Chapter Thirty Eight

183K 2.9K 177
                                    

  

Nagising akong sobrang sakit ng ulo. Sa malabong panigin ay nilingon ko ang paligid, puro puti ang nakikita ko. Sa gilid ko ay may babaeng nakaputi rin na may kung anong inaayos sa gilid ko. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at dumilat ulit.

"Nasaan ako?" tanong ko roon sa babae.

"Gising ka na pala Ma'am. Nasa ospital po kayo." Akmang babangon ako nang pigilan niya ako. "Wag ka munang bumangon Ma'am."

"Anong nangyari?" hinawakan ko ang ulo ko gamit ang dalawang kamay. Doon ko napansin na may dextrose na nakakabit sa kaliwang kamay ko.

"Dinala po kayo rito kahapon at—" napatigil siya. "Lumabas lang po sanadali ang boyfriend niyo. Babalik din daw siya agad." anito saka umalis.

Ano bang nangyari? Bakit ako nandito? Lalo ko lang nararamdaman yung sakit ng ulo ko habang inaalala ang nangyari. Pero pilit ko pa rin yung hinahalukay sa utak ko. Nasa malalim pa rin akong pag-iisip nang pumasok si Maico sa kwarto.

"Beauty, mabuti naman at gising ka na." kita ang relief sa mukha niya pero malamlam ang mga mata niya. Hinawakan niya ang kanang kamay ko, ikinulong yun sa dalawang kamay niya saka hinalikan. "Sobra akong nag-alala sayo. Kamusta ang pakiramdam mo?"

"Yung ulo ko masakit." nakakunot ang noo ko dahil sa pag-inda sa kirot nun.

"Heto, sakto bumili ako ng soup para makain mo." inilabas niya yung laman ng plastic na bitbit niya. Laman nun ay isang styrofoam na korteng mangkok na may lamang lugaw.

Inilapag niya muna yun sa mesa saka ako inalalayang makaupo. Siya na mismo ang nagkusang subuan ako. Hinihipan niya pa yun saka niya ilalapit sa bibig ko.

"Anong nangyari?" tanong ko matapos makasubo ng tatlong kutsarang lugaw.

Pilit siyang ngumiti. "Ubusin mo na muna ito." aniya saka itinapat ulit sa bibig ko ang isa pang sadyok nun.

Isinubo ko naman yun at nag-isip. Ang naaalala ko eh sinabi ko na kay Maico na buntis ako. Tapos dumating si Kuya---. Napa-angat bigla ako ng likod ng maalala ang nangyari. Si Kuya, galit na galit siya, itinulak niya ako sa mesa at tumama ang---.

"Ang anak ko?! Anong nangyari sa anak ko?!" nagpapanic na tanong ko kay Maico habang hawak-hawak ang tiyan ko.

"Jacky... ubusin mo na ito."

"Sagutin mo ako! Anong nangyari sa anak ko?!"

Ibinaba niya ang pagkain sa mesa at tumungo. Tila nanlulumong hinilamos niya ang mga kamay niya sa mukha. Kita rin ang pangingilid ng luha niya.

Nanlalaki ang matang napailing ako. Sa ikinikilos niya alam ko na ang sagot sa tanong ko. Unti-unting nag-init ang mga mata ko at nanginginig na hinawakan ko ang braso niya.

"Maayos naman ang anak ko di ba?" tuluyan nang tumulo ang mga luha ko.

"Jacky—"

"No. No... maayos siya di ba?! Sabihin mong maayos siya parang mo nang awa... Maico." mariin kong ikinapit ang dalawang kamay ko sa braso niya. Hindi pwedeng mawala ang anak ko. Hindi siya pwedeng mawala.

Hinawakan niya ang mga kamay kong nakakapit sa kanya. "I'm sorry. Ginawa na ng mga doktor ang lahat—"

"No!" marahas akong bumitaw sa mga braso niya. "Nagbibiro ka lang. Sabihin mong nagbibiro ka lang!"

Naupo siya sa gilid ng kama at pilit na niyayakap ako. Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. Hindi ako halos makahinga sa sobrang bigat. Pilit ko siyang tinutulak. Nagsisinungaling lang siya. Sinungaling siya. Buhay ang anak ko... buhay.

"Jacky please..." nakita ko yung mga luha sa mata niya pero hindi ko yung pinansin. Malakas ko siyang itinulak at pinilit kong tumayo.

