Almira's POV
Incase na naguguluhan kayo, mag-kaiba kami ng section nila Marcoconut at Kyle, sila sa Science Class, kami ni Faith ay sa Regular Class lang. Dapat Science Class din ako, but I insisted na sa Regular lang ako, sinermonan pa nga ako ni Papa, eh. Na-bobobo kasi ako dun. Masyado silang mga seryoso sa pag-aaral, hindi nila na-eenjoy buhay nila.
Well, dahil ayaw ni Papa na sa Regular ako, ang ginawa nila sa Regular Class ako papasok pero ang Grades at Honors ko sa Science Class i-papasok. Meaning, pag final ranking mga Science Class ang kalaban ko. Ano pang sense na ni-Regular nila ako kung dapat ko rin namang seryosohin ang aral ko para maka-pasok sa honors ng Science Class? Jusko. Ang gulo ng buhay ko.
Nasa sala ako ng bahay, akala niyo sa school noh? Hahaha! Makapag-kwento naman kasi ako, hinihintay ko si Bakla. Oo, Sabado na ngayon. Yung double-ekek date, -beep, beep-
"Manang! Una na po ako, paki-sabi kila Papa may pupuntahan lang ako!" Sigaw ko.
"Sige, Hija! Mag-iingat ka." Bago ako umalis tinignan ko muna ang itsura ko, pwe. Naka-dress ako pero naka-High cut na Converse. Ayos.
Paglabas ko ng pintuan, "Ayos! Pogi ng kotse natin, ah!"
Tumawa naman si Kyle, "'Wag ka maingay, hindi ako nagpaalam kay Kuya Red." Bulong niya sa akin, aba.
"Huh. Anjan pa naman si CM." Oo, bastos kasi akong bata. Jusme. CM lang tawag ko sa Ate kong akala niyo anghel kung humarap sa ibang tao pagdating sa akin grabe ka-demonyo. Muntik niya na nga akong kalbuhin nung nagsabunutan kami kahapon. Gaga kasi siya, nanghihiram lang ako ng dress, binasag niya na IPhone ko. Pwe. Pero, oks lang. Para mabilhan ako ng bagong cellphone. Wata Kid. Hahaha!
"ARAY! ANO BA CYRIELE MARICON! PUTEK, MASAKIT YUN!" Bwst! Binato ba naman ako ng sandals na may takong, wengya. Nasa terrace kasi siya, hindi na ako nagtaka, tsismosa yan eh.
"Hoy, Almira. Sino yan? Lumalandi ka na, ha!" Naka-ngisi niyang sabi sa akin, sinamaan ko lang siya ng tingin, "SUITOR KO, BAKIT?!" Sigaw ko sa kanya.
"Ha-ha-ha. Grabe tawa ko, mga tatlo. Feeler much!"
"WALA, INGGIT KA LANG! WALA KA KASING MANLILIGAW PALIBHASA ADIK NA ADIK KA KAY KUYA RED NA HINDI NAMAN NAGKAKAGUSTO SA'YO FROM THE PAST, PRESENT AND THE FUTURE!"
"Aba! Miray, mana-mana lang yan. Bakit ikaw?! Adik ka rin naman kay Marco na hindi rin nagkakagusto sa'yo since birth, until now!" Sasagot pa sana ako ng hilain ako ni Kyle papasok sa kotse niya, "ATLEAST AKO MAPAPA---ASDFGHJKL!" Pinaandar na ni Kyle yung kotse habang yung isang kamay niya nasa bibig ko.
Tinanggal ko yun ng palabas na kami ng gate, "Pwe! Ang alat ng kamay mo!"
"Sino bang nagsabi sa'yo na tikman mo ang gwapo kong kamay?" Sinimangutan ko naman siya, what do I expect. Pwe.
Nang makarating kami sa meeting place nakita ko sa may fountain si Faith at Marcoconut, kumakain sila ng Cotton Candy, "Oh, there they are! Hi, Miray!" Salubong ni Faith sa amin ni Bakla.
Tinignan ko si Marco pero naka-tingin lang siya kay Faith, okaaaaay. Sige, 'wag mo kong pansinin! Lokong toh. Nag-effort akong mag dress! Batukan kita, ihh. Argh, "So, anong gagawin natin?" Excited na tanong ni Faith.
"Why don't we stroll muna sa park?" Suggestion ni Marco, "O---."
"I prefer to watch a movie." Walang emosyon kong sabi sa kanila, nagkatinginan naman silang tatlo. Nagkibit-balikat lang si Kyle, ngumiti nalang si Marcoconut at Faith. Wala silang laban sa akin, kasi alam nila na kapag ako na ang nag-suggest wala na silang magagawa kundi sundin ako. Yeah, spoiled much.
"Okay. Kyle, samahan mo muna si Faith na bumili ng tickets. Me and Almira will buy popcorns." Naka-ngiting sabi ni Marco, "Fine." Naka-simangot na sagot ni Faith, habang pinapanood namin silang maglakad palayo, lumingon si Kyle sa akin, "Loko." Natatawa kong bulong, kinindatan niya kasi ako. Hahaha!
"Kyle will drive you home?" Tumango naman ako sa tanong ni Coconut.
"Then, ipakilala mo na siya kila Tito." Seryoso niyang sabi, no choice naman kasi ako. Tinatamad din ako makipag-debate sa kanya, I'm seriously not in the mood. Kanina pa.
"Huh? Hindi ka makikipag-away sa akin?" Takang tanong niya, tumango ako at naglakad na kami papunta sa bilihan ng popcorns, "Two large size please." Sabi niya, "Share that with Kyle, hey! Wala pang start ang movie alam kong mauubos mo na yan!" Sermon niya sa akin habang naglalakad kami pabalik.
Humarap ako sa kanya at ngumisi, "Wala kang pake." At ngumiti ako ng napaka-tamis sa kanya.
BINABASA MO ANG
Arranged Marriage -EDITING-
RomantikThey started as friends, turned into enemies, and ended up as lovers, but all of this was according to a deal, an arranged marriage. "Love comes to those who still hope even though they've been disappointed, to those who still believe even though th...