin. Mabilis yung lakad niya at base sa dinaraanan niya mukhang papunta kami sa kwarto niya.
Pinagtitinginan kami ng ilang guests dun dahil sa pagkakabuhat niya sa akin.
"Ibaba mo nga ako." pabulong na sabi ko sa kanya. Pero parang wala siyang narinig at nagpatuloy lang sa paglalakad.
Pabalibag niyang isinara yung pinto ng kwarto niya at ibinaba ako. Magsasalita na sana ako ng bigla niya akong yakapin ng mahigpit at mariin na hinalikan sa mga labi.
to be continued...
BINABASA MO ANG
The Nerdy Rebound Girl
Romance[Completed] One True Love Series #2 P1 Jacky has been in love with Maico since forever. Ang kaso, ang kaibigan niyang si Lana ang gusto nito kahit na may asawa na ang huli sa katauhan ni Jace. Nang mawalan ng pag-asa si Maico kay Lana ay sa kanya it...