"Umalis ka! Sinungaling ka! Di kita kailangan!"

Hindi siya umalis. Bagkus eh lalo siyang lumapit sa akin at pilit pa rin akong niyayakap. Maya-maya ay bumukas ang pinto at may dalawang nurse na humahangos na pumasok doon.

"Kumalma lang po kayo, Ma'am." narinig kong sabi ng isang nurse. Pero hindi ako tumigil. naramdaman ko na lang na may itinurok ang isa sa braso ko at unti-unti, bumubigat ang ulo ko.

________

"Tulog pa po siya pero maayos na yung lagay niya." narinig kong sabi ni Maico nang magising ako. "Opo 'My. Bye." base sa tawag niya rito eh alam kong ang Mommy niya ang kausap niya.

Humarap siya sa akin pagkababa niya nung tawag.

"Beauty..." lumapit siya at naupo sa gilid ng hospital bed. Sinuklay niya yung kanang kamay niya sa buhok ko. Kita sa mata niya yung pag-aalala at lungkot.

Nararamdaman ko ulit yung pag-init ng mga mata ko. Hinaplos niya yung pisngi ko, halatang nagpipigil lang din siyang mapaiyak.

"Yung baby natin." naiiyak na sabi ko.

"I know... I know." pinahid niya yung isang luhang tumulo sa mata ko. "Tama na, wala na tayong magagawa. Wala na siya."

Tila nagpantig ang tenga ko sa narinig. Nag-init bigla ang ulo ko dahil pakiramdam ko eh wala siyang pakialam kung nawala man yung anak namin. Tinabig ko yung kamay niya at tumalikod sa kanya ng pagkakahiga.

Huminga siya ng malalalim at hinawakan ang braso ko. Tinabig ko rin yun agad.

"Parang wala lang sayo kung makapagsalita ka ah. Anak natin yun Maico." mariin kong sabi.

"Jacky, please..."

Hindi ako sumagot. Hinayaan ko lang siya. Ilang sandali rin ang lumipas saka ko siya narinig na magsalita ulit.

"Masakit din sa akin ang pagkawala ng bata. Ikaw na rin ang nagsabi, anak natin yun. Pero wala na tayong magagawa. Wala na siya... we should move on."

Lalo akong napaluha ako sa sinabi niya. Masyado akong naging focus sa sarili ko at hindi ko naisip na nasasaktan din siya.

"Makakagawa pa naman ulit tayo ng baby di ba? Please... nawala na ang anak natin wag namang pati ikaw mawala pa sa akin." aniya pa.

Unti-unti akong humarap.

"Mahal na mahal kita. Ayokong nakikitang nagkakaganyan ka." sa malungkot na mata ay sabi niya.

Umupo ako at yumakap sa kanya. Gumanti naman siya ng mas mahigpit pa.

Napahiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya nang tumunog ang cellphone niya. Tinignan niya ang caller ID nun at nakita kong kumunot ang noo niya. Hindi siya umalis sa tabi ko nang sagutin niya yun.

"Hello." aniya pagka-pindot ng answer button. Tumingin muna siya sa akin saka nagsalita ulit. "Yes, this is Maico Buenaventura." taimtim siyang nakinig sa sinasabi ng nasa kabilang linya. Napapikit siya sandali saka tumango na tila nakikita yun ng kausap niya sa kabilang linya. "Sige po, salamat." aniya pa saka ibinaba yung tawag.

"What was that?" tanong ko agad.

Tumungo siya ng kaunti na tila kumukuha ng bwelo saka siya humarap sa akin at nagsalita. "Yung... Kuya mo. Wala na siya. Natagpuan daw na tadtad ng bala."

Hindi ko maintindihan kung anong nararamdaman ko sa balitang yun. Dapat ay malungkot ako sa pagkawala niya pero sa likod ng utak ko ay nakaramdam ako ng ibang pakiramdam. Hindi ko yun maipaliwanag pero malayo yun sa kalungkutan. Sabihin nang masamang kapatid ako dahil sa pakiramdam kong ito pero wala akong magagwa. Tila namanhid na ako sa ano mang simpatya para sa kanya. Lalo na ngayon, wala na ang anak ko. Nawala ang anak ko at dahil yun sa kanya.

to be continued...

The Nerdy Rebound GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon